Chapter 20

10 0 0
                                    

"Bff!" Dinig kong tawag ni Shane, ang best girlfriend forever ko. Tumatakbo sya palapit sa amin. Hindi ko lang alam kong bakit pero parang iba ang aura nang bff ko ngayon. Halos abot likod na nang ulo ang ngiti niya. Nang....

"What the... b-f-f!...."

Natisod sya sa isa sa mga peebles sa garden. Kasi naka-cigarette heels ang gaga. Pero infairness she pulled it off, iyon nga lang baka magka-black eye na sya ngayon kasi siguradong sagalpak sya sa peeble pathway nina Johnny. Teka muna balik sa bff ko.

"Ahhh!" Napikit ko ang mga mata ko dahil hindi ko kayang makita ang pangyayari. Naghintay ako nang tunog nang babaeng naka-high heels na bumagsak sa batuhan. Nagtaka naman ako kung bakit walang ni isa mang tunog nang bagsak o nang lukaret na nadapa. Dinilat ko ang mga mata ko. Yun pala, eh nasalo siya ng isang Knight-in-shining-armor. Si Paul. Yung team captain nina Johnny.

Wow ha! Para akong nanunuod nang romance movie nito. Too cliche nga. Yun bang si boy nasave si girl tapos nagkatinginan, nagkatitigan at tsaka...

"Ehem! BFF! Sa susunod ha ingat naman." Basag ko sa KATAHIMIKAN. Biglang natauhan ang dalawa. Lumayo si Paul at inayos ni Shane ang sarili. Napahagikhik ako kasi masyadong halata ang pamumula ni Shane. Magkaka-lovelife na din siguro tong bff ko.

"Okay ka lang ba Miss?" Tanong ni Paul kay Shane. Hindi masyadong halata ang pagpi-flirt ng una. Hindi talaga masyado. Naku! Playboy pa naman ito. Delikado.

"Ahhh. O-oo n-na-man. T-hank y-you!" Naku eto pang isa. Delikado-delikado.

"Bespren. Usap tayo mamaya ha." Bulong ko kay Johnny tapos sabay kaladkad kay Shane. Kailangan ko munang mailayo ang bff ko parang tuluyan nang nakulam ng charms nang badboy.

"BFF. Hinay-hinay naman. Bakit mo ba akong biglang kinaladkad? Killjoy ka naman. Nakakausap ko na sana si Paul. Spoiler mo talaga." Panunumbat ni Shane. Hala tong lukaret ginanahan talaga.

"Eh! Badboy kaya yun. Akala ko ba may James ka na. Ikaw talaga. " Rebuttal ko sa kanya.

"James. Yung sobrang cute na Mr. Nice Guy. Syempre. He's mine and only mine." Naku tong bff ko nangtwo-two time talaga. "Pero pwede rin bang akin na lang din si Papa Paul?" Napailing na lang ako sa kanya. Don't take it the wrong way. Grabe lang talagang mangarap ang bff ko.

"By the way, bff, i like your look." Sabi niya. Napangiti na lang ako. Nagcompliment din ako sa look niya. Iyon pala nagtry din sya nang new look. It turns out na parang nagkavibes kaming dalawa coincidentally. Mag-bffs nga talaga kami. Napasarap din kami sa pag-uusap. Kailan pa ba hindi. Every now and then may nag-aaproach sa amin na mga boys and especially girls as well. Sobrang attention nga. Then, tumunog ang phone ko. Message from Johnny. A reply.

Bespren. Andito ako study room. We can talk now. :-) i miss u too.

Napangiti ako. Mas lalo akong sumaya. Dali-dali akong nagpaalam kay Shane. Tumakbo ako patungong study room which was on the second floor sa bahay nila. Excited na talaga ako. Huminto ako sa harap ng pintuan at huminga nang malalim. Ngumiti ako tapos binuksan ang pinto. Bumungad ang nakangiting Johnny. Hindi ko na napigilan ng sarili ko. Napatakbo ako at napayakap sa kanya.

Nagising ako nang biglang may tila nag-po-poke sa pisngi ko. Dumilat ako at nakita ko si Jake. Nakangisi. "Hello." Mahinang sabi nito. Bigla akong napaluha at niyakap siya. Ramdam kong nagulat din sya. It took him a couple of seconds to respond to my embrace.

"Alliah. I need to breathe. Sinasakal mo na ako." Tangkang pag-jo-joke ni Jake. Hindi naman ako natawa. Naka-confine siya ngayon sa ospital kaya pala hindi siya nakapunta sa birthday ni Johnny. Nang malaman ko iyon ay nagmadali akong pumunta agad dito. Naintindihan naman ni Johnny kung bakit ako aalis.

Tiningnan ko lang sya nang maigi. Kung nakamamatay lang ang tingin, sa morgue na siguro siya pinulot. Sobra akong natakot na hindi ko malaman kung ano ang gagawin.

"Alliah? Ayan ka na naman. Hindi ka na naman nagsasalita. Hindi ka na cute oh." Pag-jo-joke na naman niya. Pero epic fail. Hindi pa rin ako natawa. Alam kong halata ang inis at galit ko sa kanya. Nakagat ko na lang ang ilalim na labi ko sa inis sa kanya. Kung may super laser vision lang ako , matagal nang lasog-lasog ang katawan ni Jake.

Nakita ko siyang sumuko at yumuko ang ulo niya. "S-sorry."

"Sorry. Sorry lang ba ang masasabi after all this? Kailangan bang malaman ko pa to sa mga teammates mo? Ba't di mo man lang ako tinawagan? Kahit ni isang text wala man lang. Kahit reply dun sa text ko kagabi. Wala.Ano ba naman Jake! Gusto mo ba akong mabaliw sa pag-aalala sayo?" Bulyaw ko sa kanya. Hindi ko napigilan na ipakita kung gaano ako nainis. Balewala na sakin kung madinig ako nang iba sa labas. Inis lang talaga ako sa loko.

"Eh balak ko naman talaga Alliah. Kaso... kaso..." Pagpapaliwanag ni Jake.

"Kaso ano Jake? That'd better be a reasonable reason dahil kung hindi... naku!" Kulang na lang sakalin ko siya sa inis.

"Eh ayaw ko naman na mamiss mo yung party ni Johnny kaya hindi na lang kita tinext. Pero sasabihan naman talaga kita ngayon. Pagkatapos na pagkatapos nang party." Pangungumbinsi ni Jake. Alam kong natakot din siya ngunit hindi dahil sa pagbabanta ko kundi dahil nagalit na talaga ako.

"Mamiss ang party? Ano ba yan? Yan lang ang rason mo? I've been celebrating my bestfriend's party all my life. Hindi niya ikakasama kung for once absent ako dun. My God with you Jake. Johnny is your friend. He will understand." Patuloy na pambubulyaw ko sa kanya. Para na tuloy akong inang nanenermon ng anak.

"Alam mo bang halos paliparin ko na ang taxi na sinakyan ko para lang makarating agad dito. Muntik na akong mabaliw dahil sayo. Pano kung nabaliw nga ako? Anong gagawin mo? Ha! Ano Jake?"

"S-sorry na talaga Alliah. Overfatigue lang naman ito eh. Sorry na talaga." Nakayuko pa rin ang gago.

"Sorry? Enough with your sorry. Overfatigue? Nila-lang mo lang ang overatigue? Naku. Gusto na talaga kitang sakalin habang natutulog ka. Gusto na talaga kitang tadyakan diyan alam mo ba? Kung hindi lang kita mahal naku, nakaharap ka na kay San Pedro ngayon." Napanganga ako sa sinabi ko. Natutup ko na lang din yung bibig ko.

A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon