Chapter 39 Come Back

3.3K 85 0
                                    

Kylah  POV;

Nandito ako sa daan naglalakad pauwi. Wala akong pake kung nababasa na ako ng ulan. Sumasabay ang buhos ng ulan sa bawat patak ng luha ko.

Nakakainis kasi walang taxi tapos hindi ko pa naabutan si clarck. Habang naglalakad ako ay nagpapapadyak ako sa inis

"I hate you earth!!!" Sigaw ko at sakto namang kumulog

"Ayyyy" sigaw ko dahil sa takot

Siguro pag uwi ko nito lalagnatin ako dahil nag paulan ako. Pero natigil ako sa pageemote ng tumunog yung phone

"Peste naman tong tumatawag" inis kong kinuha yung phone at sinagot ko yun kahit hindi ko alam kung sino yung tumawag

"Hello sino to?!!" Sigaw ko

Pero rinig ko sa kabilang linya ang pag pigil nya ng tawa. Sino ba tong walangyang pinagtawanan pa ako

"Papatayin ko to kapag hindi ka nag salita!!" Sigaw ko

"Ehemm... Ehemm... nandyan po ba si miss Kylah Coleen Gonzales" sabi nung lalaki sa kabilang linya

"Bakit anong kailangan mo sakin?" Masungit kong tanong habang nag lalakad sa gitna ng ulan

Panigurado sira tong cp ko dahil nabasa.

"Amm... gusto ko lang pong mangamusta" sabi nya kaya kumunot yung noo ko

"Hindi ako okay... sino ka ba?" Mataray kong tanong at kung minamalas ka nga naman may dumaang kotse at tumalsik sakin yung tubig sa lapag

"Hoyy driver minsan nga matuto kang mag excuse me!!!" Sigaw ko

"Amm... miss" sabi sa kabilang linya

"Ano ba? Sino kaba?!!" Sigaw kong tanong

"Amm... si Mr. Scott po ito" sabi nya kaya natigil ako sa pag lalakad

"S-scott?" Tanong ko ulit

"Miss si Mr. Clarck Kalvin Scott po ito" sabi nya at rinig ko ang pagtawa nya

"Huhuuu... punyeta ka talaga!!" Sigaw ko habang umiiyak na naman

"Ano na naman?" Tawa nyang tanong

"Nasan ka ba? Kala ko ba mahal moko bakit umalis ka?" Hagulgol kong tanong

Nilalamig na ako dahil kanina pa ako nagpapaulan.

"Bakit may magagawa ba ako kung may richard kana" sabi nya na kinaiyak ko lalo

"Nakakainis ka! Bestfriend ko si chad at ikaw yung pinili ko!!" Sigaw ko

"Akala ko boyfriend mo sya?" Takang tanong nya kaya kumunot yung noo ko

"Sino naman nag sabi sayong boyfriend ko si chad?" Tanong ko na hihikbi hikbi pa

"Wala lang may pa imissyou pa kasi kayo at yakapan tsk!" Medyo napangiti ako sa sinabi nya

"Pero nasaan ka ba bakit iniwan mo ako?" Mangiyak ngiyak kong tanong

"Papunta ako ngayon sa babaeng mahal ko" sabi nya kaya nalungkot ako

"So may ibang babae kana?" Malungkot kong tanong

"Mmmm... oo eh!" Sabi nya kaya ramdam ko ang mainit na luha kong pumatak

Rinig ko sa kabilang linya yung pag sarado mg sasakyan at ang buhos ng ulan. Pero ulan? Umuulan din sa america ngayon?

"Sabi mo mahal mo ako" malungkot kong sabi

"Mahal nga kita"

"Ano to gagohan tayo clarck? Mahal mo ako tapos may mahal kang iba?" Pagmamaktol ko

I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon