Chapter 8

5 0 0
                                    

"Alliah. Alliah. Wait!" Tawag sa kin ng isang pamilyar na boses. Nang lumingon ako nakita ko si Jake patakbong papalapit samin. Muntik na syang matisod buti na lang maiglap yung reflexes nya.

"Oh Jake! "Sabi ko sa kanya. "Mag-ingat ka naman."

Ngumisi lang siya. Parang wala yatang kinatatakutan tong lalaking to. Matumba, matisod, mabangga o kahit siguro mamatay, ngingisi lang sya.

"Okay lang naman ako. Mabilis ata to." Pagmamalaki nya. Napailing na lang ako. "Alliah labas naman tayo bukas. I heard na wala daw klase bukas eh. Ngayon lang inannounce."

"Talaga? Hmmm... bukas?" Nag-isip ako kung meron ba akong pre-engagement pero wala. Wala namang project o homework kaya pwede siguro.

"Ehemmm..."Sabat ng bff ko. Muntik ko nang makalimutan na andun pala sya. Bigla akong nataranta.

"Ay! Bff ko nga pala Jake. Si..."

"Shane, right? Nice to meet you!" Putol nya sa introductions ko. Inilahad nya ang kanyang kamay. Napanganga kaming dalawa ni Shane. Nagkatinginan.

"Hala! Kilala mo ko?" Gulat na tanong ni Shane.

"Oo nga. Kilala mo pala sya?" Sabat ko din.

"Syempre naman. Palagi kang naikukuwento ni Alliah. Ba't naman di kita makikilala. Unless hindi kaw yung bestfriend forever niya." Sagot nya kay Shane. Ay! Tanga si ako. Nakalimutan ko na naikuwento ko nga sya.

"Nagulat ka pa! Ikaw pala tong nagsabi." Panunumbat nya sakin. Tiningnan ko lang sya at nag-peace sign. Pinandilatan lang nya ako at piningot ang tenga ko. Aray! Ansakit.

"Haha. Ang cute nyong dalawa. So ano Alliah, game ka ba?" Pagtatanong nya ulit sakin. "Sama ka rin Shane, group date tayo. Friendly date lang ba! Treat ko."

Napatalon sa saya si Shane. Ngising-ngisi ang loka. Hindi na rin ako tumanggi. Pupunta daw kami sa Enchanted Kingdom sabi ni Jake. Libre nya. Ride all you can. Tapos nun nagpaalam na sya.

"Alam mo bff,ang swerte mo. May bespren ka na, may manliligaw ka pa. Dalawa sa pinakagwapo at sikat sa skul. Grabe!" Masuwerte nga ako. May bespren akong nagugustuhan ko pero hindi ko alam kung gusto din niya ako. May manliligaw din ako na gustong-gusto ako pero hindi ko alam kung gusto ko rin siya. Hay! Buhay.

Kung sa totohanan lang, magaan ang loob ko sa dalawa. Pareho silang mahalaga sakin. Kung siguro hindi ako na-inlove sa bespren ko ay sasagutin kong sigurado si Jake. Pero ayaw ko naman masaktan ang huli kung darating ang panahon na tatanungin nya ako. Ang alam ko napamahal na sya sakin bilang kaibigan. Kahit hindi pa matagal nung nagkakilala na kami, feeling ko habambuhay ko na syang kilala. Kung sana dalawa ang puso ko baka pwede pa silang dalawa na lang.

"Hoy! Bff. Siguro'y dapat patingin ka na sa doctor,parang every now and then nabibingi ka ata eh." Putol nya sa pag-iisip ko. Inungusan ko na lang sya. Ang kulit talaga nitong si Shane.

Kinabukasan, nagkita kaming dalawa sa skul. Sabi ni Jake mas maganda kung dito na nya kami susunduin. Nang bigla nalang na may Ford Expedition na huminto sa harap namin. Curious na napatingin ako kay Shane. Biglang nagbukas ang bintana ng kotse at lumantad ang nakangiting mukha ni Jake. Nagulat kami.

"Hello girls! Come. Get in." Sabi nya.

"W-wow! Ikaw ang magda-drive?" Gulat na sabi ni Shane.

"Jake the Driver at your service, ma'am." Biro naman ni Jake. Hindi namin napigilang tumawa. "Get in. Di dapat tayo magsayang ng oras."

Napakasarap ng feeling nang sinusundo ka. Namangha kami sa kalinisan sa loob ng kotse. Halatang bagong bili nga ito. Sa likod sumakay si Shane at ako naman sa tabi ni Jake. Dun kasi ko pinilit na paupuin nung una.

"Wow! Bongga mo friend. Dekotse ka na. Ta's bago pa tong car mo. Ang cool." Parang bata kung humanga si Shane. Palundag-lundag pa sya sa inuupuan niya na tila sini-savor nyang masyado ang moment. Napangiti na lang kami ni Jake.

"Thanks. Birthday gift nang parents ko to kaso di ko lang nagamit kasi hinihintay ko pang makuha yung lisensya ko."

"Teka lang. Lisensya? Pwede ka na bang kumuha nun eh, underage ka diba? Baka you mean Student's permit. No offense meant." May point din naman si Shane. Baka na-overwhelm lang si Jake kaya akala nya license yung kinuha nya.

"None taken." Sabi ni Jake. "Cos honestly i'm not a minor anymore." Napanganga kami sa sinabi niya. Akala namin kaedad lang namin sya, yun pala mas matanda pa sya samin. Pero, in fairness, di halata sa mukha nya. At dun ko lang narealize kung bakit sya matured kung mag-isip.

"Yeah guys. Believe it or not, i just had my 18th birthday this month. So technically, kuya na ninyu ako." Nakangising sabi ni Jake. Kuya!? Talaga lang ha. Bigla ko tuloy naalala ang japanese movie na " Boku wa Imouto no Koi wo Suru". Kaso hindi kami magkapatid by blood at hindi kami twins. Pero mahal daw nya ako. Ay! Gusto lang pala.

"But pano nangyari yun? Eh sa tagal nating naging schoolmate, ba't di namin alam na mas matanda ka pa pala samin?" Tanong ko sa kanya. Patangu-tango naman si Shane.

"Well, nung elementary pa ako, madalas akong magkasakit kaya palagi akong absent. Kaya mas minabuti na lang ng parents ko na magstop nalang ako at magpahinga muna. Then, it took me two years to be fully healthy and go back to school. And nag-request ang parents ko na maging confidential yung age ko para at least di ako mailang. Pero may iilan din naman akong sinabihan nang katotohanan. Including you two." Kuwento niya. Walang bakas ng pagsisisi o panghihinayang sa boses nya.

"Sayang, ano? College ka na sana ngayun. Syanga pala, hindi naman sa nangingialam ako ha, ano ba yung naging sakit mo?" Pagtatanong ni Shane.

"Okay lang." Sabi ni Jake. "Sabi nila mahina lang daw talaga yung immune system ko dahil kulang ako sa breastfeed kaya ayun naging boy masakitin ako. But i never regretted what happened to me. Dahil kung hindi sa sakit ko, i would've never met you guys." At tumingin sya samin. Rather sakin. Muntik na akong matunaw sa mga titig nya. They were sparkling.

"Sure ka ba? O baka si Alliah lang ang ibig mong sabihin." Kantyaw ni Shane. Ta's humagikhik sya.

"B.F.F!" Inirapan ko sya. Bigla akong napatingin sa taong nasa tabi ko. Hindi ko mapigilang mag-blush. "Pasensya ka na sa kanya." Ngumingiti lang sya na tila nagsasabing okay lang daw.

"Hehe. Guilty as charged."

"Yun oh! Case dismissed." Sabat ni Shane. Kilig na kilig na kilig naman sya. Napailing na lang ako. Parehung-pareho kung mag-isip ang dalawa. Ika nga nila their brains are on the same wavelengths. Kaya di malayong madali silang nagkapalagayan ng loob.

A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon