Chapter 10

7 0 0
                                    

"Sorry talaga Jake nasasangkot ka tuloy sa kalokahan ng bff ko."

"Ha? Ah... okay lang. Nakakaaliw din naman yung kalokahan nya." Pagtatanggol ni Jake sa bff ko. May point din naman yung sinabi niya. Happy-go-lucky kasi si Shane at optimistic din. Busy na tinitingnan niya ang mga pictures.

"Ikaw Alliah. Nag-eenjoy ka ba? Baka kasi nababagot ka na. Sabihin mo lang." So nag-aalala pala sya sakin. Si Jake talaga.

"No. Hindi ako nabo-bore. In fact, parang bumabalik ang pagkabata ko. Matagal na rin kaya akong di nakapunta dito. Grateful nga ako sayo dahil dinala mo ako...kami dito. Libre pa. Don't worry babawi ako sa susunod.Hehe." Pagbibiro ko sa kanya. Totoo naman talaga. One of these days , babayaran ko talaga sya. Pero hindi monetarily. Hehe.

"Di naman to utang na kailangang bayaran, Alliah. Sabihin nalang natin na nagpapa-impress ako sayo."

"Ipinagmamayabang mo na mayaman ka? Nakaka-impress ba yun?" Tugon ko naman sa kanya. Sinadya kong maging sarcastic pero kuha ko naman talaga ang gusto nyang sabihin.

"That's not what i mean. Yung ma-impress ka sakin kung pano kita napapasaya. Kahit hindi kami mayaman Alliah, mapapatawa at mapapaligaya kita. Confident ako dun! Money can't buy everything in this world especially your happiness, Alliah." Pagpapaliwanag nya. Kahit hindi ko man sabihin, matagal na akong na-impress sa kanya. Marunong talagang manuyo ng chicks tong si Jake. Hindi nga ako makapaniwala na kahit kailanman ay hindi sya nagkagirlfriend.

"Oows... Happiness ko nga lang ba? If i knew, andami mo nang babaeng nasabihan nyan." Ayaw kong magpadala sa masasarap na salita ni Jake. Ganun naman talaga lahat ng mga lalaki. Sweet at first pero kalaunan ay nagbabago. I hope hindi ganun si Jake. So far naman nakikita kong sincere at honest sya.

"It's really fun to make girls happy." My God, i was mistaken. Hindi ko alam kung joke ba yun o hindi. But was he pretending all along? Kumunot ang noo ko. "Oi. Nagseselos."

"Anong selos? I don't really care kung ginawa mo nga yun. Boys will always be boys. You always enjoy many treats. Can't stick to one right?" Nakita kong na-shock ang kausap ko. Naging blanko naman ang expression ko. Alam kong below the belt na yung sinabi ko. But hindi ko napigilang mairita. I don't like the idea of him playing a fool of me. Hindi sya umimik.

"Hoy guys. Akala ko ba kakain na tayo. Bakit nakatayo lang kayo jan?" Sabat ni Shan. Wala pa ring umimik sa amin. Nagtaka sya. Kalaunan narealize nya na may nganyari pero hindi nya lang alam kung ano. Nanaahimik lang din sya. Sinisiko nya ako pero hindi ko sya pinansin.

"Bahala na nga kayo. Kung ano mang nangyari sa inyo, hindi na muna ako makikialam. Nagugutom na ako kaya maiwan ko muna kayo." Iritableng sabi ni bff. Bigla na lang syang umalis. Hinabol naman sya agad ni Jake.

"Wait Shane. Sorry. T'was my bad. Sorry na ha." Sinusuyo ni Jake ang bff ko. "Please sorry na. Sabay na tayong tatlo kumain, okay?" Pamimilit niya. Mas lalo akong nairita. Buti pa kay bff nag-sorry sya pero sakin, wala. I can't believe it.

"Sige na nga." Sagot naman ni Shane. Ng galing talaga. Expert pala syang mambola nang babae. Kaya siguro ang dali kong nadala sa kanya. Akala ko sincere talaga sya yun pala magaling na con man pala ang loko.

Hindi ko pa rin sya kinibo kahit magkatabi kami sa mesa. Silang dalawa na naman ni Shane ang nag-uusap. Nagpi-pretend na lang akong may tinitingnan sa phone. Chi-nek ko ang FB profile ko. There was nothing interesting at all. Then may nag-appear na notification. Bigla akong na-shock.

.... has changed her profile picture. A few seconds ago.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ini-open ko yung notification. And there it was, a picture of Johnny and the girl together in each others' arms. Binasa ko ang status ng girl.

Finally, i said Yes! An hour ago.

It already had 60+ likes. Parang tinusok ng karayom ang puso ko. Gusto kong umiyak.

"Excuse me. Washroom lang ako guys." Agad akong tumakbo.

"Alliah? Alliah?" Dinig kong sigaw ni Shane.

Nang nasa washroom na ako. Pumasok ako sa isang cubicle at inilock ang pinto. Hindi ko na pinigilan ang sariling umiyak. Wala na akong pakialam kung may makarinig sakin. Inilabas ko ang sakit na dulot nang nakita ko.

The girl was a friend of mine. Isa syang senior. She was beautiful and very nice. Hindi na ako nagtaka kung nagkagusto si Johnny sa kanya. But it really hurts na makitang silang dalawa na. So this is how it feels being hurt out of love. If it is really love, ang sakit pala talaga. No doubt maraming nababaliw dito.

Then, narinig kong may kumakatok sa pinto. "Bff... are you okay?" Malumanay na sabi ni Shane. No, i'm not. Gusto ko sanang sabihin sa kanya. Pero walang lumalabas sa bibig ko. I cried and cried again. Hindi ko na narinig si Shane.

Nang mapagtanto kong tila naubos na ang luha ko. Hinay-hinay kong binuksan ang pinto. Wala na dun si Shane. Tiningnan kong sarili sa salamin. Magang-maga ang mga mata ko. Para akong basang-sisiw. Inayos ko ang sarili. At huminga ng malalim.

Nang bumalik na ako sa mesang kinakainan namin kanina, wala akong nakitang Jake at Shane. Nang biglang tumunog ang phone ko. Si bff ang tumatawag.

"San na ba kayo?" Hindi ko maitago ang pagkairita. This day couldn't get any worse.

"Bff... I feel really guilty not telling you about it. Kanina ko pa alam ang tungkol sa kanila. Pero...pero hindi ko sinabi sayo dahil ayaw kong makita kang masaktan. Hindi ko kaya. I'm sorry bff." Umiyak si Shane. Napaluha ulit ako. Hindi ko lubos maisip na ganun ako kahalaga sa bff ko.

"It's okay bff. No worries. Thank you." Sagot ko sa kanya.

"Kung gusto mo nang kausap, punta ka dito sa may ferris wheel."

At naputol na ang tawag. Tiningnan ko ulit ang sarili sa salamin. "You're strong Alliah. Kaya mo yan." Nahawa na ata ako sa pagiging sobrang positive nilang dalawa.

A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon