Chapter 19

8 0 0
                                    

"Yang! Yang! Gising na! Naku namang bata ka. Gising na!" Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad ang mukha ni nanay.

"Ma naman. Sabado ngayon walang pasok." Reklamo ko tapos sabay takip ng mukha ko gamit ang unan.

"Hay naku. Kesyo Sabado eh di ka na gigising? Bata ka, nakalimot ka na ba?" Nagtaka ako. Tiningnan ko ulit siya. Nakapamewang na si nanay. Ano ba ang nakalimutan ko? Napaisip tuloy ako. Wala akong homework, project or lakad. Lakad?

"OMG! Ma anong oras na?" Napabalikwas ako mula sa kama ko. Dali-dali kong tiningnan ang orasan. Alas 5 na nang hapon at alas sais ang birthday party ni Johnny. "Ma, ba't ngayon mo lang ako ginising?" Nataranta na akong masyado.

"Naku. Ako pa ngayon ang sisisihin mo. Magmadali ka na diyan." Sumbat ni nanay.

Tama nga naman siya. Kinuha ko ang towel tapos tumakbo ako patungong banyo. Kahit na alam kong mali-late na ako, maigi pa rin akong naligo. Pagkatapos natagalan din ako sa pagpili nang susuotin. Hindi na ako bumili nang bago dahil meron pa naman akong magagandang damit na hindi ko pa naisusuot. Ang natipohan kong suotin ay iyong black Bench jeans skirt ko, black F21 tank top,sequenced Celine silver sleeveless blazer at yung black Converse highcut ko, lahat bili ni nanay. Proud din ako sa taste niya. Ang chic at cool. Now you know, kung bakit di ko pa nasusuot. Sobrang alam nyo na... show-off. Haha.

Nag-apply ako nang kaunting powder. Tapos naglagay din ako nang manipis na eyeliner at mascara. Then, konting blush on and tsaka baby pink na lipstick. Hindi rin naman ako ganun ka outdated when it comes to pampering myself. Si nanay ang sisihin nyo. Siya kasi ang nagbibigay nito sakin. Kesyo nagdadalaga na daw ako. Tsaka dealer din kaya yun ng Avon. Haha.

Nakalugay lang ang buhok ko na may konting curls sa tips kasi tingin ko mas cool. Yun lang. Nag-accessorize lang din ako ng kaunti. Hindi naman ako totally nagbabago.Gusto ko lang mapaghandaan ang pagbabagong dumating sa buhay ko. Time for a slight change, ika nga. Not entirely physical. Maganda na ako eh. ^_^ Just a bit of other things.

"Wow. Anganda mo anak." Napalingon ako sa dako nang nagsalita. Nakita ko si nanay at si tatay. Malalaki ang kanilang mga ngiti. "Hay naku! Ang bilis talaga ng panahon noh, sweetheart. Ang only girl natin dalaga na." Napaka-OA ata nang pagkasabi ni nanay nun. Ay hindi pala, napakacheesy nya. Haha.

"Thanks ma." Na-flatter din ako kahit corny nga lang dahil parents ko ang nag-compliment. Pano na kaya kung ibang tao? This is sort of a new look talaga. Pano na kaya pag nakita niya ako? Hindi ko ma-imagine ang reaction niya. I hope he'd like it.

"Like it? He'll definitely love it!" Nabigla ako. Napanganga. "Oh! Yang. Di dahil okay lang samin na independent ka eh dapat maging careless ka na rin. Dapat pag-isipan mong maigi before mo gagawin ha. At tsaka bawal ang alam mo na." Pinandilatan ako ni tatay.

Pinandilatan ko din siya. Ano ba naman tong parents ko authoritative nga pero kulit din. Kaso masaya din ako kasi hindi sila masyadong strikto. I can do what i want pero i also know my limits. Bigla akong natauhan.

"Teka lang. Nasabi ko ba iyon nang malakas?"

Napatawa nang sobra yung parents ko. Si tatay napailing na rin. Nahiya ako grabe. Akala ko iniisip ko lang, yun pala sinasabi ko na. Ano ba naman? Napakamot ako sa ulo. Gusto ko na tuloy'ng maglaho bigla. Tiningnan ko ang orasan. Alas sais na pala. Late na talaga ako. Kinuha ko ang phone ko at ang regalo ko sa birthday boy. It's definitely time. Late na nga eh.

"Bye ma. Bye pa."

Almost 7 pm na nung makarating ako kina Johnny. Andami na ngang tao. Dinig na dinig ko sa labas ang music at hiyawan. Kinabahan akong pumasok. In fairness, first time kong kabahan na pumasok sa kanila.

