Sa buong maghapon, pumunta kami sa Timezone at naglaro. Ang galing nya sa arcade, dance revo at yung pagkuha ng stuffed toys. May isang buong plastic bag nga ako nun eh. Nakakatuwa din syang kasama dahil hindi nawawalan ng kuwento at jokes. Walang bore moment pag kasama sya.
"Alliah. Picture naman tayo oh. Kahit isa lang. You know, remembrance sa araw na to." Kitang-kita ko ang sinseridad sa pagsusumamo niya. Parang hindi ko sya mahindian. May iba kasi syang karisma na hindi ko ma-explain.
"Di ka rin sentimental noh. Okay. Pero isa lang ha." Hinapit niya ako palapit sa kanya. Inakbayan pa nga nya ako. Pero binale-wala ko na lang. Nakatutok kami sa cam ng cp nya.
"Say cheese." Sambit nya. Nakisabay naman ako. Pagkatapos masigurado na captured na, tiningnan nya ang picture. "Wow. It looks nice. Tingnan mo." Sabi nya sabay pakita sa kuha naming photo.
He was right. Anganda ng kalabasan ng kuha. Natural na natural. Siyempre good looking naman kasi siya pero yung sakin siguro dahil magand yung cam nang cp niya. Para nga kaming magkasintahan. Flattered naman ako.
Tiningnan ko ang relos ko at nakasaad dun na alas sais na nang hapon. Nawili ata kami sa kalalaro, hindi ko na nga namalayan ang oras.
"Ahmmm...Shocks! Late na. Kailangan ko nang umuwi." Sabi ko sa ka-date ko.
"Oo nga. Alas sais na pala. Grabe di ko na namalayan. Sorry ha. Ginabi ka na tuloy. Hatid na kita. Okay lang ba? Magta-taxi tayo." Offer nya sakin.
"Ihahatid mo ako?" Nagdalawang-isip ako na tanggapin yun. "Sige na nga. Libre pa sa pamasahe at mas makakapagpahinga pa ako." Nag-segway na lang ako.
Hindi na rin ako nagsisi na tinanggap ko ang offer nya. Mas madali ang biyahe at hindi ako napagod.
"Salamat ha. I had fun. Thanks sa tulong at sa lunch. At tsaka dito sa mga stuffed toys at bring home." Nakangising sabi ko sa kanya. Hindi yun pakitang tao lang. Nag-enjoy talaga akong kasama siya.
"It's really my genuine pleasure to make you happy. Thanks din sa pag-accept sa panliligaw ko. Sana masundan pa tong date natin."
"Okay lang. Pag may free time, why not!" Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. I've realized na he's nice. Masarap siyang kasama at i think giving him a chance would be a nice try.
"Talaga!? Whoa. Ang swerte ko yata ngayong araw na to. Thanks Alliah. Sige alis na'ko . Enjoy your evening." Pa-pitu-pito pa syang umalis. Tawang-tawa ako sa mga kinikilos nya. Ganito pala ang feeling ng may manliligaw at may magkakagusto sayo. Hindi ko mapigilang mapangiti. Panu kung sabihin ko kay bespren ang tunay na nararamdaman ko, matutuwa rin kaya siya?
Nung pumasok na ako sa bahay, nakita kong naghahapunan na ang family ko. Magkasabay na natuon ang pansin nila sa 'kin.
"Hello Ma. Pa." Bati ko sa kanila. Tapos sunod sa mga kapatid ko. "Sori nalate ako ng uwi." Buti hindi naman nagalit ang mga parents ko.
"Oo nga pala Yang. Pumunta dito kanina si Johnny. Eh akala namin madali ka lang dun kaya yun din sabi namin sa kanya. Kaya naghintay siya buong araw. Tawagan mo yung bespren mong yun. Kawawang bata." Paalala nang mama ko before ako pumasok sa kwarto namin.
"Opo ma. Thanks." Bigla tuloy akong nag-alala. Pero wala naman kaming pinagkasunduang lakad eh. Ito namang cp ko kasi kung bakit ay naka-silent pa. Nung tiningnan ko ang cp ko, nakita ko sa screen nakaregister ang 10 missed calls puro kay Johnny. Mas lalo akong kinabahan. Baka nagtampo sakin yun.
Tinawagan ko ang number nya. Can not be reached. Di-nial ko na naman. Out of coverage area. Lalo akong naging balisa. Di-nial ko na naman. Buti't nagri-ring na. Pero wala pa ring sumasagot. Kinontak ko ulit, nagri-ring na naman. Sa wakas, sinagot na nya.
"Hello. Johnny? Sori ha. Nadisturbo ba kita? Sabi ni mama, andito ka daw kanina. Sori hindi kita natext na may lakad ako at di ko na-answer yung calls mo. Silent kasi phone ko." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang mabalisa. Hindi man lang umimik si Johnny. Ang alam ko lang ay nasa kabilang linya sya at nananahimik.
"Bespren, nagtatampo ka ba saken?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Okay lang ako. "Mahinang tugon nya. Parang wala man lang kabuhay-buhay yung sinabi niya. Nabahala na tuloy ako.
"Sure bespren? Parang hindi eh." Paninigurado ko sa kanya.
"Oo nga. Kaw talaga. Di nga ako nagtatampo. Di lang maganda ang pakiramdam ko. May sinat ata ako eh." Sabi niya.
"May sakit ka? Eh ba't nagpunta ka pa sa'min. Nagpahinga ka na lang sana. Ano? Nakainom ka na ba nang gamot? Nakuha mu na ba yung temperature mo? Johnny? Johnny?" Hindi na talaga ako mapakali. Hindi ko maiwasang mag-alala ng masyado sa kanya.
"Opo nay. Okay na nga ako. Konting tulog at pahinga lang. Huwag ka ngang mag-panic dyan. Okay?" Biglang naging pilit na masigla ang boses ni Johnny. Kahit ipagkaila nya, alam kong iritado sya ngayun. Hindi ko naman siya ma-blame eh. Ikaw ba naman ang maghintay sa wala. Pero napakababaw naman ng reason kung magagalit sya nang ganun ganun na lang. May acceptable reason naman ako.
"Bahala ka na nga. Okay na kung okay. Katawan mo naman yan. Ikaw ang mas nakakaalam. Sige baka naaabala na kitang masyado. Magpahinga ka na lang. Good night." Sabi ko sa kanya na hindi tinatago ang pagkairita ko rin. Hindi man lang nya naaappreciate yung concern ko. Eh di bahala siya.
Pagkatapos nun ay hindi na ulit kami nagkausap ni Johnny. Kahit nga nung pumasok kami nung Lunes, hindi kami nagkibuan. Marami ang nakahalata pero walang sinuman ang naglakas-loob na mang-intriga. It was somehow weird for them na hindi kami nag-uusap. Kasi sa closeness namin kulang na lang magkapalit na kami ng mukha. Kaya naninibago talaga halos lahat ng klasmeyts namin sa sitwasyon.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Novela JuvenilThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...