Ang saya saya talaga pag nakaganti ka na. Hahahaha. . Ulit. Hahahahaha.
Kim: Besty! Buti na lang naisipan mong gawin yun. Ang talino mo talaga besty. I’m so proud of you. Napakakunsintidor ng bestfriend ko ano?
Pasalamat nga siya best at di mainit na kape ang binili ko eh. Napatingin ako sa mga tao. Lahat sila nakatingin sa akin at kay Abby. Naiiyak na si Abby. Iyakin pala yun?
JC: Miss Salcedo and Ms………. Ysabella please follow me at the SG Office. Huh!? Si JC? Pinapapunta kami sa SG Office? Sanction? Oh my Gahd!! My boyfriend is going to punish me.
JC: Fix yourself Ms. Salcedo bago ka umakyat sa Office. Charles at Tristan kasama din kayo. At dire diretso umakyat papuntang office nila. Sumunod si Vince at James. Iniwan ako? Eh pareparehas lang naman kaming aakyat di ba? Umakyat na din ako kasama si Kim.
Sa tingin mo best ano ang punishment namin?
Kim: Sa’yo cguro hindi malaki kasi nauna naman siya eh. Oo nga naman. dapat lng!
Cge best pasok muna ako. Naku 2 times ko na itong masasunction if ever. Nung makapasok eh nasa conference sila ng SG office.
Vnce: Kath dito tayo.
Umupo ako sa chair na tinuro ni Vince. Nakatingin si James sa akin. Maya-maya biglang tumawa ng malakas. Tapos sumabay si Vince. As in yung tawa na malutong. Parang gugulong na sila sa tawa. Pinipigilan pa nila ang tyan nila. Parang mga baliw lng. Hahahaha
James: Pare, have you seen Abby’s face? Hahahah. Hilarious!!
Vince: Oo nga pare matagal ko na pinangarap na makita si Abby na ganun. Hahahahaha. She look really terrible. Good job Kath. Hahahaha. Napapangiti ako sa kanila. Pero bigla nawala ang ngiti ko nang...
JC: You both find it funny? Huh? What's wrong with him. Mahal pa ba nya si Abby?
VincE: Pare naman sino ba naman ang hindi matatawa dun?
Jc: It is still not proper to do it. Nakakairita na to ah. MAs kinakampihan niya si Abby? Eh ako ang gf niya d ba?
Biglang bumukas yung pinto at pumasok ang bruha. Nakapalit na ng damit. Dirediretso siyang umupo sa tabi ni JC. Tumahimik naman sila Vince at James.
JC: Both of you realize kung ano ang ginawa niyo kanina?
Abby: It’s not my fault. Sinungaling.
Whatever!
JC: Patapusin niyo muna ako. Nakakahiya ang ginawa niyo. Ms. Salcedo we all know that you started it all and Ms. Ysabella ginantihan mo siya.
You’re right! Wag ka nang aangal Abby totoo naman eh.
JC: As your sanction, Ms. Salcedo for 1 week… sana paglinisin siya ng banyo.. ahhaha.. you’re going to assist the library after your class. Masyado namang light ang punishment niya. As for you Ms. Ysabella, you’re going to clean this office after your class for a week. You will both start tomorrow.
Whhaaaaaaaaaaaaattt!!!!Bakit mas mabigat punishment ko sa kanya? Siya naman ang nauna ah.
JC: The school rules says that the measurement of sanctions will be based on the damaged inflicted on the person.
Abby: See?
Shut Up! Nakakainis naman. Kung alam ko lang di sana brewed coffee ang tinapon ko sa bruhang yan. Galit na galit ako.
JC: You can go now Ms. Salcedo. Ms. Ysabella if you have any questions pwede ka nang magtanong.
Abby: Thanks darling JC. I know hindi mo ako matitiis. Hahahaa. Sabay tawa at alis sa room. Did my boyfriend just defied me?
What is it in you? Sa tingin mo fair ang judgment mo? You are so unfair!!!
Vince: Uu nga pare. Dapat mas mabigat ang sanction ni Abby. Siya naman kasi ang nauna.
JC: Vince alam niyo naman ang rules di ba?
James: Oo nga naman pare. Unfair naman kay Kath yun kasi hindi niya gagawin yun kung di siya inunahan ni Abby.
Natahimik si JC pinagtutulungan na siya naming tatlo.
Guys, it’s as if our President could not justify his decision. So let us not press on the matter ok? As directed I will do my sanction without complaining. Grabe ang sama ng loob ko kay JC. In fact, naiiyak na ako. Napaka unfair naman niya. Kahit for the sake of being fair kahit hindi ko siya bf di pa rin makatarungan ang decision niya. Bago pa ako umiyak tumayo na ako.
Cge aalis na ako. Sabay talikod nkadalwang steps na ako
JC: Kath….Hindi ako lumingon.
JC: Loves….
Yes Mr. Tan? I look at him with a pained expression in my eyes.
JC: I hope my decision……. I hope wouldn’t take it personally against our relationship.
Bigla akong napatingin sa kanya. I know nakikita niya na nasasaktan ako.
JC: I am sorry my loves, I’m just…….
Sorry your face!!!!!Sabay talikod. How dare he. Grrrrrrrrrrr….
Vince: Pare anong relationship? Hahahah, di pa kasi nila alam.
James: Kayo na ba?
JC: Oo. He said with a sad voice.
Vince at James: Patay ka!!!