After 2 hours lumabas na kami sa bar. Nauuna pa din sila James at Vince with Kim and Shane at nasa likod kami ni JC. Katulad ng dalawang pares magkaholding hands din kami ang kaibahan nga lang habang naglalakad kami naghahum si JC ng tune ng...
She fills me up
She gives me love
More love than I've ever seen
She's all I've got,
She's all I've got in this world
But she's all the man that I need.
JC: Loves, lakad muna tayo sa shore. Maya na tayo balik sa cottage. OK lang sa’yo? Di ka pa naman inaantok?
Ok lang. 10:00 PM pa lang naman.
At saka moment natin to.
JC: Guys, mauna na kayo. Susunod na lang kami ni Kath. sabay kindat sa kanila, kakuntsaba ko kasi sila sa aking surprise para kay kath.
Vince: Sige enjoy yourselves. Hehehe.
Lumihis na kami ni JC papuntang shore. Nahalata ko na lang na walang ilaw, bakit kaya? Tapos layo na ang linakad namin ha? Hanggang nakarating kami sa tapat ng hugis puso gawa sa mga nakasinding mga kandila. Napa-iyak ako. Akala ko ba maglalakad lng kami? At bumitaw sya sa 'king kamay sabay kuha ng bouquet.
Ano to hon? Akala ko mglalakad lng tayo. Kaw ha! Asus. eto naman si ako, pa ayaw-ayaw pa eh gusto naman. Ako na kinikilig. Hahaha >:D
Lumapit si JC sa akin, sabay bigay sa bulaklak.
JC: Para sayo..
kukunin ko na sana ang bulaklak, binawi at sabay sabi.
JC: lang ako!
Awww.. *blushes* kinilig ako. Ginaya nya ako sa loob ng hugis puso at biglang tumugtog ang "Somewhere down the Road" Gosh!
JC: Can I have this dance?
Aayaw pa ba ako? Idi.
Sure, ikaw pa hon.
Pero bago iyon. Pumalakpak sya at biglang may lumilipad na sky lantern, siguro alam nyo naman 'yon di ba? Ang sweet nya. Ang ganda, grabe! Nakita ko na ang mga barkada ang nagpapalipad nun. Aba! Kasabwat pala sila. Heheh :)
JC: Loves, nag eenjoy ka naman ngayon?
OO naman. Obvious ba? Lalo na kasama kita at ito ang mga ginagawa mo sa'kin ngayon.
Natawa siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko.
JC: Sana nga ganito na lang palagi ano? Loves, may sasabihin ako sayo.
Ano yun? kinakabahan ako, hindi pa ako handa JC. 'wag kang magpropose. Hahahaha
JC: Tungkol sa OJT namin.
Ooppss… Akala ko magpapakasal na tayo. hahaha
Ano tungkol doon hon?
JC: Diba sabi mo ok lang na doon ako mag OJT sa foreign company?
Ok lang naman sa akin yun kasi para din naman yun sayo. Oh, ano ang tungkol doon?
Kinakabahan pa din ako. Bakit kaya?
JC: Kasi next week na ang alis namin papunta doon.
Kaya pala may pa surprise2 pa syang nalalaman.. Sana di nlng sya nagpasurprise kung aalis nmn sya. Malulungkot na naman ako nito. Hays...
So, aalis ka na next week?
Nalulungkot ako pero di ko dapat ipahalata. Kath, don’t be selfish.
JC: Oo. I promise tatawagan kita everyday. Naiintindihan mo naman di ba loves?
I smiled. Syempre dapat ipakita ko na happy ako for him.
Oo naman hon. Tsaka 3 months ka lang naman doon. Pagkatapos noon magkikita na ulit tayo. Syempre mamimiss kita ng sobra kasi basta mamimiss kita.
Sabay hug sa kanya. Naiiyak na talaga ako. Mamimiss talaga kita JC. SInghot. Singhot. Ay tanga umiyak nga ako. Nalulungkot kasi ako eh. Iisipin ko na lang na di ko siya makasama for 3 months parang ang tagal tagaaaaaaaaaaal talaga. Nasanay na siguro ao na kasama ko siya halos araw-araw.
JC: Ssssshhhh… wag ka umiyak. Mamimiss din naman kita loves. As in sobrang sobra. Pero pagbalik ko babawi ako sayo. Di na ako aalis na di ka kasama. Promise yan.
Nag hug kaming dalawa at siempre sinulit namin ang araw kasi nga next week. Maghihiwalay na kami. Huhuhuhu.