Kylah POV;
"Kyleen sigurado ka ba sa gagawin mo baka ikasira ng plano mo yan" sabi ni chad
"Sigurado ako. Mukang sya na yung sagot sa lahat ng mga katanungan ko" sabi ko sabay soot ng jacket
"Paano kung hindi sya makipag sabwat sayo?" Pagaalala nyang tanong pero napangisi ako
"Mafia Queen ako chad kayang kaya ko syang patayin dahil first of all kasabwat din sya" sabi ko at kinuha na yung susi at wala ng nagawa si chad kundi sumunod sakin
Papunta kami ngayon sa ospital dito sa quezon city dahil nasa ospital ngayon si morgan ang matalik na kaibigan ni jhilian
Pinaandar ko na yung kotse ko at nakita kong nag kakalikot si chad sa dash board ko
"Hala...!!! Kyleen b-bakit may baril ka?" Tanong nya pero napairap nalang ako
"May mafia bang pupunta sa gera na kaldero ang dala?" Matawa tawa kong tanong
"Ayyy sorry na hindi kasi ako sanay na nagdadala ka nito" sabi nya at binalik ulit yung baril sa dashboard
Tumawag sakin kanina yung doctor na gising naa daw si morgan. Bakit sya nasa ospital?
*flashback*
Lumabas na ako ng mall pag tapos kong bantaan si jhilian sa loob ng cr
Pagpasok ko sa kotse ay naka sandal lang si chad sa upuan at mukang tulog pa ata
Papaandarin ko na sana yung sasakyan ko ng makita kong kinakaladkad ni morgan palabas ng mall si jhilian at mukang baliw ang itchura ni jhilian ngayon
Napa smirk nalang ako dahil pawis na pawis sya at nagsisisigaw kay morgan. Maya maya pa ay pumasok na sila sa kotse at pinaandar na ni morgan yung sasakyan kaya sinunod ko
Sinusundan ko lang kung saan sila pupunta hanggang nasa tulay kami ay parang napansin kong gumegewang yung kotse at bigla ako nagulat ng makita kong nahulog su morgan at derederetsyo ang sasakyan nya
Napahinto yung kotse ko ng hindi oras dahil ba ka masagasaan ko si jhilian at nagulat ako ng biglang gumalabog si chad
"Kyleen naman hindi mo man lang ako ginising na aalis na pala tayo tapos bigla kang hihinto sakit non ah" reklamo nya at kakamot kamot pa sa noo dahil nauntog sya sa biglaan kong paghinto
"Dami mong sinasabi tulungan mo akong buhatin si morgan" sabi ko at lumabas na ng kotse
"Kyleen na ka bangga ka?" Gulat na tanong ni chad
"Shunga ka? Layo layo ng kotse natin mababangga ko!" Sabi ko at tinignan ko si morgan na pumutok ang ulo siguro dahil sa pagkakalaglag nya sa kotse
Binuhat na namin sya ni chad at sinakay sa likod ng kotse walang masyadong nagdadaan dito kaya walang nakakita sa pangyayari
Dinala na namin sya sa ospital at iniwan don sabi ko sa doktor tawagan ako kapag gising na sya
*end of flashback*
Nakarating na kami sa ospital at agad kong pinark yung kotse ko at lumabas na kami
"Uyy baka makita nila yung baril mo" sabi ni chad dahil nilagay ko yung baril ko sa loob ng jacket ko
"Tsk! Easy" sabi ko sabay pasok sa loob nakita ko pang napakamot ng ulo si chad kaya natawa ako ng konti
Maya maya pa ay nagkasalubong kami ni doc
"Oh! Hija gising na ang pasyente pwede nyo ng puntahan" sabi nya
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romansa[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)