After mga 30 minutes umalis na din ako sa library at pumunta na sa next class ko. Andun na din si Kim kaya tumabi na ako sa kanya.
Oi Best san ka galing?
Kim: Wala! Dyan lang. Ang tipid sumagot ah. Mukhang may tinatago.Hmmmm... Kilala ko tong bestfriend ko na to!
San dyan lang?
Kim: Basta.
Best……kelan ka pa natutong magsekreto sa akin?
Kim: Uminom lang naman ako ng kape ah.
Uminom ka ng kape for 2 hours? Wow best ilang galloon un?
Kim: Syempre nakipagchikahan din ako noh.
Kanino best? Kaw ha.
Kim: Ummmm kay ano.. Aba nag aalangan bestfriend ko. Kakaiba na to ah.
Sino nga kasama mo best ha? Magisa nga to.
Kim: James..
James? As in James Lee? Best!!! Nanliligaw ba yun sa’yo? Tumingin ako ng diretso sa bestfriend ko at kitang kita na namumula siya. Hindi best wrong question ako. Boyfriend mo na ba yun? Lalong namula si Kim. At nag nod. Oh. My. Gahd! Kimberly!! Sabay tili. May pagkaeskandalosa din ako minsan kasi eh. Hahhaha.
Di nga best?
Kim: Oo nga.
Kelan pa at bakit d mo sinasabi sa akin? Magkwento ka nga! Magtatampo ako niyan eh. Ito namang bestfriend ko oh? Bestfriend pa ba tawag nito? HAHAHAH
Kim: Wala naman akong tinatago sa’yo eh. Kasi ang totoo niyan matagal ko na siyang gusto ehhh kanina siya nagsabi sa akin siyempre d naman ako katulad mo na pakipot noh! Kaya sinagot ko na siya kaya kanina naging kami! Waaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!
Waaaahhhhhhhhhh!!! May boyfriend na besty ko.. I am so happy for you.
Kim: Talaga best? Kasi medyo nagaalangan ako kanina eh..
Boto naman ako kay James eh. Mabait naman yun! Goodluck sa inyo besty!! Sabay hug at kiss sa kanya. Sakto naming dumating ang prof namin at nag discuss ng kung ano ano. Hindi ako nakinig kasi tinatamad ako. Boring kasi eh. Bahala na.
Kim: Best sunduin ka ba ng driver niyo mamaya?
Hindi best eh.
Kim: Baket naman?
Kasi nagpaalam na si JC kay Mommy na siya na ang palaging maghahatid sa akin. Pumayag naman si Mom. Namention ko na ba yan? Paulit-ulit talaga ako. HAHAH, sorry ha? May lahi kasi kaming makakalimutin.
Kim: What!? Pumayag si Tita. Ang lakas ni JC ah inuunang magpaalam kay Tita bago sa’yo ah. Kaiba dumiskarte. Para nga naman wala ka nang choice d ba? Cge ihahatid din ako ni James mamaya eh. Punta daw siya ng bahay.
Ganun ba? Sana naman magustuhan siya nila Tita.
Kim: Sana nga eh. Kaya nga magpapakilala daw siya para naman hindi na pagdudahan sa bahay.
Mabuti nga yun best. At dahil sa daldalan kami ng daldalan wala akong naintindihan sa lecture. Hayssssssssss….. Ganito talaga paglove na ang pinag-uusapan. haha Maya maya tapos na yung class namin at andun na nga sila Jc at James naghihintay sa labas. Parang mga gwardiya ang dalawa.