Stacey POV;
"Bess wait mo ko jan ha! Wag kang aalis" sabi ko kay kc at binaba na ang tawag
Nasa bar sya ngayon at isa pa mag isa lang sya baka kung anong mangyari don. Siraulo talaga yang si clarck
Nang makarating ako sa bar ang dami ng tao dahil mag gagabi narin kasi. Nag sasayawan na ang mga tao at halo halong amoy ang naamoy ko
Amoy ng sigarilyo amoy ng iba't ibang alak. Nakita ko si kc sa di kalayuan at umiinom mag isa
"Kc!" Tawag ko sakanya at tumingin sya sakin bigla akong naawa dahil namamaga yung mata nya kakaiyak
"Bess" nanginginig na sabi nya
"Bess bat ka nag kakaganyan" sabi ko sakanya at umupo sa tabi nya
"Bess mahal pa nya si jhilian ang saya diba?" Sabi nya at ngumiti pero tumulo yung luha nya
Pero ano? Mahal pa ni clarck si jhilian? Inposible hindi magagawa ni clarck dahil sobrang mahal nya si kc
"Tarantado talaga yang jhilian na yan eh! Salot talaga sa mundo yung hayop nyon" sabi ko at nakita kong iiling iling pa si kc
"Bess may mas masaklap pa" sabi nya at tumingin sakin na namumula ang mata nya mukang lasing na sya
"Ano?" Tanong ko at lumagok ng alak
"Sa bahay na ni clarck titira si jhilian dahil malubha na ang sakit nya
"What fuck!!" Sigaw ko sa gulat na gagago naba si clarck. Papatirahin nya sa bahay nila yung bruhang yon
"Nakakatawa diba bess di ko alam kung ano na kami ngayon!" Sabi nya at uminom ulit
Nakakaawa na talaga yung itchura ni kc ngayon. Hindi na sya katulad ng dating matapang nawala lahat yon dahil kay clarck
Nabalik ako sa wisyo ng may ring ang phone ko
Boo's calling......
"Hello boo" sabi ko
"Hello boo asan ka?" Tanong nya
"Ah! Boo nandito ako sa bar na lagi nating pinupuntahan nandito si kc" sabi ko
"Intayin nyo ako jan" sabi nya at pinatay na ang tawag
Nakita ko ang boteng nainom na ni kc at nalula ako dahil sobrang dami na non pero hindi parin sya tumitigil
Nakita kong iinumin na nya yung alak ng pigilan ko sya
"Bes tama na lasing kana" sabi ko at inagaw yung inumin nya
"Ako lasing? Hindi bes kaya ko pa kaya hayaan mo ko" sabi nya at inagaw sakin yung alak
Umiling iling nalang ako sa nangyayari sakanya ngayon
"Boo" tawag sakin ni james at hinalikan ako sa noo
"Tignan mo si kc" sabi ko
Nakita kong inagaw ni james yung boteng iinumin ni san ni kc at hinila nya agad ito
"Boo sumunod ka sakin sa labas iuuwi natin si kc" sabi nya at hatak hatak na si kc at nagpupumiglas ito
Binuksan ni james yung pinto sa likod at pinasok si kc kaya tumabi ako kay kc na umiiyak na
"Bakit nyo ba ako pinapakialaman" sabi ni kc habang nag pupunas ng luha
"Kc lasing kana" sabi ni james at kita ko ang galit nya sa boses nya
"Hindi ako lasing at malinaw pa sakin ang lahat okay!!" Sigaw ni kc at tumingin sa bintana
Nagkatingin kami ni james sa rear mirror at tumingin agad sa daan
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)