"Kasi ganito yun." Nagsimula ako sa mall, ang pagkikita namin ni Jake at yung panliligaw thingy,then yung kay Johnny, then yung kahapon sa playground after syang umalis and then yung sa park kung san kinunan yung picture. "At yun nga, naging close na kami pero hindi kami magboyfriend noh? Nanliligaw pa lang sya sakin. At hanggang dun lang."
"Ba't hanggang dun lang? Ayaw mo ba sa kanya? Bagay naman kayu ah. At tsaka mabait din naman sya. Anu ka ba man bff, palalagpasin mo pa ba yan?" Nagtaka tuloy ako sa kanya. Kanina tampong-tampo siya na hindi ko sinabihan pero ngayon naman sya pa tong parang gustong-gusto ang nangyari. Hay naku naman tong bff ko.
"Aywan ko sayo bff. Kanina may patampo-tampo ka pa pero ikaw pa pala tong atat maging kami."
"Eh kasi naman po, ikaw ba naman ang paglihiman ng bff mo, di ka ba magagalit? At tsaka sayang noh. Grasya na yang lumalapit sayo, magiging bato pa?" Sarkastikong sabi niya. Pangaralan ba naman ako. "Pero ang totoo lang Alliah, ayaw mo ba sa kanya? Dahil kung ganun nga, i-reto mo na lang kami. Buong-puso ko syang tatanggapin." Sabi nya sabay yakap sa sarili. Pangisi-ngising nag-iilusyon ang loka-loka.
"Kidding aside bff, hindi naman sa ayaw ko sa kanya. In fact, i like him na nga. Kasi mabait sya, gentleman, sweet at mature kung mag-isip. Parang full-packaged na nga eh. Kaso hindi ko masasabing, you know, he's the one. Hindi pa ganun ka-intense yung nafi-feel ko para sa kanya. Unlike yung kay... alam mo na."
"Yung kay Johnny?! Yung para kang mababaliw pag di mo sya nakita. Halos sya na lang ang iniisip mo araw at gabi. Na sya lang ang gusto mong makasama palagi. Ganun?" Para akong paulit-ulit na tinamaan ng trident ni Poseidon. Wow! Ang tindi. Parang may iba ata syang ibig sabihin sa sinabi niya.
"Eh. Panu si bespren mo? Ganyan din ba ang nararamdaman niya para sayo?" Last blow ng trident. Para akong nalatang gulay sa tinanong nya. Hindi ko nga alam ang sagot. Ilang beses ko nang tinanong yan sa sarili ko pero wala akong kaide-ideya. Nanahimik nalang ako.
"Sorry bff ha. I didn't mean to embarrass you. Kaso ayaw ko lang na makita na parati ka na lang umaasa sa wala. Hindi ko din sinasabi na mali yang pagkagusto mo kay Johnny o wala kang pag-asa. Pero bff, marami pang lalaki sa mundo, gaya ni Jake. "
"Alam ko naman yan bff. Tingin mo ba't ko kaya sya pinayagang manligaw sakin? Napag-isip-isip ko din na there's no harm if magbigay ako ng chance sa iba. Baka kasi puppy love lang tong nararamdaman ko para kay bespren. Ayaw ko din namang magsisi ng malaki kung sya lang ang pag-uukulan ko ng pansin noh. Gusto ko ring ma-enjoy ang life nang may nagmamahal. Mahirap din kasi kung ikaw lang yung parating magmamahal." Tugon ko sa bff ko.
"Yan ang fighting spirit. So ibig bang sabihin nyan, open kang maging boyfriend si Jake?" Panunukso nya sakin. Kitang-kita ko sa mukha nya ang panggigil sa sagot ko. Kinurot ko sya at napa-aray naman ang loka. Tumawa lang kaming dalawa.
"Bff. I'm not sure for now. Pero honestly, i'm open to the possibility." Bulong ko sa kanya. Hindi nya napigilang tumili. Tuloy pinagtinginan kami ng mga kakalase namin. Hindi ko din maiwasang di mapansin si bespren Johnny na nakakunot-noong tumingin sa dako namin. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Damang-dama ko na nakatitig pa rin sya pero nagpretend akong di ko namamalayan. Ano bang problema nang lalaking ito?
Buong araw pala kaming walang klase. Nabusy na kasi ang mga teachers para sa final preparations ng Christmas party nila. Ininstruct na lang nila na magprepare na din kami sa party namin. Maraming estudyante ang natuwa. Yung buong klase namin pumunta sa playground. Hindi ko naman inaaasahan na andun din pala ang klase nina Jake. So ayun, nagkita kami. Nagkausap ng konti. Kalaunan nagkayayaan silang maglaro sa isang maliit na court malapit dun. Isang friendly match sa pagitan ng juniors at seniors. Awkward kasi nasa magkaibang team sina Johnny at Jake.
Marami ang nanood. Halos di na mahulugang karayom ang lugar. Buti na lang nasa unahan kami ng grupo. Kitang-kita namin ang laro. Marami ang naghihiyawan. Maraming babae ang nagtitilian sa tuwing may makakashoot. Mas nakakalamang ang mga fourth year. Hype na hype kung maglaro si Jake. Ang laki ng ngiti niya. Minsan nga maiilang na ako kasi tingin sya ng tingin sakin. At sabay tingin din ang mga audience. May iba naman nanunukso pa. Gayun na lang ang pagkabalisa ko nang bigla syang natumba. Hindi sinasadyang nagkabanggaan sila ni Johnny nung pareho nilang hinahabol ang bola. Foul tuloy ang huli. Marami ang napasinghap. Lumakas ang bulungan. Buti na lang maayos na nakatayo si Jake. Marami ang nag-cheer at nagpalakpakan. May free throw din kasi siya. Nung nasa tapat na sya ng ring, idrinibble nya yung bola tapos nung akmang i-sho-shoot na nya ,lumingon sya sa gawi ko at kumindat. Muntik na akong matunaw sa kahihiyan. Maraming babae ang kinilig at mga lalaking naghiyawan. Lalo na nung nashoot ang bola, nagsigawan ang lahat. Panalo ang koponan ng mga seniors.
Tumunog na ang bell. Senyales na iyon nang uwian. Nagsipag-alisan na ang mga estudyante para umuwi. Pero hindi parin mawala ang mga malalaking ngiti sa kanilang mga labi at ang mga paghanga sa mga manlalaro. Sobrang pasalamat ko, i was saved by the bell. Literally.Papunta na kami ni bff sa klasrum.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Novela JuvenilThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...