Chapter 12: At his home :)

1.4K 17 2
                                    

Niyakap lang ako ni JC hanggang sa medyo naging ok na ako. Nung medyo ok na ako. Hinila niya ako para tumayo. Pagkatapos umalis siya at pumunta sa loob ng dressing room para kunin ang mga gamit ko. Hinawakan niya ang kamay ko at giniya papuntang exit ng backdoor. Naririnig ko pa din sila Shane na kumakanta. Maya-maya nakarating kami sa car park. Sunod sunuran lang ako kung saan niya ako dadalhin. Naubos ata lahat ng lakas ko kanina sa kaiiyak. Binuksan niya ang passenger seat at pinaupo ako tapos umikot siya papuntang driver’s seat. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. 

JC: Kath pwedeng hiramin ang cp mo?

Kinuha ko ang cp ko sa bag ang binigay sa kanya. Sabi ko sa inyo sunod sunuran ako eh. Wla lang talaga akong lakas para makipagtalo, makipagsagutan sa kahit na kanino. Na drain ang lahat ng energy ko. Pagkatapos niyang kalikutin ang cp ko eh binalik na niya sa akin. Maya maya.

Hello??

Good evening po tita. 

Si JC po ito. Opo yung kasama din niya dati. 

Opo kasama ko siya ngayon. Ako po ang maghahatid sa kanya sana kung ok lang po sa inyo. 

Cge po salamat po tita.

Cge po thanks po.

Tapos binaba na niya ang phone. Si Mommy ko ang tinawagan niya. Tapos nag dial ulit siya.

Hello Kim!! Si JC ito? 

Andito pa kami sa school.

Oo kasama ko siya. Mauuna na kaming umuwi pakisabi na lang kina James sila na muna nag bahala dyan. Ihahatid ko na si Kath.

OO mukhang ok naman na siya.

Cge bye bye.

JC: Kath ok na ha. Napagpaalam na kita sa lahat. 

Saan tayo pupunta? Wow may boses pala ako. Himala!!

JC: Somewhere where we could talk. Tapos pinaandar na niya ang sasakyan. Hindi kami nag uusap habang sa daan. Mga 30 minutes siguro bigla kaming tumigil sa harap ng red na gate. Tapos bumukas at pinasok ni JC ang kotse. 

Kaninong bahay ito?

JC: Welcome to our home.

Ito ang bahay niyo? Bakit dito tayo pumunta? Ang laki ng bahay nila at ang ganda. Malawak pa ang garden.

JC: I can’t think of a place at this hour where we can talk undisturbed. Madami tayong pag uusapan Kath. Tapos nun binuksan na niya ang door sa may driver’s seat at umikot para buksan ung sa side ko. Tapos hinila na niya ako padaan sa gilid ng house nila. And what I saw was very very beautiful. A garden na may madaming orchids at flowers, may maliit na pond at may swimming pool. Naglakad pa kami. May dinaanan kaming parang maliit na bridge tapos pathway na sa dulo nun ay may kubo. Ung open na kubo. Ang ganda ng garden nila.

JC: You like it here? Peaceful di ba?

Oo maganda dito.

JC: Mom ko ang naglalandscape nito.Yung design sa kanya tapos pinapagawa lang niya.

JC: Ang galing naman pala ng Mom mo. 

JC: Oo. Kath… bakit ka umiyak kanina? Sabi ko na nga ba kaya kami pumunta dito para yun ang pag usapan eh.

Wa—wala.  

JC: Is it about your dad? Huh? Papano niya nalaman yun? Sasabihin ko kaya sa kanya?

College love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon