Chapter 37 Reception

2.5K 75 0
                                    

Kylah  POV;

Nandito kami ngayon sa isang resort dito ginanap yung reception ni stacey. Kita ko ang saya ni james at stacey nakakaingit lang yung dalawang kaibigan ko masaya na paano kaya ako

Nandito kami sa table pinapanood sila stacey dahil magsusubuan na sila ng cake. Si clarck nandito din pero kahit minsan hindi ko sya nahulihang tumingin sakin.

"Okay guys mamaya may sayaw dito ha! By love teams" sabi ni tita sonia

Yung iba masaya pero ako? Tsk! Nasaan ba yung love ko wala naman susss...

Nagsimula na kaming mag kainan. Si richard hindi sya pumunta dahil may kailangan daw syang asikasuhin. 6pm na dahil hapon ginanap yung kasal nila bes.

"Mom rest room lang po ako" pagpapaalam ko sakanila

"Sige anak bilisan mo" sabi ni mom kaya nag lakad na ako papunta sa rest room

Medyo madilim at wala akong makita kaya kinuha ko yung phone ko sa bag at binuksan yung flashlight.

"Ayy palang clarck" gulat kong sabi dahil natapat ko yung ilaw sakanya pero walang emosyon syang tumingin sakin at nilagpasan ako

Bakit ganon parang mas masakit pa atang maramdaman kong lumalayo sya kesa ako yung nag mamasid sakanya sa malayo. Nagderetsyo nalang ako sa rest room buti nalang at may ilaw dun kung hindi nako... ipapasara ko tong resort charottt

Lumabas na ako ng rest room at saktong paglabas ko nagsasayawan na sila. Sila mom and dad sila tiffany at ashton. Sila tita kacey at tito jayson. Sila kuya at marami pang iba.

Wala naman akong partner kaya umupo nalang ako. Tinititigan ko yung bawat tawa ni stacey at james. Kelan kaya ako magiging ganon kasaya?

Romantic yung tugtog at nagiiba iba ng color yung light sa dance floor. Nakita ko sa di kalayuan may kasayaw si clarck at nagtatawanan pa sila. Medyo nakaramdam ako ng inggit o sabihin na nating selos

Pero bago pa ako mainis sa kinauupuan ko may tumakip sa mata ko at ang laki ng kamay jusme pero ambango infairness

"Uyyy... sino to?" Tanong baka sakaling sumagot

"Hey my kyleen" bulong nya sa tenga ko kaya alam ko na kung sino to

Tinanggal nya yung kamay nya at humarap sakin at sobrang gwapo nya sa soot nya. Naka polo sya at tinupi nya hanggang siko at medyo may pag ka messy hair sya

"Uyy richard,Kylah tara na sumayaw na kayo!!" Sigaw ni stacey

Napatingin ako bigla kay clarck na nakakunot ang noong nakatingin kay chad pero hindi ko nalang pinansin. Nilahat ni chad yung kamay nya at aba syempre tinanggap ko no chuseraa ko naman hahah

Nag start na kaming magsayaw at dinadama ko lang lahat ng kanta.

Without you i feel broke like i'm half on the whole

Without you i've got no hand to hold

Without you i feel torn, like a sail in a strom

Without you i'm just a sad song🎵

"Chad!!" Tawag ko sakanya habang sumasayaw ako

"Mmm?"

"I don't know how to be happy" malungkot kong sabi pero bigla nyang hinawakan yung chin ko at iniharap sakanya

"Let me help you" sabi nya at hinalikan ako sa noo kaya agad ko syang niyakap ng mahigpit

Si chad naba? Pero ang gulo parin ng isip lalo na ng puso ko.

Without you i feel broke like i'm half on the whole🎵

I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon