A/N: Eto na UD ko, sorry kung natagalan. Hehehe :))
Vote & Commen po!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Graduation day na nila JC. Siyempre andito ako ngayon sa auditorium para panoorin noh. Palalagpasin ko ba ang graduation ng taong mahal ko. Heheheh Cheees!
Hindi pa kami nagkita since kanina kasi nga busy sila ayaw ko naman istorbohin.
Kim: Kath, dito tayooo!
Ay tipaklong! Kung makasigaw nga naman si Kim para kami lang ang tao sa mundo.
Naglakad na ako papunta sa bleachers kung nasaan sila Shane at Kim. Pinanood namin ang pag march ng mga graduates hanggang sa bigayan ng diplomas at announcement ng mga awardees.
Shane: Kath di ba Mom mo yun?
Saan? At ano naman ang ginagawa niya dito?
Tumingin ako sa tinuturo ni Shane at tama nga siya, si Mommy yun. Kinuha ko ang cp ko at tinawagan si Mommy at sinabi kong nasaan kami banda kaya pumunta siya sa upuan namin.
Mom! Bakit ka andito? Kelan ka lang dumating?
Galing kasi siya Hongkong for a business deal. Minsan minsanan lang talaga kami magkita ni Mommy dahil palagi siyang busy sa business.
Mom: Sinusundo na kita.
Ha? Bakit? Kaya ko naman umuwi mag isa ah.
Mom: Hindi tayo uuwi sa bahay. Didiretso tayo ng airport.
Airport? Bakit?
Mom: Naku! Di ko na nasabi sayo. Magbabakasyon tayo sa Europe for 2 weeks. Actually surprise ko yun sayo kasi nga di tayo palaging nagsasama so ito na ang bonding time natin.
Kim: Tita sama ako!
Shane: Ako din tita! aba mga tsismosa ang dalawang to.
Nagsigawan na ang mga tao. Tapos na ang graduation.
Wag na nga kayo! Ang sama ko hahaha..
Mom: Tara na Kath. Baka mahirapan tayong lumabas mamaya dahil sa dami ng tao dito at malate tayo flight natin.
Wait Mom.
Nakita ko si JC na papunta sa banda sa amin. Ang pogi talaga niya.
Mom: Kath, tara na.
Sabay hawak ni Mommy ng kamay ko at hila sa kin.
Mom wait lang.
Lumingon ako kay JC at nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya. Talagang kinaladkad na ako ni Mommy. Bakit ba nagmamadali siya?
Mom teka lang.
Medyo lumayo kami kunti kay JC kasi nga hinihila ako ni Mommy. Hindi pwedeng hindi ako makapagcongratulate kay JC or hindi makapagpaalam sa kanya.
Nakita kong tumakbo na siya palapit sa amin ni Mommy pero may biglang humawak sa kamay niya at niyakap siya. Si Emilie. Hindi ako makakapayag! Sheeet!
Bahala na. Inalis ko ang kamay kong hila hila ni Mommy at tumakbo papunta kay JC.
JC!
Pagkakita niya sa akin. Kumalas siya sa pagkakayakap ni Emilie. At yinakap ako ng sobrang higpit.
Kath! Naririnig kong sabi ni Mommy..
Honey, congratulations. I’m so proud of you. Sabay kiss ng cheeks niya. Aalis kami ni Mommy magbabakasyon kami sa Europe for 2 weeks. Sorry di ko nasabi sayo kasi ngayon ko lang din nalaman. Promise I will call or text you often. Nagmamadali kasi si Mommy baka daw ma late kami sa flight. Ito gift ko sayo. Congratulations.
JC: Loves, Thank you. I love you so much..
Sabay hug sa akin na sobrang higpit. Or dahil sa sobrang dami ng tao kaya ganun siya makahug. Sumisikip na kasi. Nagigitgit kami.
Mom: Kath tara na…. Well…. be…… late…….
sus! 'tong si mommy naman oh? panira ng moment di pa nga ako nakapag-i love you!
Babalik ako JP after 2 weeks. Tatawag ka huh. Mamimiss kita. Super!
Tapos nakita ko nakapaligid sa amin ang Mom, Dad. Kuya at Ate ni JC. Andun din sila Shane, Vince, Kim at James. At Emile.
Hinila na ulit ni Mommy ang kamay ko and binitawan ako ni JC. Grabe naman to makahila si Mommy.
JC: Kaaaaaaaaaaaaaaaaaaaath!
Nung lumngon ako kay JC nakita ko siya hinahawakan ng Papa niya ang kamay niya. And what? Bakit ang lungkot niya? Is it a tear I saw in his eyes? Babalik sana ako pero hinila na talaga ako ni Mommy at dumadami na talaga ang tao. Then I saw a smirk on Emilie’s face. She’s a biatch.
Pagbalik ko I will make sure na di niya mahahawakan kahit ang dulo ng buhok ni JC. I swear.