Stacey POV;
*tokkk*tokkk*
"Ate ano na mag papasama ka sakin diba!!" Sigaw ni paul
"Oo wait lang!!" Sigaw ko habang nagtetetxt kay james na pupunta muna kami mall ni paul
Pagbukas ko ng pinto naabutan ko si paul kasama yung girlfriend nyang si anna
"Hi ate stacey" bati sakin ni anna
"Hello buti sinama ka ni paul" sabi ko at sinara na yung pinto
"Tinawagan nya ako ate kasi hindi daw sya sasama" nagulat ako sa sinabi ni anna nung naka baba na kami
"Oh! Paul bakit hindi ka sasama?" Tanong ko sakanya
"May gagawin kasi kami ni papa" sabi nya at umupo sa sofa
"Ah! Okay pag dating nila mama sabihin mo pupunta lang kami sa mall" pagpapaalam ko sakanya
Tumango nalang sya kaya lumabas na kami ni anna. Masaya na ngayon ang pamilya ko hindi katulad dati na halos wala nakong uwiang pamilya
Si papa tinuring nya akong parang anak na nya si paul naman magalang sakin at masaya silang kasama
Pinaandar kona yung kotse ko papunta sa mall.
"Anna kamusta naman kayo ng kapatid ko?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa daan
"Okay naman ate" sabi nya habang may kinakalikot sa cp nya
"Sabihin mo kapag niloko ka ng kapatid ko kukutusan ko yun" pabirong sabi ko kaya natawa sya
"Alam kong hindi sya ganon ate tyaka katext ko nga ngayon wag daw akong kakausap ng ibang lalaki kapag hindi ko kilala" matawa tawa nyang sabi
Loko loko talaga yung kapatid ko na yun. Ilang minuto pa ay nakarating nadin kami sa mall. Pinarada ko muna yung sasakyan ko bago bumaba
Pagpasok namin sa mall nag tanong agad si anna
"Ate saan tayo pupunta?" Tanong ni anna
"Mmm... kain muna tayo" sabi ko at tumango nalang sya
Pumasok kami sa isang restaurant na konti lang yung tao. Naghanap agad kami ng pwesto at ang napili namin ay sa tabi ng salamin
Umupo kami doon at may lumapit sa waitress
"Mam ito po yung menu" sabi nung waitress at binigyan kami ng menu ni anna
Namimili kami ng kakainin ng may naaninag akong pamilyar na babae pero hindi ko masyong matanaw dahil ang layo nya
"Ate!" Tawag sakin ni anna
"Ha?" Lutang kong tanong
"Anong order mo?" Tanong nya at tumingin ako sa menu
"Spaghetti nalang sakin at isang drinks" sabi ko at binigay na yung menu don sa waitress at umalis na sya
"Ate bakit parang lutang ka?" Tanong ni anna
"A-ah! Wala may nakita lang akong pamilyar na babae" sabi ko at tumango nalang sya
Dumating na yung order namin at kumain na agad kami ng tahimik. Maya maya pa ay natapos kami kaya nag yaya si anna na mag cr
Nakarating kami sa cr at nagkanya kanya na kaming pasok sa cubicle. Maya maya pa ay may narinig akong pamilyar na boses
"Alam mo sis ang galing mo umarte" sabi nung girl
"Ako pa sis easy" sabi nung pamilyar na boses
BINABASA MO ANG
I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #2] THIS IS THE BOOK2 OF TSMP (UNEDITED)