Clarck POV;
Nandito kami sa dining area at kumakain ng breakfast. Maya maya kasi aalis kami ni jhilian dahil araw ng check up nya ngayon
"Anak check up ni jhilian ngayon diba?" Tanong ni mom
"Yes mom bakit?" Tanong ko sakanya
"Paki bili naman itong mga kailangan ko" sabi ni mom at binigay sakin ang ang isang papel at puro sa grocery lahat iyon mabibili
"Sige mom ako na pong bahala" sabi ko at nakita kong pababa na si jhilian sa hagdad at saktong tapos na ako kumain
"Hi hon" sabi nya at lumapit samin
"Aalis na ba kayo?" Tanong ni daddy habang kumakain
"Yes dad, uuwi din po ako agad" sabi ko at tumayo na. Natapos akong mag paalam sakanila kaya dumeretsyo na kammi sa garahe
Pinag buksan ko sya ng pinto at umikot para makapag drive na ako. Si jhilian minsan hindi talaga sya makahinga kaya naawa ako sa kundisyon nya
"Hon pag chineck up ako mamaya bili mo ako ng ice cream" sabi nya
"Hon bakit kapag nag papacheck up ka gusto mo lagi may pagkain kapag natapos yung check up mo" sabi ko habang nakatingin sa kalsada
"A-ahhh k-kasi hon nagugutom ako lagi pag tapos ng check up" sabi nya at nagkibit balikat nalang ako
Maya maya pa ay nakarating na agad kami sa ospital at dumeretsyo sa doktor nya. Nag antay kami ng ilang minuto dahil may ginagawa pa daw si doc
"Hon ibili na kaya kita ngayon ng ice cream para kapag nag pacheck up ka okay na. Para makita ko din kapag chineck up ka" sabi ko at nakita kong napatingin sya sakin
"H-ha? M-mamaya na baka m-malusaw" sabi nya. Pero may point sya ba ka nga malusaw.
"Sige na nga" sabi ko at umupo nalang hangang sa ipatawag na si jhilian
"Ms. Jhilian Charmaine Rodriguez?" Tanong ng nurse sakanya
"Ako po yun" sabi ni jhilian at tumayo at bago pumasok ay lumingon sya sakin
"Hon, ice cream ko" sabi nya at tuluyan ng pumasok sa loob kaya wala na akong choice at lumabas na ako para bumili
Hindi ko alam pero parang bumabalik na yung dating pag kagusto ko kay jhilian simula nung nawala si kylah. Siguro si jhilian na nga yung para sakin okay lang naman dahil maganda,mabait,mapagmahal si jhilian at ayokong may mangyayaring masama sakanya dahil ayoko ng mawalan ng minamahal ulit
Someone's POV;
Nakita kong pumasok na sya sa loob ng kwarto kaya lumabas na kami ni chad sa pagkakatago namin. Nakita kong umalis na din sya kaya malaya akong makakapakinig sa loob pero nagulat ako dahil biglang bumukas iyon
"Ayy palaka" sabi ko sa sobrang gulat dahil lumabas bigla yung nurse sa loob
"Ayy sorry po mam" sabi nya at kumamot pa sa ulo
"Hindi okay sige" sabi ko at tumalikod at nakita kong tawang tawa si chad
"Hoy chad nangyayari sayo?" Tanong ko at tumaas ang kilay ko sa kakatawa nya
"Wala tara upo muna tayo baka mangawit ka jan" sabi ni chad at hinila ako bigla papunta sa upuan
Nag antay lang kami doon kaya sobrang nakakainip dahil ang tagal lumabas sa loob pero maya maya oa ay nag salita si chad
"Kyleen kailangan nating mag tago" sabi ni chad habang nakatingin sa likod ko kaya tumingin din ako
Halos gusto ng kumawala ng puso ko sa sobrang bilis nito mukang ako pa yata yung may cancer damn
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)