Chapter 9

7 0 0
                                    

Sa buong biyahe patungong Enchanted Kingdom, silang dalawa ay nagkakasiyahang magkuwentuhan. Nag-usap sila tungkol sa school umabot sa government, sa national disaster, sa Science, sa cooking, sa ibang bansa at sa adventure. Para na nga akong na OP sa closeness nila. Kaya kinuha ko na lang ang phone ko at nakinig ng music. Namili ako ng song, yung kay Juris ng MYMP, 'Say that you love me'. I was in a trance listening to it. Tinamaan ako sa song.

Don't you know that i want to be more than just your friend....

And if you'd only say you love me baby,

Things would really work out fine...

Pabalik-balik lang sa isip ko ang mga katagang yun. Love? Sabi nila masarap ang mainlove. Para ka daw lumilipad sa himpapawid na hindi nakasakay sa eroplano. Pero bakit may mga taong nasasaktan at umiiyak dahil sa sinasabi nilang love? Yung iba nga nakakagawa ng di maganda dahil sa love. Pero sabi ng mga so-called love expert, kabaliwan daw yun at hindi love. So, pano ba nakakasigurado ang isang tao na love yung nafi-feel nya? Sometimes, love is overrated daw by people. Hindi ibig sabihin na dahil sobrang attracted ka sa isang tao ay love na yun. Kaya nga daw may tinatawag tayo na brain. Para mag-isip. But love is complex. Para kang nagso-solve ng isang never been answered na algorithmic equation. Ni simpleng quadratic equation nga minsan mahirap sagutin yun pa kayang complicated na. Nakakasakit ng ulo.

"Andito na tayo!" Sigaw ni Shane. Naputol tuloy ang pagmuni-muni ko. Naunang lumabas ang bff ko ta's sumunod na kami ni Jake. Hindi masyadong marami ang mga tao dun sa lugar kasi school at working day. Buti na lang. Di masyadong crowded.

"Wait lang girls ha." Pumunta si Jake sa may entrance booth. Nakita naming binigyan sya nang tatlong bracelets ng cashier. Hindi pala talaga sya nagbibiro sa ride-all-you-can treat nya. Excited na din ako. Minsan na akong nakapunta sa Enchanted Kingdom pero it was like years ago. Di ko na matandaan masyado kung ano ang mga pinaggagawa namin nun.

"Bff, pwede bang akin nalang yang fafa mo? Kung ako lang siguro ang yayayain nyang lumabas, kasal agad ang isasagot ko. Ang swerte, swerte mo." Bulong na sabi ni Shane. Kinurot ko sya sa tagiliran. Napaigtad naman syang bigla. Sa sobrang sakit siguro kaya nya ako naitulak nang di sinasadya. Tuloy nawalan ako ng balanse, papatumba na ako nang may sumalo sakin.

Pag-angat ko ng mukha, nakita ko si Jake. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil ilang pulgada lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko. Nararamdaman ko ang init ng hininga nya sa pisngi ko. Biglang tumayo ang aking mga balahibo. Di ko rin namalayan na nakayakap na sya sakin. Nag-iwas ako ng tingin dahil baka tuluyan na akong himatayin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"S-sorry." Pagpapaumanhin ko sa kanya subalit hindi ako nakatingin.

"It's okay. Nasaktan ka ba?"

"Hindi naman. Sinalo mo ako eh. Thanks ha." Iwinaksi ko ang pagkailang. Ayaw kong masira ang araw na yun. Dapat mag-enjoy kami.

"No problem. Sige, pasok na tayo. Alin ang gusto nyong unahin?" Pag-uusisa nya.

"Ikaw ang bahala. Ikaw ang masusunod sa araw na ito. Isipin mo na lang na mga turista kami at ikaw ang tourist guide. So sir, ano po ba ang magandang sakyan dito?" Pag-jo-joke ko. Tumawa kaming lahat.

"Deal. Sige girls. Fall in line and follow me. Dun tayo sa Anchors Away mauna. You'll surely enjoy it." Sabik na pasimula nya. Namangha kami sa galing nyang mag-entertain. Nag-ala tour guide talaga sya. Ini-explain nya ang history ng lugar, kung ano ang origin ng mga rides at iba pa. Iisipin mong siya ang may-ari o gumawa sa lugar.

Nang makapunta na kami sa first ride, before kami tumuloy, may inilabas sya mula sa bag na dala-dala nya. Iyon pala, lalagyan ito ng DSLR na dala nya.

"Para kang boy scout ano? Laging handa. May dala ka talagang camera. Baka may snacks ka rin jan?" Pagbibiro ni bff.

"Hala. Nagugutom ka na? Eh wala akong snacks na dala. Wait lang, ibibili muna kita ha." Paalis na sana sya.

"Di ka naman mabiro. Joke lang yun."

"Hehe. Joke lang ba? Pero really, gutom ka na ba? Ikaw Alliah? Sabihin nyo lang, pwede namang kumain muna tayo bago sumakay sa rides." Pag-i-insist nya.

"Hindi pa kami nagugutom. Di ba Alliah?" Tumango naman ako.

"Okay. Ladies, right after you." Para syang butler kung umasta. Naka-courtsy. Gentleman na gentleman. Kulang nalang tuxedo at necktie.

Hindi kami mahinto sa kakasigaw habang nakasakay. Lahat kami ay masayang-masaya at giliw na giliw sa mga sinakyan namin. Hindi naman nagpapahuli si Jake sa pagkukuha ng pictures. Pose lang kami ng pose ni Shane.

"Ikaw naman Jake. Halika. Akin na yang camera at tabi ka dito kay Alliah." Tumakbo si Shane sa direksyon ni Jake. Hinablot ang camera at pinagtutulakan ang huli. Nahihiya man sya ay sinunod din niya ang gusto ng bff ko. Magkatabi na kming dalawa pero walang imikan. "Ano ba naman yan? Usog ka pa Jake nang konti sa kanan. Sige na lapit pa." Pag-uutos ni Shane.

Uusog na hindi ang ginawa ni Jake. Parang nairita na si Shane kaya siya na mismo ang lumapit at pinagdikit niya kaming dalawa." Ganyan ang tinutukoy kong lapit."

Bumalik na sya sa pwesto nya at itinutok ang camera sa amin. Binale wala ko na lang ang disposisyon namin. Patay malisya kumbaga. Kumuha nang kumuha ng pictures si Shane.

"Hmmm... parang may kulang ata eh." Nakakunot-noo syang nag-iisip. "Ay! Oo nga. Jake, akbayan mo si Alliah. Dali!"

"Ano!?" Sabay kaming napareact ni Jake.

"Oi. Sabay pa talaga kayo ha. Sabi ko akbay. AKBAY. Yung ipapatung mo yung isang kamay mo sa likod at sa balikat ni Alliah. Ganun!" Kampante na pagpapaliwanag ni Shane. Parang ang easy lang sa kanyang sabihin. Kung sya na lang kaya ang dumito sa posisyon ko at ako ang kumuha ng picture. Mas mabuti pa siguro yun.

"Ah. Alliah. Okay lang ba?" Tiningnan ko si Jake. Nakakamot sa ulo. Hindi naman sa ayaw ko pero nakakahiya kaya. Pero wala akong magawa sa kapritso ng bff ko. At tsaka ano bang masama sa akbay? Hindi naman yun nakamamatay.

"Eto naman akbay lang yan. Walang problema." Ako na mismo ang kumuha sa kamay nya at naglagay nito sa balikat ko. Ramdam kong bigla syang nagulat pero binale-wala ko na lang. Again, patay-malisya na lang kaming dalawa.

"Yan. Okay. One...two...three... say cheese." At kinuha na nya ang picture. Pagkatapos, dali-daling tinanggal na ni Jake ang kamay niya sa balikat ko. Kahit papaano hindi sya naging oportunista. Mas lalo tuloy akong humanga sa kanya.

A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon