Chapter 31: Bye, JC!

1.1K 13 3
                                    

A/N: Wag naman po kayo magSilent readers jan. Need ko kasi ang mga comment niyo para ma inspire naman ako mag-update. 

COMMENT & READ :>

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

At dumating na nga ang next week na yun. Nakakalungkot pero wala akong magagawa. I need to let him go kahit alam ko at sigurado akong ma mimiss ko sya ng todo-todo. 

Ano ka ba naman Kathreen! Let him go ka pa dyan para namang maghihiwalay kayo ng matagal eh babalik naman yun after 3 months. Ang arte nito.

Kath! Gising na! Malelate ka na baka di mo na maabutan si JC.

Paano ako gigising eh di naman ako nakatulog magdamag? Hays. Takte naman oh. Namamaga pa ang mata ko kakaiyak. Hindi ko na lang kaya siya ihatid? What do you think guys?

Baka kasi di ko kayanin at humagulgol na lang ako sa airport. Kakahiya naman yun ever, na i-imagine ko na sarili kong kumakapit sa mga binti nya para di nalang sa aalis. Huhuhu

Kathreeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeen!

Ang ingay ni Mommy.

Andyan na si JC!! Ano ka ba naman? Ikaw maghahatid pero sinusundo ka pa ng ihahatid mo. Tsk tsk tsk.

Sige na nga maghahatid na ako. Tumayo na ako at naligo at nagbihis. So ayon naghintay si JC sa akin ng isang oras pa. Pasensiya na babae lang. 10AM pa lang naman at 12 pa ang flight niya. Masyado namang nagmamadali. Kung pwede nga lang tagalan ko pa para ma late siya sa plane eh. Bad Kath. bad girl.

Bumaba na ako ng hagdan pero katulad nung pumunta kami ng palawan eh nagsuot na ako ng shade. Baka kasi makita niya pamamaga ng mata ko.

Hi! Sabay kiss sa pisngi niya.

JC: Hays…..  Hinug niya lang ako. Tapos hinawakan ang kamay ko.

JC: Tita alis na po kami.

Sige hijo mag ingat ka doon ha. Goodluck sayo. 

JC: Thanks tita.

Tapos binuksan na niya ang passenger door. Sumakay na ako at umikot siya papuntang driver’s seat. Nung pinaandar na niya ang car naiiyak na naman ako. Ang OA ko na alam ko pero nalulungkot talaga ako. 

Hinawakan niya ang isang kamay ko habang nagdadrive. Wala na. Tumulo na ang luha ko.  

JC: Loves naman, papano ako aalis nito kung ganyan ka?

Eh bakeeet ba?? Sniff~~sniff~~ Eh sa nalulungkot ako eh.      Ano ba gusto niya? Tatawa ako dito? Huhuhu

JC: Babalik naman ako at tatawag ako sa’yo everyday para di mo ako mamiss. Okei.Cheer up na please. Pabaunan mo naman ako ng smile.

Alam ko naman eh. Pero iba pa din kung andito ka. Tsaka wala ka sa Christmas, sa New year, wala ka din sa Rizal Day. Paano na lang yun?

JC: Bakit kailangan ba ako sa Rizal day? Ako ba ang babaril kay Rizal?

 tssss... Nasaan ang pagiging nationalistic mo?

JC: Joke lang. Pinapatawa lang kita. Grabe talaga tama mo sa akin loves. Kung alam ko lang sana binawasan ko ang gayumang nilagay ko sa food mo dati! Tsk tsk tsk

!@#$!!!!!!!!!!! Sabay tawa. 

JC: Ayan tumawa ka na. Yehey!!

Pagdating namin sa airport naghanap siya ng parking. Pero bago kami lumabas ng car may binigay siya sa akin na isang maliit na box. Oh my God, Mag popropose na siya?

Ano yan? Baka engagement ring ang ibibigay niya! Sige JC magpapakasal ako sayo kahit ngayon din. 

JC: Ito loves, para di mo ako masyadong mamiss pag umalis ako.

Tapos binuksan niya ang box at lumuhod sa harapan ko at sinabi niyang.. 

JC: “Will you marry me Cassandra Yssabelle Ramirez?” Yaaaay Kilig!

Hehehehe.. Di totoo yung pagpropose ni JC imagination ko  lang yan. Pagbukas niya ng box may necklace sa loob. Akala nyo siguro ano? Ahaha. Ang bilis naman kung ganun nga ang pangyayari. 

JC: Pag namimiss mo ako loves, hawakan mo lang to para maalala mo na ikaw lang ang nag iisa sa puso ko.

Cheesy Talaga siya. Tapos sinuot na niya ang necklace sa akin. 

Speechless ako. Naiiyak na naman kasi. Iyakin na ako ngayon.

Tapos ayun naghug kami. Tapos lumabas na kami ng car. Tapos andun na ang barkada pati ang mga kasama ni JC papuntang US. Take note pala kasama nila si Abigail o Abby pero wala na akong care kasi may tiwala naman ako kay JC.

Tapos naghintay na lang kami ng flight nila at habang naghihintay magkatabi lang kami ni JC at nilalanggam na kami. Dapat lang din ano? 3months ko kaya di makakasama itong mokong na 'to. Ahehe.  

Nung papasok na sila. Wala na. Umiyak na talaga ako. 

JC: Sssshhhhh… Tama na loves. May promise ako sayo di ba?

Tumango lang ako kasi di ako makapagsalita. Tapos yun kiniss niya ako at umalis na siya.

James: Oi Cassie, tara na. Nakapasok na sila JC. Ako na magdadala ng car ni JC sa kanila pero hatid ka muna namin sa inyo. 

Kim: Wag kang mag alala Kath.. babalik naman yun…

Paano kung hindi?


Paano nga ba?

College love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon