"Alliah. Try mo tong mga ito. Check mo if ano ang magugustuhan ni Johnny." Ngumiti lang ako at inamoy ang mga perfume. Bilib na talaga ako sa kanya. "Wow. These smell great. Angaling mong mamili."
"Thanks. Mahilig kasi ako sa ganyan. In fact, i have a collection of the bottles. Ipapakita ko sayo mamaya. I have a picture of it. Yayain kita mag late lunch. And i wouldn't take 'no' for an answer. Okay?" Sabi niya nang walang paligoy-ligoy. Tinanguan ko na lang siya. Ayokong sabihin nyang i was being ungrateful and that i don't like being around him. "Yes! Thank you for accepting."
Nakapili na ako sa perfume pero bumili din ako ng isang red shirt. Favorite color ni Johnny. Pagkatapos naming bumili ng paperbag at ribbon, pumunta kami sa isang pamosong restaurant sa mall. Isang American-style resto. Usually kailangan pang magpareserve para lang makakain dun. Pero di kami nahirapang makakuha ng table kasi kakilala niya ang manager dun. Naupo at nag-order na sya. Tahimik lang ako.
"Ba't antahimik mo Alliah. Sabihin mo lang kung ayaw mo dito pwede naman tayong lumipat." Pakiwari nya.
"Ha? Ah. Hindi. Hindi. Okay lang ako dito. No problem. Naiilang lang siguro ako. First time ko kasing..."
"First time mong makipagdate?" Date? Date ba to? Kala ko magkasama lang kami at tinutulungan niya ako. Baka akala nya date talaga to.
"Ah... h-hindi ganun. Di naman to date ah. Ikaw lang itong sumama at nagyaya eh." Paliwanag ko in my defense.
"Oo nga. Nagyaya ako at tinanggap mo. Kaya ngayon magkasama tayo , just us, together. Nagsho-shopping at kumakain. Di ba date ang tawag dito sa ginagawa natin?" Nakangising pagpapaliwanag nya. May tama nga naman siya. Matalinong matsing. Ah! Naguguluhan na tuloy ako.
"Bahala ka na nga. Date na kung date. Wala naman sigurong masama dito." Pagpapaubaya ko. Nadinig ko syang tumawa. Tiningnan ko siya.
"You know what, ang cute mo talaga. Kaya nga gusto kita eh."
"W-what? Ano yun!? G-gusto mo ako?" Pautal na tanong ko.
"Yeah. I admit it. I like you. Wala naman sigurong problema if magustuhan kita diba?" Tanong nyang bigla sakin. Napanganga naman ako.
"I know. Prangka lang akong masyado but i'm serious about it." Tiningnan ko siya nang maigi. Seryoso ba sya? I know him, oo, pero dahil schoolmate ko sya at teammate sya ni Johnny. Ang hirap i-absorb nang reality na ito.
"In fact.... ahmm... I've been attracted to you since... since... i saw you playing your guitar and singing dun sa music room. You were alone. I remembered it was intramurals. Araw ng championship game nun. I was running my way to the game when i saw you. I felt time stopped. Your voice was angelic. Remember ko pa nga yung song eh. 'Your Guardian Angel'. Believe it or not, akala ko angel ka." Tapos humagikhik siya. Tameme pa rin ako. First time ko din itong may biglang nagconfess sakin.
"I could even say you were the reason why we won the game. Ako yata ang may pinakamalaki na point contribution nun. And that was all because of you. Naging inspirasyon kita simula nun. I like you Alliah. Very much."
Tahimik lang ako na nakatitig sa kanya. Napakasmooth. Di ako makapagsalita. Ganito pala ang feeling nang may nagco-confess? Parang nakakataba ng puso na nakakabulabog ng isip. Unexpainable. Indescribable.
"Hey. Magsalita ka naman. Nahihiya na tuloy ako." Putol nya sa katahimikan. Tiningnan ko siya. Pulang-pula na ang mukha nya. Totoo nga talaga ang mga sinabi niya.
"Sori. Nabigla lang kasi ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ngayon lang kasi nangyari sakin ang ganito. Ang sabihan na... na... alam mo na..." Paliwanag ko sa kanya. Hindi naman ako makatangin nang tuwid dahil sa kahihiyan. Nahihiya ako sa pagiging sobrang inosente.
"Doesn't matter. Di ko naman ine-expect na may sasabihin ka. Pero may itatanong lang ako sayo Alliah. And i hope you won't take it in a bad way." Suminghap sya. Kumukuha ng lakas ng loob. "Well. Sabi mo naman kanina na hindi mo boyfriend si Johnny." Humuhugot siya nang lakas para masabi lang yung gusto niya. Parang alam ko na yata ang itatanong nya." Pwede ba kitang ligawan?"
Tumpak! Sinasabi ko na nga ba. Lalo tuloy akong kinabahan. Ang bilis naman ng mga pangyayari. Kani-kanina lang ay tinatanung pa nya kung okay lang ba ako, ngayon ay gusto na nya akong ligawan. Help!!!
"Ahmmm... Eh, kasi... kasi..." Kumakabog na talaga ang dibdib ko. Parang nag-o-overload na nga ang utak ko. Hindi naman sa nag-o-OA ako or ano. Pero hindi ko talaga naaabsorb ang mga pangyayari.
Huminga ako ng malalim. Iniisip ko ang sitwasyon. Ligaw lang naman ang gusto niyang gawin, hindi naman kasal eh. So anong masama dun. Ta's mabuti na rin siguro na mabaling yung isipan ko sa iba at bigyan siya ng chance. Maganda din kaya ang feeling na at least my nagbibigay ng atensyon saken.
Bumuntong-hininga ulit ako. Kinagat ko ang labi ko. Tiningnan ko siya nang maiigi. "I don't know pero i guess, pwede?" Nahihiyang sabi ko.
"Really? Payag ka? Yes. Yes." Napasigaw siya. Yun tuloy tumingin lahat ng tao sa direksyon namin. Tumahimik naman sya.
"Sori. Natutuwa lang ako. Thank you. Thank you talaga." Hinawakan nya ang kamay ko. Nailang tuloy ako.
"Ano ka ba naman! Ligaw lang naman. Hindi naman kita sinasagot eh." Sambit ko.
"Kahit na. Para sakin, it's a great start for you to say yes na liligawan kita. Masaya na ako dun." Walang pagdadalawang-isip na sabi niya.
"Alam mo ang corny mo rin noh?" Pangungutya ko sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilang humagikhik.
"Corny na kung corny. At least nasabi ko na ang feelings ko sayo. Mahirap ata ang magtago sa isang sulok at pasulyap-sulyap ka lang sa malayo." Sabi nya. Para akong tinamaan ng isang malaking kidlat sa sinabi nya. Mahirap nga naman ang hindi mo masabi kung ano ang tunay mong nararamdaman.
"My point ka naman. Kain na nga tayo. Gutom na talaga ako. Bon appetit." Pag-iiba ko sa usapan. Sa dami ng inorder nya, halos makabagan na ako sa busog. Ayun at hindi namin naubos ang pagkain. Kaya pinabalot nalang nya para saken. I-bi-bring home ko daw. Di nalang rin ako tumanggi. Sayang kasi.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Teen FictionThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...