Clarck POV;
Nasa kalagitnaan ako ng panaginip ko ng maalimpungatan ako dahil sa tunong ng pinto
Gising ako pero hindi parin ako dumidilat. Rinig ko ang yapak na papunta sakin kaya kinilabutan ako
"Bro!!!!" Napa bangon ako wala sa oras ng may sumigaw
"Whaaaaa!!!" Sigaw ko sabay dilat
"Ffftttfffffhahahhahha" halos mag lumpasay na yung tatlo sa sahig sa kakatawa
"Astig mo pala magulat bro?" Matawa tawang tanong ni ashton
"Ulol lumayas nga kayo dito. Aga aga nambubwisit kayo!!" Inis kong sigaw
"Hoy!! Baka naalala mo clarck ngayon mo kukunin yung damit mo pang kasal" sabi ni kean kaya natigilan ako
"Mauna na kayo sa baba susunod nalang ako" sabi ko at aakmang tatayo ng humagalpak na naman sa kakatawa si ashton at james
"Taena ka bro hindi ako maka move on sa muka mo kanina" sabi ni james na halos gumapang na palabas kakatawa
Sa inis ko agad ko kinuha yung baril ko sa ilalim ng higaan ko at kinasa yun sabay tutok sakanilang dalawa
"Hoyyy!!! Easy bro wala namang ganyanan" sabi ni ashton at sabay pa silang nag tago sa likod ni kean
"Lumabas na nga kayo!!" Sigaw ko
"Fuck you bro mauna kana!!" Sigaw ni james
"Tanga parehas tayo" rinig kong depensa ni ashton
"Mauna ka susunod ako" bulong ni james
"Parehas kong pasasabugin yang ulo nyo kapag hindi kayo lumabas" banta ko kaya halos mag kadapa dapa na yung dalawa sa pag uunahan palabas
"Pero alam mo clarck...... nakakatawa talaga yung reaction ng muka mo" ngising sabi nya sabay takbo palabas kaya napailing nalang ako
Tinignan ko yung baril ko at pag bukas ko non ay ako naman yung natawa kasi wala palang bala yung baril hahahaha....
Tumayo nalang ako at ginawa na ang routines ko. Ngayon ko kukunin yung gagamitin kong damit para sa kasal. At mamaya naman ang party.
Last party na yon bilang walang asawa dahil kapag kinasal na ako kay kylah ay hindi na ako pwedeng..... alam nyo na baka kasi patayin ako ni kc hahaha
Pagkatapos kong mag ayos ay agad din akong bumaba at nadatnang paakyat sila mom and dad
"Saan kayo pupunta mom?" Tanong ko
"Mag aayos na kami para sa stag party nyo anak" sabi ni mom kaya tumango nalang ako
"Mom alis napo kami" pagpapaalam ko
Lumabas na kami at nakita kong kotse ni kean ang dala kaya sumakay na ako. Tinignan ko yung phone ko pero walang kahit anong txt ni kylah siguro tulog pa kaya nag iwan nalang ako ng Goodmorning message
"Nga pala asan yung mga asawa nyo?" Takang tanong ko
"Asawa lang nila pero ako girlfriend lang" sabi ni kean habang nag dadrive
"Si tiffany papunta kila kylah kasama daw si daphne at stacey. Sasamahan daw si kylah isukat yung wedding gown" sabi ni ashton kaya natahimik nalang ako
Maya maya pa ay nakarating na din kami. Pag pasok namin ay agad kaming sinalubong ng isa sa mga tauhan dito
"Mr. Clarck Scott?" Tanong nung babae
"Ako yun" sabi ko at agad na tumayo
"Sir ito napo yung damit nyo" sabi nya kaya agad kong kinuha at dumeretsyo sa dressing room
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)