"Ahm... Alliah. Hindi naman sa nanghihimasok ako or anything pero hindi ko talaga kayang makita kayo ni Johnny na ganito. Na hindi nag-uusap. Ano ba ang nangyari?" Sa wakas nagkalakas-loob din ang bff ko na magtanong. Mahirap ding hindi mo masabi ang problema mo.
"Honestly, bff. Di ko magets kung ano ang dahilan. Eh. Ewan ko sa kanya. Pero bff, hindi rin talaga ako sanay na ganito kami. Lalo na ngayong malapit na ang birthday niya." Hindi ko naiwasang mapabuntong-hininga ng malakas. Kasabay nun ay hindi ko naitago ang nararamdaman kong kalungkutan.
Biglang tumunog ang cp ng bff ko. Binasa nya ang message. Tumingin sya sa akin ng may pag-aalala. "Bff, kailangan ko nang umuwi. Dumating na yung sundo ko." Nafi-feel ko ang grabeng pag-aalala sa kanya. Nginitian ko lang sya at tumango. Umalis na sya.
"Please call me ha. Later."
Gusto ko na talagang umiyak sa oras na yun. Ang hirap pala talagang mag-isa ka na lang. Masyadong nakakasira ng ulo ang katahimikan. Di gaya nun palagi akong kunukulit ni Johnny. Palagi kaming magkasama tuwing lunch at minsa'y sa pag-uwi. Ngayun, wala, ako nalang mag-isa. Biglang tumulo ang luha ko, dumadaguygoy sa aking pisngi. Buti nalang walang tao sa playground ng school. Walang makakakita sakin.
Yumuko ako sa table. Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko. Humagulhol ako nang humagulhol. Pero hindi iyak bata na malakas, yung enough na mailabas ko ang nararamdaman ko. Nang bigla na lang may humawak sa balikat ko. Nilingon ko kung sino at tumambad ang mukha ni Jake, yung bago kong kaibigan at manliligaw. Ngumiti siya sa akin. Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang panyo nya. Wala syang sinabi na kung ano.
Sa presensya ni Jake para akong natuwa kahit papaano. Yinakap ko sya at umiyak na naman ako.
Naramdaman kong hinahagod-hagod niya ang likod ko. Sa hindi malamang pangyayari, tila unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Nailabas ko kasi ang sakit na nagpapahirap sa kin. At may isang kaibigan na mataman namang nakinig. Si Jake.
Halos inabot ako ng 10 minutong umiiyak na nakayakap sa kanya. Hindi naman sya nagreklamo. Kumawala ako sa yakap at pinahid ang luha ko. Hindi man ako tumingin sa salamin, alam kong mamaga-maga na ang mga mata ko.
"Oh. Tingnan mo na yang mukha mo. Para ka nang batang gusgusin. Oh, anak yung sipon mo ilabas mo yan." Nag-joke nalang si Jake. Ngumiti lang ako. "Ganyan dapat. Smile. Mas lalo kang gaganda pag ganyan ka parati."
"Thank you, Jake."
"Walang anuman Alliah. What are friends for, di ba? But , ano ba ng nangyari? Did something happen at home? May masakit ba sayo?" Kita ko ang deep concern ni Jake sakin. Ano kaya kung sa kanya ako mainlove or nainlove? Biglang sumaglit sa isip ko ang idea na yun. Awkward.
Hindi ako nagdalawang-isip na ikuwento kay Jake ang nangyari. Kita ko sa kanya na para siyang na-guilty dahil sya ang kasama ko nung Sabado.
"Sorry. I think that was entirely my fault. Kung hindi kita inabala pa baka nakauwi ka nang maaga. Don't worry, kakausapin ko si Johnny, okay?" Sabi niya.
"No. Hindi mo kasalanan yun. Walang may kasalanan sa nangyari. Tinotopak lang siguro yung gagong yun. Hindi na sya bata para mag-asta sya ng ganyan. Pero i know, lilipas din ito. Nasaktan lang ako kasi hindi ako sanay na ganito kami eh. Salamat talaga Jake at andyan ka."
"Syempre basta ikaw. Kung kailangan mo ng kaibigan,pwede mo akong tawagan, okay?" Napakaswerte ko na marami akong kaibigang mahingian ng tulong kahit kailan.
"Arcade tayo, Jake. Gusto ko maglibang." Pakiusap ko sa kanya. Ngumiti lang sya at inilahad ang kamay nya sakin. Kinuha ko ito. Pumunta kami sa isang maliit na mall malapit sa skul. Nagpalipas kami ng halos dalawang oras dun. For a while, nakalimutan ko ang lungkot. Pareho kaming hibang sa paglalaro. Hindi lang yun, nagwindow shopping din kami at kumain, pero ngayun sinigurado kong hati kami sa gastos. Tapos nagpalipas kami ng kabusugan sa isang park malapit sa mall. Namangha kami sa tanawin kaya walang pakundangan ang pagkuha namin ng pictures.
"Ano Alliah? Kumusta na ang pakiramdam mo? Did you have fun?" Tanong ni Jake.
Tumango-tango ako na nakangiti. Talagang nasiyahan ako na kasama siya. "Oo Jake. Okay na ako and yes, i had fun. Salamat."
Ngumiti sya at halos abot ito sa tenga nya. Mas lalo syang gumwapo sa paningin ko. Magaan na magaan ang loob ko sa kanya. At parati pa nya akong natutulungan. Hindi kaya Guardian Angel ko sya? Matagal na akong nagpi-pray kay God na sana ipakita niya sakin ang Guardian Angel ko. Baka si Jake yun. Come to think of it, nakita nya ako sa music room, nung time na yun grabe ang dasal ko na sana manalo ang team nina Johnny and they did. Then, sa mall, nahirapan akong maghanap ng gift ni Johnny bigla syang dumating at tinulungan ako. Ngayun naman, hindi kami nagkakaunawaan ni Johnny at nalulungkot ako ay dumating sya para mapasaya ako. Tingin nyo coincidence lang ba ito o fate? But you know, there's a fine line between the two. Grabe ka-wild yung imagination ko.
"Alliah?" Putol niya sa pag-iisip ko.
"Ah. Hehe. Sori. May iniisip lang ako." Paliwanag ko. "Uwi na tayo. May klase pa bukas."
"Ay. Sayang naman. Andali ng oras. Gusto ko pa sanang makasama ka." Panghihinayang ni Jake.
"Corny mo. Alis na nga tayo."
Habang papauwi kami, hindi pa rin natapos ang kulitan at kuwentuhan. Kulang nalang gumawa sya ng libro ng jokes at stories. Minsan nga napapatanga ako sa mga sinasabi nya kapag naging serious sya. Puno kasi ito ng maturity at sense. Kung di ko lang alam na may gusto sya sa kin o nagkagirlfrend na pala sya ay iisipin kong bading sya. Sweet at sensitive rin kasi siya. Kahit ilang beses pa lang kaming nagkasarilinan ay parang kilalang-kilala ko na sya.
Nang makarating na kami sa tapat nang bahay namin ay nagtanong ako sa kanya."Oo nga pala. Jake, pupunta ka ba sa party ni Johnny? I bet imbitado lahat kayo na kateammates nya." Tanong ko sa kanya.
Tumango siya. "Oo. Ikaw, pupunta ka ba?" Balik-tanong naman nya sakin.
Naging tahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko especially na hindi kami in good terms ngayon ni Johnny. Naglalaro sa isipan ko kung ano ang gagawin. Nakagat ko ang labi ko sa desperasyon. Wala. Wala talaga.
"Gusto mo sabay na tayo?" Bungad nya sakin. Tiningnan ko sya nang may pag-aalala. "Alam kong nagdadalawang isip kang pumunta dahil sa sitwasyon nyo ngayon. So, i'll just come with you then. Ako ang magiging cheerleader mo. Okay? Pampalakas-loob kumbaga. At wala kang dapat ikatakot, sa closeness niyo ni Johnny, walang ni isang katiting na di pagkakaunawaan ang makakasira ng ganyan ganyan lang sa relasyon nyong magbespren. Just like getting married, til death do you part ang peg."
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Teen FictionThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...