Chapter 2

28 0 0
                                    

"A-ako?A-a-anong ako? " bulol-bulol na sabi ko. Sino ba namang hindi,eh nakakabigla yung sinabi nya.

"Ikaw nga eh." Ulit niya. "Ikaw nalang bahala. Pwede namang wala din. Okay lang bespren." Ngumiti sya ng maliit.

Strike two. Muli na naman akong nabagsakan nang malaking sign na yun. 'Bespren.' Akala ko.... di bale na lang. Ilusyunada talaga no?

"Okay. Fine. Basta walang sisihan kung di mo magugustuhan yung gift ko ha." Sabi ko sabay tayo. Paalis na sana ako. Nang biglang may humawak sa kamay ko. Lumingon ako at nakita ko si Johnny na isa o dalawang dipa lang ang layu sakin. Bigla akong natameme. Nakatitig lang sya sakin. "B-bakit bespren?"

Hindi sya kumibo. Nakatitig lang sya sakin. Ilang na ilang na talaga ako. "Bespren, something wrong? May gusto ka bang pag-usapan?" Hinawakan ko ang kamay nyang nakakapit sakin. Hindi ko maipagkakaila na minsa'y parang nakukuryente ako pag nagkadikit ang aming mga balat.

Bigla lang syang bumuntong-hininga. "W-wala. Sa susunod na lang. Mag-sho-shower na muna ako. By the way, mauna ka nang umuwi. Text ka nalang if nasa bahay ka na ha. Sige. Later."

Nakakunot-noo akong nakatanaw sa palayung pigura nya. Bigla nalang itong nawala nang nakapasok na sya sa locker room. Ano kaya yung sasabihin nya? Naninibago ako sa kanya. Outspoken kasi sya. Pero sa nangyari ngayon parang naging tight-lipped na sya. May problema kaya sya? O baka sasabihan nya ako sa crush nya. Bigla nalang akong nalungkot. Umalis ako sa gym at nagmamadaling umuwi.

Nang makauwi na ako sa bahay hindi parin mawala sa isip ko ang eksena kanina sa gym. Pano kaya kung mag-o-open up sya sakin about sa crush nya? Pano kaya ako mag-re-react? Masakit mang isipin kailangan akong maging supportive sa kanya. Kinuha ko ang selpon ko at nagsimulang magtext.

Bespren. Uwi na me. Kaw? San ka na?

Tapos pinindot ko na ang send button. Makailang saglit ay nag-reply na siya.

Buti namn bsprn. Nagya2 ang brkda. Nood kami sine.

Sine? Ba't di nya ako niyaya? Sino kaya kasama nila? Diba klasmeyts ng barkada nya yung girls na katabi ko sa bleacher kanina. Di ko mapigilan ang magselos at masaktan. Di ko na kayang magreply sa kanya. Sinubsub ko ang mukha ko saking unan. Gusto kong maiyak.

Nang biglang tumunog ang cp ko. One text message galing sa kanya. Gusto kong basahin na ayaw ang message pero.... Pinindot ko ang open button.

Bsprn. U dr? Ok k lng? Wag ka gal8 d kta niya2. All boys out kac. No girls allowd. Sori. Bawi nlng ako nxt tym. Ok. :-)

Bigla akong sumigla. Ngising-ngisi ako na nakatitig sa message nya. Di nyo talaga ako ma-bi-blame na magkagusto sa kanya. Sensitive at caring kasi siya. Minsan nga nami-misinterpret ko na lang yung closeness namin at kindess nya. Pero bahala na, basta he cares for me. Yun ang importante. Dali-dali akong nagreply.

SLR.Ok lng nmn bsprn. Pagod na rin ako. Sge hav fun. Gawa muna ako homework. TNT...TCcic. ;-p

Sent. Hindi ko pinahalata sa text ko kung ano ang tunay kong naramdaman. White lie lang yung paggawa ng homework. Friday kasi kaya walang pasok bukas. At tsaka malapit na ang Christmas vacation kaya wala nang masyadong gawain sa skul, kundi mga preparations nalang sa parties. Pwede pang mamayain yung homework ko. Hinawakan ko ang pisngi ko. Di ko mapigilang mag-blush. Mainit na talaga ang pisngi ko. Tumunog na naman ang cp ko.

Ok bsprn. TC too. Gud nyt. Xoxo :-p

Hindi ko na mapigilan ang mapatili sa kilig. Hugs and kisses daw. Buti nalang wala pa yung parents ko at parehong busy yung mga kapatid ko sa kani-kanilang life. Pag may nakarinig naman sa tili ko, aakalain lang na nanonood na naman ako ng hollywood romance movie. Madali lang kasi akong kiligin eh. Every now and then, tumitili ako. Nasanay na nga sila.

Kinabukasan, nagplano akong pumunta sa Ayala Mall. Susubukan kong mamili ng regalo para sa kanya as early as possible. Pumasok ako sa isang clothing store. Tiningnan ko ang mga tshirt at sapatos. Masyadong mahal yung mga items. Hindi kaya sa budget. Pumunta ako sa ibang stores at nagcanvass. May mga okay ang presyo pero hindi ko gusto ang design. Nagpalipat-lipat ako sa mga boutiques at department store. Nalulula na nga ako. Bigla na lang akong nahilo. Di ko sinadyang mapasandal sa lalaking nasa tabi ko. Bigla syang nagulat.

"Miss, are you okay?" Pag-aalala nya sakin. Pagtingin ko sa kanya bigla akong natauhan. Isa pala ito sa teammates ni Johnny." Oh. Alliah, ikaw pala yan. Anong nangyari sayo? Nahihilo ka ba?" Tumango lang ako. Inakay nya ako at pinaupo sa isa sa mga waiting benches. Tumakbo sya at mga ilang minuto lang may dala na siyang canned juice at brownie.

"Oh. Eto. Kumain ka muna hanggang sa mawala yang pagkahilo mo. Gutom ka na siguro."

Ngumiti lang ako sa kanya tapos binuksan ko ang canned juice at ininom ito. Lumingon ako uli sa kanya. "Sori't naabala pa kita. Kanina pa kasi ako nagpaikot-ikot dito eh. Di ko na namalayan na gutom na pala ako at nakalimutan ko na hindi pa ako nakakain simula kaninang agahan."

"Ba't naman. Ano ba naman kasi ang hinahanap mo? Regalo para sa boyfriend mo?" Tukso niya.

"H-hindi no!" Sana nga boyfriend. Eh, bestfriend lang. "Para kay Johnny. Yung bestfriend ko. Yung teammate mo."

"Ah. Si Johnny. Ang sweet mo naman. So kung bestfriend mo lang sya, eh di ibig sabihin wala kang boyfriend ngayun?" Prankang tugon nya.

Nabulunan na tuloy ako sa brownie. Dali-daling pinainom nya ako sa canned juice. Tawang-tawa naman ang loko. Tiningnan ko sya nang di kanais-nais.

"Hey. Chill. Di ka naman mabiro." Pagbawi naman nito. "Since wala naman akong ginagawa, gusto mo samahan na lang kitang mamili? Mas mapapadali yung paghahanap mo. Pero di kita pipilitin kung ayaw mo."

Napaisip ako. Tama nga naman sya. Mas alam nya kung ano ang magugustuhan ni Johnny. Pero mapagkakatiwalaan ko ba naman sya. Hinagod ko nang tingin ang buong mukha nya. Nakangiti lang ito. Well, wala namang masama if magkasama kami. At tsaka wala naman akong narinig na masama tungkol sa kanya.

"Okay lang ba if sasamahan mo ako. Baka may hinihintay ka dito or may naghihintay sayo dito."  Pakiwari ko. Di naman sa ayaw ko syang kasama pero ayaw ko naman bigla nalang may hahablot sa buhok ko. Never.

"Kung ang ibig sabihin mo ay may date ba ako sa girlfriend ko nga yun. Eh wala. Kasi wala naman akong girlfriend. Pero ikaw baka gusto mo." Biglaang sabi na naman niya. Grabe ang confidence ng lalaki na to. Mahangin. "Haha. Oh napatahimik ka. Joke lang naman. Halika na."

Pinalagpas ko na lang. Ganito lang talaga siguro ang mga lalaki. Ang laki ng ego. Nasanay na ako kay Johnny. Tumayo na ako at naglakad. Nasa tabi ko lang siya. Hindi naman pala siya masamang kasama. Palakuwento, palabiro at hindi ko maintindihan pero ang charming pala niya pag ngumiti. Marami ngang mga babaing napalingon pag dumaraan na siya. Ang gwapo kasi.

Ako naman hindi masyadung maganda. Ordinaryo at common-looking lang. Gaya ng personality ko. Pero maraming nagsasabi na kulang lang daw ako sa makeover at magiging kamukha ko na si Lilly Collins ng Mortal Instruments. Petite slender kasi yung face at body ko. Mukha daw akong barbie doll na katamtaman lang ang katangkaran.

Hindi ko namalayang bigla nalang nya akong hinatak papasok sa isang store ng isa sa mga sikat na clothing brand sa Philippines. Nagtungo kami sa cologne and perfume section. Bigla ko na lang syang tiningnan na tila nagtatanong.

"Ano? Pumili ka na ng scent na tingin mo babagay sa kanya." Hindi pa rin ako umimik. Scent para kay Johnny? Ano naman ang pipiliin ko?

"Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niya. Tsaka andami kaya nito. Ang hirap mamili." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Okay. Ganito na lang. Pipili ako ng ilan na gusto ko tapos ikaw ang mamili sa kung ano sa tingin mo ang babagay kay Johnny. Deal?" Tumango na lang ako. Kunsabagay mas madali nga yun. Tiningnan ko nalang sya. Hangang-hanga ako sa kung paano nya kilatisin ang mga perfume. Tuwang-tuwa naman siya.

First time ko itong may kasamang ibang lalaki sa mall. Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend. Minsan si daddy, mga kuya ko o si Johnny ang sasama saken. Pero ngayon totally a different situation. Ganito ba ang feeling nang may date? Pano kaya kung si Johnny ang kasama ko sa isang date?

A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon