Daphne POV;
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko. Mapapangiti na sana ako ng maalala kong ngayon pala ang alis ni kean. Oo mahirap, Oo masakit paanong gagawin eh may sakit nga yung mommy nya
Hindi ko sya pwedeng diktahan dahil magulang nya yun. Kung pwede nga lang sumama baka sumama na talaga ako.
*Tokkkk*Tokkkk*
Napatingin ako sa pintuan dahil may kumatok. Sino namang bwisit ang maagang pumunta dito
"Pasok!!" Sigaw ko at unti unting bumukas ag pintuan
"Nagising ba kita?" Tanong nya pero umiwas lng ako ng tingin at tumalikod sakanya
Naramdaman ko ang pag uga ng higaan kaya alam kong nasa tabi ko na sya. Hinawi hawi nya yung buhok ko at bigla akong niyakap
"Uyy wag ka namang magalit mamaya na yung alis ko tpos hindi mo pa ako papansinin" pag mamaktol nya
Umikot ako para makaharap sakanya. Naiiyak ako kasi wala nang gigising sakin kapag umaga para makapunta kila kylah. Naradaman ko na lang na pinunasan ni kean yung luha ko
"Wag kang umiyak. Babalik ako, babalikan kita" seryoso nyang sabi
"Wag mo akong ipag papalit don ha! Alam kong mas maganda sila sakin at mas mabait pero sana wag mo akong ipag papalit kasi hindi ko kaya" mangiyak ngiyak kong sabi
Nainis ako kasi tumawa sya. Kita nyang nag eemote ako dito tapos tatawa sya nakakainis. Pero niyakap nya ako at binaon nya ang muka nya sa leeg ko
"Kahit ilang milyong magagandang babae pa yan hindi kita ipag papalit don mas okay na ako sayo dyosa, mataray, amazona, matakaw" hindi ko alam kung nanlalait ba to oh ano eh! Pero syempre napangiti ako don sinabi nya
May tiwala naman ako kay kean pero sa mga umaaligid sakanyang babae don wala.
"Siguraduhin mo lang. Kapag nalaman kong may babae ka don magiging miserable yang buhay mo" sabi ko na mas lalong kinalakas ng tawa nya
"Hahahahahah^0^" -kean
"Muka ba akong clown-_-?" Tanong ko pero bigla syang nag seryoso
"Joke lang yun. Anyway tumayo kana jan aalis tayo" sabi nya kaya napataas yung kilay ko
"Saan?" Tanong ko pero tinuro lang nya yung pintuan ng cr kaya napairap na lang ako at pumasok na sa loob
Lakas ng tama non. Ano kaya nakain non. So ayun ginawa ko na yung morning routine ko nakakainis nga eh kasi pinag mamadali nya ako
"Ano ready kana?" Tanong nya
"Sa tingin mo?" Sarkastiko kong tanong at inirapan na lang sya
Lumabas kami ng kwarto at nag paalam na lang kila tita kacey at tito jayson na aalis muna kami. Pinag buksan ako ng pinto ni kean at agad din nyang pinaandar ang kotse
Sa buong byahe hindi ko maiwasang mag isip paano kaya kapag nandoon na sya makakaya kaya namin ang LDR? Mahirap ang magiging sitwasyon namin dahil sa america kapag gabi sakanila umaga dito sa pilipinas haysss....
"Uyy lalim ng iniisip mo" sabi ni kean pero hindi ako umimik
"Mag tiwala ka. Kakayanin natin yun" sabi ni kean sabay hawak sa kamay ko
At ito na naman po yung luha ko pa bagsak na naman. Then charaaaa... tumulo na din sya. Hindi ko kasi maiwasang mag isip ng negative lalo na't napaka layo ng america sa pilipinas
Maya maya pa ay nakarating na din sa isang park kung saan tanaw ang mga buildings at kung ano ano pa. Nag taka ako kasi ganto kaaga pupunta kami dito
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romans[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)