Pagpasok ko nang pinto, agad na napalingon ang ilan sa nandun. As expected. New look kasi. Nakakahiya man ay nagpatuloy ako sa pagpasok.

"Oh! Liyang, ba't late ka?" Sinalubong ako ng mama ni Johnny. So wala pa lang syang malay sa nangyari samin nung huli. Nakisabay na lang ako. Buti na lang din para hindi awkward.

"Hi, Auntie. Sorry. Nagka-insomnia na naman kasi ako kaya tagal kong nakatulog kagabi ta's late na akong nagising ni mama." Todo paliwanag din naman ako. Totoo naman din. Minsa'y inaatake ako ng insomnia. " San na po ba so bespren?"

"Si Johnny? Andun sa backyard kasama nung mga kaibigan nyo. Sige punta ka na dun. You're missing the party." Nginitian ko na lang sya. Ano kaya kung yung mga parents namin hindi ganito ka-cool? Wala sigurong fun vibes sa buhay namin.

"Thanks po Auntie."

Bale-wala na sakin ang maglakad sa crowd. Kahit na marami ngang na-amaze sa look ko. Dinig na dinig ko nga ang bulungan nila. So far, so good.

"Wow! I never thought ganyan sya kacool."

"Si Alliah ba yan?"

"OMG! Love her get up."

"Nice!"

Kulang na lang ay matisod ako at sumalampak sa sahig na mauna ang mukha para lang may masabi silang hindi maganda. Buti na lang hindi nangyari yun. Ewan ko lang ba kung bakit parang ang slow motion ko, eh antagal kong nakarating sa backyard noh. Malaki nga ang bahay nina Johnny pero OA naman sa tagal kong nakarating sa backyard. God! Pwede na bang lumipad na lang ako. Nakakahiya na talaga.

Tapos kita ko na ang backyard. 'Sa wakas!' Nasabi ko sa sarili. Huminto muna ako at hinanap si Johnny. Nakita ko sya kasama ang teammates niya. Nakatalikod nga lang sya sa kin. Lumakad ako patungo sa grupo nila. Hindi ko maiwasan ang matawa sa isip ko kasi yung ibang teammates niya ay napanganga bigla nung nakita ako.

"Bespren!" Tawag ko kay Johnny. Lumingon siya. Hindi ko maiwasan ang mapangiti base sa reaksyon nang huli. Alam kong nagulat sya. Nang tumapat na ako sa kanya. "Bespren. Happy Birthday!" Inabot ko ang regalo ko sa kanya.

Halatang hindi pa rin mawala ang gulat sa mukha ni Johnny. Kinuha niya ang regalo at napakamot siya sa ulo. "B-besp-pren... Tha-thank y-you!" Pautal-utal na sabi niya.

"Hoy, pare! Pakilala mo naman kami. Hi Alliah. Ako nga pala si Paul. Team Captain." Sabay abot sa kamay niya.

"Hi. I'm Chris."

"Nick."

"Harold."

"Kyle."

"Hi sa inyong lahat. Ako nga pala si Alliah, bespren ni Johnny." Masiglang bati ko. Sobrang flattered na ako sa attention na ibinibigay ng mga lalaking ito. Ganito pala ang feeling kung nasa sa iyo ang spotlight. Nakaka-pressure. Kaya ayaw kong mag-artista. Nakakastress. Feelers.

"Bespren. Buksan mo na yang gift ko. Sige na." Pangungulit ko sa kanya. Sinundan din ako ng mga nasa grupo namin. Wala din siyang nagawa.

"Wow. Nice!" Nakakaaliw siyang tingnan nung binuksan niya ang bag. Kinuha nya yung red shirt. Maganda talaga kasi hindi lang naman yun plain red shirt. Nagpaint ako dun ng caricature naming dalawa tapos may tag na 'BESPREN'. Ay! Oo nga pala di ko nasabi. Marunong akong mag-draw at magpaint. ^_^

Tapos sinunod niyang kunin yung perfume. Sininghot niya at natawa ako kasi tingin ko nagustuhan niya. "Bespren. The best tong gift mo ngayon. Salamat!"

"Syempre basta ikaw. Pero tinulungan ako ni Jake sa pagpili nang scent nyang perfume. And speaking of the devil, wala pa ba sya bespren?" Pagtatanong ko sabay lingu-lingo para hanapin sya. Biglang natahimik ang grupo nila.

"Eh! Liyang..."

A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon