Chapter 14

7 0 0
                                    

"Ma. Pa." Dinig kong sigaw ni Jake. Tiningnan ko ng dako kung nasa'n ang parents niya. Bigla ulit akong kinabahan. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa kamay nang una. Napalingon siya sakin. Hindi ko maitago ang pag-aalala sa mukha ko. Pero kahit ganun, ngumiti lang siya. Wari'y nagsasabing, 'okay lang'. Huminga ako ng malalim at ngumiti.

"Oh Jake! Andito na pala kayo. Eto na ba si Alliah? Amazing! Anlaki mo na hija." Bati ng magandang babae na tingin ko ay ang mama ni Jake. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako kay Jake. Kitang-kita ko na tila naguluhan din siya.

"Honey. Tingnan mo. Andito na yung special guest natin." Tawag niya sa lalaking aliw na aliw na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. At dali-dali itong tumingin sa dako namin.

"Dios ko mio. Alliah, hija. Kumusta ka na?" Sabi ng lalaki sabay yakap sakin. Bigla na lang akong nagulat. Ni hindi na nga ako makapag-react. Tiningnan ko si Jake at bakas din sa mukha niya ang pagkagulat.

"Ahmmm. Sir, kilala nyo po ako?" Tanong ko sa lalaki. Naramdaman kong lumuwang ang pagkakayakap nya sakin at hinarap nya ako. Sobrang laki nang ngiti niya kaya lalo tuloy akong nailang.

"Si, hija. Si." Pagmamalaki nyang sagot. "Sus. Hija, Tito nalang ang itawag mo sakin. Napakapormal naman ng Sir at parang nakakatanda na." At humagakhak sya nang malakas kasabay ang asawa niya. Lalo tuloy akong nahiya. Mas lalo akong naguluhan. Tiningnan ko sya ng maigi, pilit kong inaalala kong nakita ko na ba sya. Parang tingin ko familiar nga sya pero kahit anong pag-alalang gawin ko hindi ko talaga ma-pinpoint kung saan at kailan kami nagkakilala.

"Hon. Easy ka lang naman. Tinakot muna tuloy si Alliah." Narinig kong sabi ng babae.

"Ah. Hi-hin-di... naman po a-ako... na-ta-takot." Pautal na sabi ko. Hindi ko na mapicture-out kung ga'no na ako kapula. Basta ang alam ko mainit na yung mga pisngi ko sa kahihiyan.

"Nakakapanibago ka namang bata ka. Pero hindi kita masisisi, eh singko y anyos ka palang nung last time na nagkita tayo. We have a lot of catching up to do." Sabi ni Tito. Eh yun ang gusto nyang itawag ko sa kanya. Then, go.

"Pa. Excuse me lang po. Pero parang naguguluhan na ako and i think Alliah feels the same." Sabat ni Jake. Buti na lang nakapagsalita na sya, kaso ba't naguguluhan din siya? Tiningnan namin si Tito.

"Ako na ang magsasabi sayo Jake. Hayaan mo muna si Papa mo at si Alliah na mag-usap. Samahan mo ako at ikukuha natin si Alliah nang makakain." Hinila si Jake ng mama niya. Gusto sana niyang humindi pero hindi nya napigilan ang huli sa ginawa nito. Hindi na ako mapakali. Wala na akong kasama kundi si 'Tito'. Huminga ako nang malalim.

"Ah. Tito. Pa'no nyo po ba ako nakilala? Tama po si Jake,naguguluhan na po talaga ako."

Hindi sya sumagot. Nakangiti lang siya. Ngunit sa hindi malamang pangyayari, nung nagsimula syang maglakad sumunod lang ako. Umakyat kami sa second floor ng bahay nila. Walang pag-uusap na nangyari. Ta's huminto kami sa tapat ng isang pinto at binuksan niya ito. Pakiwari'y ko'y isa itong family room kasi marami itong pictures, isang set ng sofa, tatlong beanbags, malaking LED tv, billiard table, dart board, XBox at iba pa na makakapagsabing entertainment room or family room yun. Pumasok kaming dal'wa.

"Maupo ka hija." Basag niya sa katahimikan. Nakangiti pa rin siya. Sumunod naman ako. Tahimik lang. May kinuha naman sya na isang photo album ata at inabot niya sakin. Tapos umupo sya sa tapat ko.

"Buksan mo yan hija."

Binuksan ko nga ang album. Bigla akong nagulat sa nakita ko. Binuklat ko ang lahat ng mga pahina. Puno ito ng mga larawan ni tatay, ni Tito, larawan ko at nang isang batang lalaki. Tinutukan ko ang bata at dun ko lang namukhaan ito.

"Si Jake to ah." Nasambit ko sa pagkagulat. "Pa-pa..." Tiningnan ko ang lalaking nasa tapat ko.

"Si. Si Jake nga yan nung 7 yrs old pa lamang sya. Tingin ko'y naikwento na naman siguro nya ang rason kung bakit mas matanda pa sya sa inyo di ba?" Paninigurado niya. Tumango lang naman ako ng pagsang-ayon.

"Well, hija. Dahil sa naging masakiting bata si Jake, palagi siyang labas-masok sa ospital. Grabe ang hirap na dinanas namin nun emotionally and financially. Hindi kasya sa sweldo ko bilang office employee at kita nang asawa ko sa carenderia ang gastos namin sa bahay at ospital altogether. Dumating sa punto na nabaon ako sa utang, lumala ang kalagayan ni Jake at nawalan na ako ng pag-asa. Then, nakilala ko si Jimmy, ang tatay mo. He became my family's savior. Tinulungan niya akong ma-operahan ang anak ko at mabayaran ang mga utang ko. At higit sa lahat naging kaibigan siya sa akin. Matalik kong kaibigan. Kahit sa kaunting panahon na nagkakilala kami ay hindi ko siya makalimutan."

Teka lang. Pano kaya natulungan ni tatay sila Jake na mabayaran yun lahat, eh di naman kami mayaman. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko. Nang biglang... light bulb!

"Oh my God! Ikaw si Mr. Panda!" Pasigaw na sabi ko. Narinig ko na lang syang tumawa. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Oo nga, siya si Mr. Panda.

Naalala ko nun, 5 yrs old pa lang ako. Palagi akong sinasama ni tatay sa ospital. Sabi niya may dadalawin daw kami. Ako lang yung sinasama niya kasi ako pa yung baby girl nya nun. One and only favorite.

"Yang. Wag kang masyadong makulit ha baka kasi magalit yung nurse at doktor, palabasin tayo. Okay?" Paalala ni tatay.

"Opo." Tanging sagot ko.

"Oh. Andito na tayo." Binuksan ni tatay ang pinto at ayun sumambulat ang isang kama. Nakita ko dun ang isang batang lalaking mahimbing na natutulog. At sa gilid nito ay isang nakakatandang babaeng nakayuko na tila'y natutulog rin. Humakbang ng tahimik si tatay at tumungo sa isang nakakatandang lalaking nakahiga sa sofa. Mahimbing din itong natutulog. Ewan ko ba, ganito lang siguro talaga kadalasan ang pangyayari sa mga ospital.

"Pare... pare..." Gising ni papa sa lalaki. Naalimpungatan ang huli at matagal na naka-react sa ginawa ni papa. Nang mahinuha niya kung sino ito at agad siyang bumangon. Inayos niya ang sarili.

"Oh. Kumpadre, andito ka pala? Kanina ka pa ba?" At bigla itong napatigil at napatingin sakin. Ngumiti lang siya. Natawa naman ako na ikinagulat niya.

"Tatay, nakakatawa po siya. Para siyang panda, ang puti-puti niya pero ang itim-itim ng mga mata niya. Haha." Tawa lang ako nang tawa. Tumawa lang din ang lalaki.

"Yang, anong panda? " Halatang na-shock yung tatay ko. "Syensya ka na pare, maloko lang talaga tong anak ko." Pagpapaumanhin niya sa lalaki.

"Ano pong maloko tatay? Eh nagsasabi naman ako ng totoo ha. Di ba po Panda naman talaga kayo. Hindi ka pa siguro nakakita ng panda tay kaya hindi kayo makarelate." Mas lalong kumunot ang noo ni tatay na hindi ko alam kung bakit. Pero mas natawa naman yung lalaki. Hay! Ewan ko kay tatay.

"Kakaiba naman tong anak mo kumpadre. Ang bibo bibo." Sabi nang lalaki na hindi pa rin natapos sa kakatawa.

"Ah. Ewan ko ba sa batang to. Kung ano-ano na lang ang sinasabi. Kung anu-ano na lang din kasi ang pinapanood eh. Hahay kang bata ka." Sabi ni tatay.

"Ewan ko din po sayo tay. Buti pa si Mr. Panda gets ako. Tsk. Tsk." Sumagot naman ko na mas lalong nakapagpatawa sa lalaki. At hindi narin nakapagpigil ang tatay ko at sumabay na rin sa kakatawa. Ngayun sino ang loko-loko. Hahay! Matatanda talaga.

A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon