Chapter 26 The Reason

2.5K 82 0
                                    

Kylah POV;

*Tokkk*Tokkkk*

"Kyleen hurry up!!!" Sigaw ni chad

"Oo palabas na!!" Sigaw ko din pabalik sakanya

Nandito ako sa condo ko nagaayos mg sarili at nagsoot ng black jacket dahil baka may makakita sakin. And yes tama kayo buhay ako mamaya kona ipapaliwanag

Lumabas nako ng condo at nakita ko si chad na nakasandal sa kotse nya at masasabi kong gwapo talaga sya. May hawig sya kay Zayn Malik. Kaso mukang zayn adik tong si chad eh!

"Ano tara na?" Tanong nya

"Hindi. Dito lang tayo" sarkastiko kong sabi kaya pinag buksan nya nalang ako ng pinto

Umikot sya para makasakay na din at nagsimula na syang mag drive papunta kami ngayon sa bahay ng dalawang matanda sila yung tumulong sakin dati

Kami ni chad? Wala kaming ilangan or kahit awkward nung umamin sya sakin na mahal nya ako. Hinayaan ko nalang dahil ayoko rin masira ang pagkakaibigan namin

Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng mapahampas sa manibela si chad

"Ano ba yan traffic pa!" Inis na sabi ni chad

"Alam mo chad nagmumuka kang war frake" tawa kong sabi kaya sinamaan lang nya ako ng tingin

Nasa kalagitnaan ng traffic ng mapatingin ako sa gilid ko at parang pamilyar yung kotse nayon at hindi ako pwedeng mag kamali. Maya maya pa ay bumaba ang salamin ng kotse.

"K-kuya kevin" sabi ko dahil sya yung nasa loob katabi nya si inigo

Hindi kami kita ni chad sa loob dahil kapag nasa labas ay puro itim lang ang makikita.

"Kyleen wag kang masyadong dumikit sa bintana baka mahalata ka nila jan" sabi ni chad

Napangiti ako dahil ngayon ko nalang ulit sya nakita ng malapitan. Miss na miss kona sila. Napatulo ang luha ko ng bumaba din ang salamin sa likod at nakita ko si mom and dad

Naramdaman ko yung kamay ni chad sa pisngi ko at pinunasan nya yon kaya lalo lang akong umiyak. Gustong gusto ko buksan itong bintana at mayakap sila pero hindi pwede may kailangan pa akong patunayan.

Naramdaman kong hinawakan ni chad yung kamay ko at agad ding umandar yung sasakyan namin. Tuluyan ng nawala sa paningin ko sila kuya kevin

Mga ilang oras pa ay nakarating nadin kami pero mahaba parin ang lalakarin namin dahil aakyat pa kami at baba sa gubat sobrang layo

Pababa palang kami ng bundok ng makita ko ang pamilyar na lugar. At ang lugar na iyon ay kung saan ako sapilitang inihulog sa matarik na bangin

"Kyleen naalala mo na naman ba yung nangyari sayo noon?" Tanong ni chad kaya napatingin ako sakanya at ngumiti ng pilit

"Hinding hindi ko makakalimutan yun chad" sabi ko at nag patuloy na kami sa pagbaba sa gubat

May dala dala kaming apat na malalaking plastik at ang laman noon ay puro pagkain para sa dalawang matanda

Maya maya pa ay nakarating nadin kami sa bahay ng dalawang matanda kaya kumatok na si chad

*Tokkkk*Tokkkk*

Ilang sandali pa ay bumukas nadin agad yung pinto at tumambad samin agad ang dalawang nag asawa

"Oh! Hali na kayo sa loob mainit jan" sabi ni lola at pumasok na kami

"Buti na gawi kayo dito" sabi ni lolo

"May dala po kasi kaming pagkain para sainyo" sabi ni chad at inilapag ang dala naming pagkain sa lamesa

I Married The Mafia Queen (BOOK2)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon