I can honestly tell na nalimutan ko na almost yung part na yun nang buhay ko until now. They were all coming back. That explains why parang kilalang kilala ko si Jake. I also remembered that time na kailangan nilang umalis sa malayong lugar para sa fast recovery nya. And i think that was definitely the last time i saw of him until now. Bumalik din sakin ang sakit na naramdaman ko nung panahon na yun. I was broken that time. I don't know if it was the same for him.
"Tay bakit po sila aalis? Sama po tayo." Naiiyak na sabi ko kay tatay. Parang kinukurot yung puso ko sakit dahil sa malalayo si Jake sakin.
"Hindi pwede yang. Kailangan lang kasi nila pumunta sa probinsya para gumaling agad si Jake. Don't worry ...babalik din naman sila eh." Alam kong hindi totoo yung sabi ni tatay. Sinasabi lang niya yun para pakalmahin ako. Musmus nga ako pero hindi ako tanga na hindi maintindihan yung usapang 'hinding-hindi ka namin makakalimutan kumpadre'. Isa lang naman ng ibig sabihin nun maaaring di na sila... o kami magkikita.
Umiyak ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Narinig ko na rin ang hagulhol ni Tita. Kung napamahal na ako sa kanila, lalo na sila sa akin. Nang bigla na lang na may humawak sa balikat ko. Nag-angat ako ng mukha at nakita ko ang nakingiting Jake sa harap ko,unti-unti nang bumabalik ang sigla sa mukha niya. Niyakap niya ako.
"Wag ka nang umiyak Alliah. Babalik ako para sayo, promise. Maghintay ka lang okay? " He's famous last words until now.
Hindi ko maintindihan ang nararamdanko nung unti-unting bumalik ang mga iyon sa akin.
"A-Alliah, hija. Are you okay?" Naputol ang pag-re-reminisce ko sa past. Nakita ko ang mukha ni Tito. Namumutla ito at nag-aalala. Namalayan ko na lang tumutulo na pala yung luha ko. Hindi ko man malaman kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko. Lumuluha nga ako pero hindi dahil i was hurt or anything.
"Ah... nothing to worry Tito. I'm very fine but... i... i really need to go. Aalis na po ako. Pakisabi nalang po kay Jake at kay Tita na nauna na po ako. And also Happy Anniversary sa inyo." Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa si Tito. Madali-dali akong lumabas. Wala nang nakamalay sa akin kasi busy din ang mga bisita sa kanya-kanyang business. Buti na lang madali akong nakakuha nang taxi.
Habang nakasakay, pabalik-balik kong iniisip ang nakaraan. I never thought he'd come back into my life again. Alam kong down na down ako nung umalis siya. Everything about me changed after that. I was not doing good. Not until i met... my best friend, si Johnny. Was it fate that brought us together?
Kung fate nga naman, eh fate talaga ang masisisi kung bakit mababaliw na ako. My head is messed up. With Jake in the picture, AGAIN, i'm messed up about Johnny.
Deep inside, alam kong si Johnny ang tinitibok nang puso ko. Or was it really Johnny? Bakit i'm also getting fascinated with Jake? I need to be honest about that for once. They've been one ... or rather two of the best things that happened in my life. My bestfriend and my guardian angel.
I don't want Jake to get hurt. Iyan lang natatanging nasa puso at utak ko ngayon. And i'm also happy to have had him and to have him again. Hindi ko maipagkakaila na naging magaan din ang pakaramdam ko dahil sa katotohanang nalaman ko. No wonder why i feel good about him. He kept his promise. But not me. Nakalimutan ko siya but he didn't. Almost nung hindi pa niya alam na iisa lang yung batang Liyang na yun at ako. If this is fate, then do i really understand love?
That night was a long one for me. Hindi ako makatulog. Patuloy na lumulutang sa isipan ko si Johnny at si Jake. Ayaw ko namang masabi ni Jake na kaya ko siya pinili ay dahil nga nalaman kong iyon na nga na matagal na kaming magkakilala at na isipin niyang nagte-take advantage ko gagawin pa syang rebound dahil sa alam kong parang wala akong pag-asa kay Johnny. I don't wanna make a mistake and risk losing one of them.
Tiningnan ko ang orasan sa kuwarto ko. Alas dose y uno na nang gabi pero dilat pa rin ang mata ko. Alam kong napagtanto ko na ang desisyon ko. Kinuha ko ang phone ko. Nagsulat ako ng message at sinend ko. Tapos isa pa at yun na-isend ko na. Bumuntong-hininga ako pagkatapos. And after a few minutes, ay nakaramdam na ako nang antok.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Teen FictionThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...