Chapter 1

96 2 0
                                    

Mula nang bata pa kami, palagi na kaming magkapartners ng bespren kong si Johnny. Kung may nang-bu-bully o nangtutukso saken palagi syang biglang darating to the rescue. Ika nga nila, knight in shining armor ko sya.

May sasabihin akong secret pero promise ha, atin-atin lang to. Secret nga eh. O sige, eto na. Gusto ko siya. Ano ka ba! Siya nga eh. Yun oh, yung bespren ko. Oo! Si Johnny nga.

Ako si Alliah. Labin-limang taong gulang at nasa ika-tatlong taon na sa haiskul. Pang-lima sa walong anak. At ako ang one and only bespren na babae ni Johnny. Pareho kami ng edad, skul at lahat. Parang partners-in-crime kumbaga. Much better sana kung MFEO nalang, Made for Each Other. Ayeeee!

Di nga. Honestly, gusto ko siya. Na realize ko yun nung nasa Grade 6 palang kami, nung grumadweyt na kami sa elementary. Di ko talaga malimutan 'yung sinabi nya saken. Todo kilig to the bones naman si ateng.

"Oi. Bespren. Congrats satin. Gradweyt na tayo. Whoohoo!" Halos mabingi na ako sa sigaw ng kalog na si Johnny.

"Uu nga eh. Haiskul na tayu. Yeheey!" Tugon ko naman sa kanya. Halos di mapawi ng malaking ngiti sa labi ko. Matingnan ko lang sya na masaya, di ko na mapigilan ang sarili na sumaya din.

"Haiskul. Wow!" Sambit nya. "Bagong skul. Bagong titser. Bagong klasmeyts. Exciteeeed na akoooo!" Hindi talaga halata na excited sya. Grabe! Tapos may kinang-kinang pa sa mga mata nya. Asus! Inspired ata ah. Sana saken. Hihi. Ambisyosang palaka talaga akech.

"Talaga lang ha. Excited. Kung alam mo lang na halos lahat ng klasmeyts natin ngayung elementary ay dun din mag-aaral sa papasukan natin. Bagong klasmeyts ka jan. In your dreams." Tukso ko sa kanya. Pero hindi naman sya nagpadala. Mas lalo pang bumungisngis ang ngisi niya. Hala! May topak ata.

"Eh. Bakit ba? Wala yang problema saken. Basta't andyan ka bespren. Okay na okay." May pa-thumbs up-thumbs up pa yung kalog. Tinampal ko sya sa balikat.

"Aray naman bespren. Easy lang."

"Whatever. Ang OA mo kasi." Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Ayaw mo ba nun. Magkasama na naman tayo. Siguradong walang mang-aaway sayo dahil bugbug-sarado sila saken." Pagmamalaki niya. Palundag-lundag naman si heart ko. Ang chweeet. Napangiti naman si ateng."Tapos may libreng lunch na naman ako. Ang saya nun!" Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Aba! Aba! Tagalibre lang pala ang tingin sakin ng magaling na bespren kong ito. Tsk! Tsk!

"Ahhh. So ganun. Tingnan lang natin kung makakain ka pa ng libre." Nagpadabog-dabog akong iwan siya. Lokong to, akala ko pa naman kung ano na.

"Oooii. Nagtatampo na naman yung bespren ko." Bigla na lang syang umakbay saken. Tapos naging uneasy ako. First time. Hindi yung akbay kundi yung hindi ako mapakali sa akbay niya. Palagi naman nya etong ginagawa at bale-wala naman saken. Pero ngayon ilang na ilang ako.

"Oi. Bespren. Galit ka ba? Di ka naman mabiro oh. Gusto talaga kitang makasama. Promise totoo talaga yun." Pamimilit niya. Tumigil siya sa harap ko tapos nag-aala-bata na humihingi nang tawad at nakataas ang kanang kamay. Pa-cute talaga. OA. Pero effective naman. Kadalasan nadadala talaga ako sa puppy look niya. Mas lalo kasi syang nagiging charming. I hate myself.

"Alis ka nga jan. Nakaharang ka sa daanan ko." Pasungit na sumbat ko sa kanya. Sa tindi ng kakulitan ni Johnny siguradong di nito susundin ang sabi ko. Tama nga naman ako.

Imbes na umalis, hinawakan nya ang ma pisngi ko. Hinagud-hagod. Natuliro ako. As in shock na shock. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Naku naman heart! Please stop. "Liyang naman. Sorry na oh. Please. Tanggalin mo na yang kunot sa noo mo kundi tatanda ka nyan. Agad-agad. Sige ka."

"Tigilan mo nga ako Johnny de Leon!"

