Chapter 10: Can I have this dance?

1.2K 8 3
                                    

That was totally embarrassing! Naiinis ako. Napahiya na nga ako dahil sa Ambrosia na yan iniwan pa ako ng partner ko sa gitna. Ano ba ang problema nun? Buti na lang nilapitan ako ni Kim at ni James at sinabay sa chair ko. Pero… Ewan. Hindi ko maintindihan si JC. If he doesn’t want to be my partner he can back out naman di ba? Bakit kailangan niya akong ipahiya? Ewan ko, Naiiyak ako. Masakit kasi eh. Naturingan ko pa namang crush siya tapos gaganituhin niya ako. Siguro kailangan ko na talagang lumayo sa kanya. Nasasaktan lang ako pag lumalapit ako sa kanya kasi nga may gf na siya tapos galit pa siya palagi sa akin. Hindi kaya alam na niya na crush ko siya kaya ginaganito niya ako? Para lumayo na ako sa kanya? Oh my gahd!!! Sana naman hindi pa niya alam kasi nakakahiya.

Kim: kath ok ka lang?

Yes best, bakit mo naman natanong?

Kim: Kasi kanina ka pa parang tulala dyan

Hindi naman best. Hindi ko lang kasi maintindihan ang ugali ni JC kanina eh.

Kim: Ahh..Best why don’t you ask him bakit ganun ang inasal niya?

Ask ko siya? Eh d ba hindi niya ako kinausap! Tsaka best yaan mo na. I don't have the right to know his reasons.

Kim: Ahhhh…Cge bahala ka. Yun lang ang nasabi ng dakila kong bestfriend. Hays…

Ladies and Gentlemen let us all welcome our last performer for the night. The Pringles!!!

Yan na po ang band nila Shane.

Magandang gabi sa lahat! We are the Pringles! Yes, Yung pagkain na food because once you pop you can’t stop! Ayus ba??

Ayus!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

I’m Shane on vocals, Erik on keyboard and vocals,Tristan on drums, Carl and Brian on guitars. Let’s start poppin’ party people!!!!!Tapos kumanta na sila.

Tapos ayun palakpakan at sigawan. Mukhang hindi inaantok ang mga tao. May nagsasayaw na sa gitna. Magaling talaga ang grupo nila Shane. Para sa akin one of the best sila. Disco yung mga tinutugtog nila kaya nagsasayaw na ang mga tao. Kami ni Kim hindi sumayaw kasi nga ang tataas ng taking ng sapatos namin. My gahd! Parang pinarusahan kami at talagang ayaw nila na mag enjoy kami. Yung iba naming kasama kahit nka gown at nka heels sayaw pa din. 

James: Oi kayong dalawa nagmumukmok kayo dito ah.

Kim: Paano ba naman noh! NAkagown kami at naka heels! Sa tingin mo?

James: Ahahaha. KAwawa naman kayo. Tara sayaw tayo wag lang kayo masyadong gumalaw. Parang nakatayo lang kayo sa gitna para lang d kayo maestatwa kakaupo dyan.huh!!

Kaya ayun hinila ni James si Kim at hinila naman ako ni Vince. Kunsabagay di naman masyadong rock ang mga tugtog nila Shane kaya kahit paano eh nakapagsayaw pa din kami kahit nakagown. Pagkatapos ba naman ng song na sinayawan naming eh biglang naging slow yung tugtog! HAla! Babalik na sana ako sa upuan ko nang bigla akong hinila ni Vince. Si Kim naman at James eh nagsayaw din. Pagkatapos nung kanta nagpalitan kami ng partner ni Kim. Habang nagsasayaw nagchika chika. HAhaha. Pagkatapos ni James may isa pang guy na sumayaw at isa pa. In short simula nung pumagitna ako sa dance floor hindi na ako nakapagpahinga. Aba mabenta ako ngayun! HAhaha. Pero it made me set aside ang ginawa ni JC sa akin. Nung matapos ang guy na sinasayaw ko. Dali dali akong bumalik sa upuan ko. Hindi ko na hinintay na may mag aya ulit. Masakit na kaya ang paa ko.  

Kim: Besty mukhang in demand tayo ngayon ah.

Ang sakit na nga ng paa ko best eh. Pwede bang mag paa na lng ako? 

Kim: Hahahaha. E di magmumukha kang timang jan?

Hays……Eh kasi naman eh…

JC: Kath… ahmmm can I dance with you? Huh?? What!!San nanggaling si JC? Parang kabute bigla na lang sumusulpot. 

Ahhhhh kasi……NAku baka iiwan niya ako sa gitna.

JC: Promise hindi na kita iiwan sa gitna. Narinig niya sinasabi ng isip ko??

Ahmmm…

Kim: Uu sasama yan JC. Sabay siko sa akin at bumulong.

Kim: Sumama ka na kasi. Bestfriend ba talaga kita Kimberly?

JC: May I? Yan na naman ang “may I” niya. Kanina yun din ang sinabi niya.

Ok. Kinuha ko na ang kamay niya. Tapos pumunta na kami sa gitna. Nakita ko pang ngumiti si Shane sa stage at tumingin sa mga ka banda niya.Alam niyo yung slow dance na ang arms ko ay sa shoulders niya at yung hands niya sa bewang ko.  My Gahd!!! D ko alam ang mafefeel ko. Ang lakas ng heartbeat ko. BAka naririnig na niya. 

CAn I have this dance po sinayaw namin. 

JC: Kath, I’m sorry kanina if iniwan kita sa gitna. I didn’t mean to.. it’s just that…

JC it’s ok. It’s perfectly fine with me. Though what you did a while ago was really rude but you’re forgiven. You don’t owe me any explanation of your actions ok? Bait ko di ba? Ayaw ko lang masira ang moment namin.    

JC: Thanks. Tapos huminga siya ng malalim. Yung hinga na parang hinugot talaga. Since medyo malayo ang distance namin medyo kinabig niya ako. 

Aba tiningnan ko siya ng nagtatanong.

JC: Let me just hold you for now ok? Just for now. Anong pinagsasabi nito. Ako naman ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Grabe nakayuko lang ako. Ayaw ko siyang tingnan. Baka matunaw ako bigla dito. Nanginginig na nga nag tuhod ko eh.

Oh..... ok. Yun na lang ang nasabi ko.

JC: Let me dance with you like it’s the last night of the world. Tapos kinabig niya pa ako. Parang magkayakap na kami. My gahd!! What is he doing? Papatayin ba niya ako sa kilig?

JC: Kath., I am so sorry pero hindi ko sinasadya. Sabi pa niya na parang bulong lang. TApos huminga ulit ng malalim. Pero siempre narinig ko yung bulong niya. 

Anong hindi mo sinasadya? Hindi niya ako sinagot. He kept quiet kaya ako tumahimik na din. 

Sumayaw lang talaga kami. Pero napapansin ko panay ang buntong hininga niya. 

JC: Kath.........

Yes, ANo yun? Panay buntong hininga natin ah.

JC: Can I court you? What!!!!!!????Tama ba ang narinig ko? Si JC…manliligaw sa akin. Oh my gahd!!! Oh my gahd!! Anong sasabihin ko!!! Help!!!!

JC: Cassie can I?

Ahmmm… ang tagal kung nakatulala d ko napansin tapos na yung kanta! 

Literally nanginginig ako. Hinatid niya ako sa upuan namin ni Kim.Buti na lang hinatid niya ako kasi nakatulala pa ako at nanginginig. It’s not the first time that a guy had asked me to be courted pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong feeling. 

Nung bumalik ako sa chair naming ni Kim tulala talaga ako. 

JC: We’ll talk later after the performance. Ok? Sana napag isipan mo na.Hindi naman siya demanding ano?

Ok. Tapos umalis na siya. 

Si Kim nakatingin sa aming dalawa na nagtataka!   

College love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon