Chapter 50: My Infinity & Beyond :3

1.4K 18 3
                                    

Dahil sa depress na naman ako pumunta ako sa bestfriend ko. Siempre hindi si Kim. Sa alcohol. Bestfriend ko siya ngayon.  Mga 30 minutes na ako dito since iniwan ko si JC sa seashore. Hindi man lang ako sinundan. Dati pag nagkakaganito ako todo sunod siya ngayon wala lang. Wala na talaga. Ininom ko ulit ang tequilla na nasa harap ko. Di ko na mabilang kung pang ilan na to. Pero feeling ko di pa talaga ako lasing. Manhid na ata ako. Pati alak di na umeepekto. Wala na talaga. Pati alak di na nakikiramay sa akin. Iinom pa sana ako ng isa nang may umagaw ng tequila sa kamay ko. 

JC: Tama na yan. Bakit ka ba naglalasing? Ikaw na nga itong nang iwan ikaw pa tong may ganang maglasing.

Hahahahahaha. Wow! Concerned. Cheers! 

Kinuha ko ulit ang tequila na nilagay niya sa tabi niya. 

JC: Kath ano ba! I said stop. 

Bakit ba? Eh sa gusto kong magcelebrate eh. Masama ba magcelebrate? Icecelebrate ko lang naman ang pagkasira ulit ng buhay ko eh. Isecelebrate ko lang ang pagkatanga ko ulit. Nagpakatanga ako ulit. The world biggest fool. Akala ko pa naman after 5 years eh wala ka na sa sistema ko. Pero tang'na naman JC. Parang kang linta na nakakapit sa buhay ko. Gustong gusto na kitang alisin kasi ang sakit sakit na pero ayaw matanggal eh. 

JC: Kath..

Shut Up muna. Okei? Alam mo kasi..

 Tapos dinuro duro ko ang dibdib niya.  

Di naman talaga ako nababagay sa pamilya mo eh. Sino ba kasi ako? I’m just a filthy Filipino you’ve picked up somewhere. 

Tapos di ko alam pero tumulo na pala ang luha ko.

 I’m not chinese. We’re not rich. But I’ve tried my best JC. God knows how much I’ve tried my best para lang kahit papano eh may maipagmalaki ang pamilya namin sa pamilya niyo. Na hindi kami pagsasabihan ng family mo na pera lang ang habol namin sa inyo. Na mukhang pera kami. Do you know how much it hurts na pagsabihan ng ganun? Pero kahit kailan hindi namin kayo mapapantayan. Kahit kailan hindi ako magiging Chinese. Kahit kailan hindi ako nababagay sa’yo, so please stop! Stop! Wag na. Tama na please. Wag na natin ipagpilitan. 

Tapos humagulgol na ako. 

Siguro hindi talaga para tayo ok? We’re not meant for each other so let’s just move on. 

Tapos tumayo ako. Himala hindi man lang ako nahilo o baka nahimasmasan na ako dahil sa dramang ginawa ko. 

JC: Kath..

hinawakan niya ang braso ko. 

JC: Wag mo na akong iwan ulit. Wag mo na akong talikuran. Pwede pa  naman natin ayusin to eh. Hindi pa naman huli ang lahat.

Umiling ako. Tapos inalis yung kamay niya at naglakad kahit paekis ekis yung lakad ko. Nadaanan ko pa sila Kim. Tapos biglang may humablot sa kamay ko. Dahil sa bigla at sa alak napasubsob ako sa kay JC. Pero buti na lang nasalo niya ako. Ang galing! 

Louis: Hey you don’t have the right to do that to her.

Napatingin ako kay Louis.

Hi boyfie. 

JC: And who are you? 

Louis: I’m her boyfriend and I wouldn’t let you touch her again, you understand? The next time you do it, I’m gonna crush your face.

College love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon