Nung makalabas na ako sa SG Office di na maipinta ang mukha ko kaya naman agad napansin ng bestfriend ko.
Kim: Oh best, what’s the long ogre face? Anong nangyari sa loob?
JC just made the most unfair judgement of all time.
JC: Ha? Baket? Kasi yung bruha kanina ngingiti ngiti pa nung lumabas samantalang ikaw jan eh mukhang handang pumatay anytime ng ipis
Talaga! Akalain mo ba naman best, si Abby na siyang nagsimula ng gulong ito mag aassist lang sa library samantalang ako paglilinisin niya ng buong SG Office! D ba unfair un? Tara na nga! Malelate na tayo eh. Bigla naman bumukas ng pinto ng SG Office at lumabas ang 3.
JC: My loves!
Tara na nga Kim. Sabay hila kay Kim. Naiinis talaga ako. Sana hayaan na muna niya ako kasi inis pa ako sa kanya.
JC: Kath naman kausapin mo naman ako.
James: Pare galit talaga. Patay ka talaga.
Vince: First day niyo pa lang hiwalay na agad kayo?
James: Ang saklap pare!
Vince: Oo nga pare.
JC: Tumahimik nga kayo. Damn!! Hindi kasi niya maintindihan. Aba! At ako pa ngayon ang lumalabas na unreasonable. Bigla akong napatigil sa paglalakad at nkasabay silang tatlo sa amin ni Kim.
Ano ang hindi ko maintindihan JC? Kung meron akong hindi naintindihan e di eexplain mo! Ano ba JC. First day na first day parang kahapon lng tayong ON!
JC: Hindi ko nga pwedeng eexplain! Mamaya na lang sa sasakyan pauwi.
Hindi mo ako ihahatid mamaya. I said calmly
JC: Whhhaaaaaaaaatttt?? Bakit?
Hindi ko pwedeng eexplain. Makaganti nga! Akala mo ikaw lng marunong?
JC: Kath naman wag ka naman ganyan pleeeeeaasseeee.
Anong ganyan? JC nagcomplain ba ako sa desisyon mo? D ba hindi? Kaya wag ka rin magcomplain sa desisyon ko ok?
Sabay iwan sa kanilang apat. Sa galit ko ngayon ewan ko lang. Pero paano ako uuwi ng walang sundo? Hindi ako masusundo ng driver kasi kasama yun ni Mommy. Bahala na magtataxi na lang ako.
As expected nauna akong dumating sa classroom pero after mga 5 minutes eh dumating na yung apat.
Kim: Best! Ok ka lang?
Medyo.
Kim: Paano ka uuwi mamaya? Di ba kasama ng Mom mo ang driver niyo?
Oo pero magtataxi na lng ako.
Kim: Ganun ba? Cge samahan na lang kita mamaya sa pag abang ng taxi.
Thanks best. Si JC sa tabi ko pa din nakaupo pero deadma siya sa akin. Madami na siyang beses na nag attempt na kausapin ako pero d ko talaga siya pinapansin. Buti nga sa kanya. Pagkatapos ng class namin sinamahan ako ni Kim na mag abang ng taxi. Ganun pala kahirap mag abang ng taxi lalo na pag labasan sa school. Medyo matagal tagal din kami bago nkahanap ng taxi.
Kim: Besty ingat ka ha.
Cge best thanks sa pagsama sa akin sa pag abang.
Kim: Ok lang yun. Cge bye. At nagbeso beso kami. At sumakay na ako ng taxi.
Kuya New Manila po tayo.
Cge po Ma’am.
Ma’am!
Ano po yun kuya?
Kilala niyo po ba ang kotse sa likod natin? Kanina pa kasi sumusunod mula nung galing tayo sa school niyo eh. Lumingon ako at nakita ko ang kotse ni JC na nakasunod sa amin. Hays!! I feel na parang kinurot ang heart ko. Parang naawa ako kay JC.
Hayaan niyo na yan manong. Hanggang sa makarating ako sa bahay eh nakasunod si JC sa taxi na sinakyan ko. Akala ko nga bababa siya pero hindi. Nakapark lang siya sa may kabila ng road. I stopped myself from crossing the road at kausapin siya. Pumasok na ako sa gate namin. Hindi ko naman ginusto na parusahan si JC eh. Hindi nga ba? Hindi ko alam pero parang nanghihina ako at ang bigat ng heart ko. Bakit naman kasi ang dali kong maawa. Umakyat ako sa room ko at tumingin sa window. Andun pa din ang kotse niya. Naaawa na ako sa boyfriend ko. Bakit ko nga ba ito ginawa sa kanya? Nakukunsensiya na tuloy ako. Binuksan ko ng malaki ng curtain sa room ko. Nakabukas pala ang window ng kotse niya. Nakatingin siya sa room ko pero d ko alam kung nakikita niya ako. After a while sinara na niya ang window ng kotse at nagdrive paalis. Sabay ng pag alis niya, I feel a tear run down my cheeks.