"Buti nama't naalala mo na ako Hija. Akala ko aabutin tayo nang Golden Anniversary namin dito eh." Humagikhik siya. Hindi pa rin pala sya nagbabago. Palatawa pa rin pero hindi na siya mukhang panda. Mataba na maputi pa rin siya pero wala na yung itim sa mata niya. Mas mukha na siyang Polar bear ngayon. Haha.
"Eh. Sori po talaga. Hindi na po kasi kayo mukhang panda." Pagbibiro ko nalang at tumawa kami nang sabay. Kulang na lang mag-ROFLMAO ako sa kakatawa. Dumadagundong sa loob ng room ang lakas ng tawa ni Mr. Panda. Bigla kaming natigil nang bumukas ang pinto at bumungad si Jake at mama niya. Halatang naguluhan yung una at nakangiti lang yung huli.
"Honey! Dahan-dahan ka naman. Para nang walang bukas kung makatawa ka ha. At ikaw naman Alliah, hija, kumain na kayo nitong si Jake. Aleng Nena, pakilagay nalang po yan dito." Sabi ni Tita. May isang maid na naglagay ng mga pagkain sa mesang nasa harap ko at tumabi nang pag-upo saken si Jake.
"Hon, halika na sa baba. Hinahanap ka na nina kumpare. Next time na lang kayo magpatuloy ni Alliah sa pagkukwentuhan."
"Ikaw na lang hon. Dito na lang ako." Sabi ni Tito na parang bata na nag-rerequest.
"Hay naku! Umayos ka nga Hon. Okay lang na ako mag-isa ang haharap sa mga bisita kung sana birthday ko to, eh lover's anniversary natin to diosmio. At tsaka hayaan mo muna yung mga bata na kumain at magkasarilinan." Sagot ni Tita, nakatayo sya sa may pintuan na nakapamewang. Hindi ko pinalagpas ang mga panunuksong tingin nya sa amin ni Jake.
"Oh. Sya! Sya! Intiendes hon. Alliah maiwan na muna kita. Sa susunod let's have a proper, private dinner with your family, okay?" Pahabol na sabi ni Tito sabay kindat. Ngumiti lang ako at tumango-tango.
Inakbayan niya ang asawa niya at hinalikan sa pisngi. May ibinulong sya na hindi ko na marinig nang bigla namang humagikhik ang babae at kinurot ang kanyang tagiliran. Napailing na lang ako. Wow! Ang sweet. Bigla ko tuloy'ng naalala si Johnny. Pano kaya kung ganyan din kami? Nagkukurutan at nagbubulungan ng kung anu-anong sweet nothings bilang couple. Pero hindi eh. Magbespren lang kami. In fairness, di masamang mangarap.
"Alliah!?" Bigla akong nawala sa pagdi-daydream ko. Nakita ko si Jake sa harap ko, alalang-alala. Bigla tuloy akong nahiya kasi may kasama pala ako tapos kung anu-ano na ang iniisip ko.
"Ahh. So-so-sorry." Bulol na sabi ko. "Kain na tayo. Tomguts na ako eh." Pag-iiba ko sa usapan. Nagsimula na kaming kumain. Hindi ko mapigilang mapaungol sa sarap. Grabe! Parang pang-5 star restaurant yung mga pagkain.
"Wow! The food's great." Kulang na lang ay tumalon ako sa sobrang paghanga. Nakatingin lang sakin si Jake at di maitago ang kanyang pagkaaliw. "Teka lang. Hwag mong sabihin na chef ang nagluto nito?"
"Yes. You're right. In fact, she's an executive chef. One of the finest here in the Philippines." Simpleng pagmamayabang ni Jake. Hindi ko talaga akalain na ganito sila kayaman na kumuha pa sila nang chef para ipaghanda ang ganitong party.
"She? So babae pala? Amazing! Angaling naman nya. Sobrang sarap ng mga food nato. Simple yet heavenly dishes talaga. Grabe!" Hindi na ako matapos sa pagbibigay ng compliments. Tiningnan ko si Jake nang may hidden agenda at may pa-beautiful eyes pa. "Can i meet her?"
"Nakausap mo na nga sya eh." Sabi niya. Kumunot ang noo ko. Bigla akong napaisip. Nakausap? Eh, si Tito at....
"Si Tita! Siya yung chef!" Gulat kong tugon sa kanya nang bigla na lang syang napatawa nang napakalakas. Hindi ako makapaniwala kasi sa postura ng kanyang mama, hindi halata na isa itong magaling na chef. Napakaganda at napakabata kasi nitong tingnan sa kabila nang edad nito. Makinis ang kutis at napaka-demure kung kumilos. Aakalain mo ngang lumaki itong pampered ng mga maid at na hindi man lang sanay sa gawaing bahay.
"Ang cute mo talaga Alliah." Biglang sambit ni Jake. Nahiya na naman tuloy ako. Hindi ko mapigilan ang hawakan ang pisngi ko para itago ang pamumula nito. Ewan ko pero kapag pinupuri niya ako, hindi ko talaga mapigilan ang ma-flatter. Ewan ko din sa kanya kasi hindi siya tumitigil sa kaco-compliment sakin.
"Oooii. Nag-ba-blush siya." Pinisil niyang bigla ang pisngi ko. Nang dumampi ang palad niya sa mukha ko biglang lumakas ang kabog nang dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. Lumingon ako sa dako niya at nagtagpo ang aming mga mata. Lub-a-dub-dub! Ang nakakabinging sigaw nang puso ko. Kitang-kita ko sa mga mata ng kaharap ko ang dikta ng puso nito. Love. A feeling i've also felt for a long time but not for this person in front of me.
Lub-a-dub-dub! Lub-a-dub-dub! Bumibilis na tibok nang puso ko. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ako mapakali. Mas lalo akong kinabahan nang namalayan kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Oh my G! He's gonna kiss me. Now, his face was an inch or two away from mine. I can feel his warm breath on my cheek. It was awkward when he just stared at me for a moment there. Then, suddenly namalayan ko na lang na he was already kissing me. And sa hindi maipaliwanag na pangyayari, i closed my eyes and answered his kiss. It was so gentle. At first. Pero nang hindi tumagal, it became passionate and nang-aangkin. Naramdaman ko na lang na humihigpit ang hawak niya sa akin. And i clinged my arms around his neck. It felt like i was entranced by his kiss and embrace. I've never felt this special and safe in the arms of a guy. Never. Kahit sa piling ng bestfriend kong si Johnny.
Right, si Johnny! Bigla akong natauhan. Kumawala ako sa pagkakahawak niya. Hindi ko sinadyang maitulak siya nang bahagya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. "I-i'm sorry. It shouldn't have happened. I'm really sorry." Tanging nasabi ko. Hindi na ko nakatingin sa kanya.
Narinig ko si Jake na bumuntong-hininga. Alam kong nanlulumo siya ngayon dahil sa nangyari. "Is it Johnny?" Walang paliguy-ligoy na tanong niya sa akin.Hindi ako sumagot. Nanahimik at nanatili ako sa kinauupuan ko. Hindi man lang ako tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Teen FictionThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...