Bigla siyang naalerto. Alam niyang inis na talaga ako pag tinawag ko sya ng ganun. "Naman bespren. Walang ganyanan. Please. Joke lang talaga yun. Promise di na mauulit. Lab naman talaga kita bespren. Lab na lab." Nagmamakaawa talaga sya na paniwalain ko. Eh ba't ba naman hindi ako maaawa. Lab daw nya ako. Haha.

"Oh sya! Tabi na. Pupunta pa tayo sa bahay, remember? Yung party? Ano...yaw mong sumama?" Sabi ko.

Malaking ngiti ang sumambulat saken. Mas lalong gumagwapo ang bespren/crush ko. "Yes! Di mo talaga ako kayang mawala bespren no? Hehe. Lab mo rin ako. Sige. Halika na, punta na tayu dun. Tomguts na ako eh." Hinawakan niya kamay ko kaya ayun hawak kamay kaming naglakad pauwi.

Para akong nakalutang sa himpapawid nung mga oras na yun. Sabi nya lab nya ako tapos hawak sa kamay ko. 'Oo nga. Lab kita kaya di kita matiis.' Nasa isip ko.

"Hoy girl. Anu ba yan? Bingi ka na ba? Kanina pa kita tinatawag, di ka naman tumutugon." Sabi ng isang kaibigan ko. Naputol tuloy yung balik-tanaw ko.  Sayang!

"Ah eh. Sori. May iniisip lang ako. Bakit ano ba kailangan mo?"

"Iniisip? Oi. Sino?Sino yang iniisip mo? Si crush mo no? Ayeeee. Iba na yan bff, love na yan." Panunukso nya. Isa pang kalog. Siya yung bespren kong babae pero nung naghaiskul na kami nagkakakilala. Siya lang ang pinagkatiwalaan ko saking dark secret at hindi naman ako nagkamali na magtiwala sa kanya.

"Tse. Love ka jan. Agad-agad. Di ba pwedeng attracted muna. Kaw talaga. Overst kung mag-isip. Nag-dedecide lang ako kung ano ang magandang gift para sa kanya. Sa susunod na Sabado na kaya yung birthday nya. Sakit na nga ng ulo ko sa kakaisip eh." Sabi ko which is true naman. Kahit bespren ko yun, hirap pa rin akong mamili nang ireregalo sa kanya. Minsan tinatanong ko na lang sya kung ano ang gusto nya.

"Eh di tanungin mo na lang sya. As usual. Di mas madali at wala pang sakit sa ulo. Di ba?" Ayun na nga sinabi ko. Magtatanung na naman ako ulit sa kanya. Napalingu-ulo nalang ako. Napabuntong-hininga.

"Oh sige. Dyan ka na at pupuntahan ko muna sya sa gym. Okay?"  Napatango sabay ngisi yung bff ko. Umalis ako at madaling naglakad patungo sa gym. Inabutan ko siya at ang mga kasama nya na seryusong naglalaro ng basketball. Gusto nyang maging Basketball Pro balang-araw kaya todo ensayo talaga sya. Umupo ako sa isang bleacher. Andun din ang grupo ng mga 4th year na babae. Nakangising nakatanaw sa mga players. Pabulong-bulong kesyo crush nya to o gwapo si ano. Binale-wala ko na lang.

Itinuon ko ang atensyun sa player na nakasuot ng blue and white jersey number 08. Si Johnny. Bigla namang nagkataon na lumingon sya sa pwesto ko. Kumaway sya todo ngisi. Flattered naman ako. Kumaway ako ng kimi. Kunyari'y conservative? Haha.

"Girlfriend ba nya yan?" Dinig kong bulong ng isa sa mga babae. Nakatingin sila saken as if para akong stranger.

"Di no. I heard bestfriend nya yan. Definitely hindi girlfriend. As in super available talaga sya. And you know what? I heard pa nga na may nagugustahan sya. Dinig kong tuksohan nila ng mga teammates nya kahapon sa canteen." Tugon naman ng isa. Kilig na kilig. As if siya ang nagustuhan. "Sabi pa nga girls na 4th year daw yung crush nya. Ayeeee." Biglang naghiyawan ang tatlo.

Para akong binagsakan ng malaking sign sa mukha. "BESTFRIEND." Ouch! Ansakit naman.

Wala akong imik hanggang sa natapos na lang yung laro. Loading pa rin yung brain ko sa narinig ko. Hindi ko namalayan na andun na sa tabi ko ang bespren ko nakatitig sa akin. Tahimik.

"Oh. Tapos na kayo? Ba't di ka naman nagsabi." Nag-iwas ako ng tingin. Ayokong makita nyang natataranta ako. Baka makahalata. "By the way, bespren, ano ba gusto mo para sa darating na birthday mo?"

"Ikaw." Sambit nya. Seryusong nakatitig lang sya saken.Bigla naman akong nasamid sa sinabi nya.

A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon