Nang dumating ako sa may Ferris Wheel, wala akong nadatnan na pila. Tahimik lang ang lugar. Ang natatanging nakikita kong tao dun ay si Jake at ang operator. Lumapit namang yung una sakin.
"Alliah. Care to join me?" Inilahad nya ang isa nyang kamay bilang tanda ng paanyaya. Tiningnan ko sya nang matagal. Batid ko ang pag-aalala sa mukha nya kahit nakangiti pa sya. Pinaunlakan ko naman ito.
Magkahawak ang mga kamay namin habang pasakay na kami sa isang cable ng Ferris Wheel. Nakangiti lang din ang operator na tumutulong sa amin. Kami lang pala dalawa ang pasahero dun sa ride. At bigla nalang umandar ang ride. Pero tahimik pa rin kaming dalawa.
"Ahm... Sorry nga pala sa sinabi ko kanina Jake. I didn't mean to offend you or judge you. Nag-overreact lang talaga ako. I'm really sorry." Paulit-ulit na sabi ko sa kanya. Nakakatutok lang ako sa kanya. Nasa magkatapat na upuan kami nakapuwesto.
"I understand kung bakit ganun ganun na lang ang reaksyon mo. But believe me, i was just joking. May punchline sana ako dun kaso epic fail pala kasi napikon ka. But i really didn't mind. Cos i know you're still on the process of knowing me better. I hope that didn't do bad for me." Paliwanag nya. I was not mistaken after all. The Jake i think i know is indeed the Jake that i know. Gumaan ang loob ko.
"Muntik na sana kitang ipakuha sa mga aliens dahil dun. Pasalamat ka kaibigan kita." Joke ko sa kanya. Pilit kong mapasaya ang ambience nang konti. Tumawa kami ng matipid.
"Hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sakin Alliah?" Nabigla ako sa tanong nya. May bakas ng kalungkutan ang mga mata niya. Nag-iwas ako ng tingin. Ayaw ko syang makitang ganun. Kasi nasasaktan ako.
"If you're talking about having a chance for us being a couple, i have no idea." Walang lingon kong sabi sa kanya. "And honestly, i'm... i'm..."
"You're in love with someone else." Dugtong nya sa sinasabi ko. Nagulat ako. "I just discovered it myself. Hindi ako sinabihan ni Shane if that's what you have in mind. Halata naman eh. Sa tuwing magkasama at mag-uusap tayo, kumikislap yung mga mata mo pag sya na ang pinag-uusapan natin. Yung bestfriend mo. Si Johnny. You're in love with him right?"
Matipid akong tumango. Ganyan na ba ako ka-transparent para madaling basahin? O ganun na talaga ka-talino si Jake para mabasa ako? Nahiya na akong tumingin sa kanya. Nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Umangat ang aking mukha. Kita ko syang nakangiti. Mas lalo akong nasaktan sa di malamang rason.
"Yes. Tama ka. Unfortunately, i'm in love with my bestfriend." Sagot ko. "I have been doubting my feelings ever since na narealize kong naaattract ako sa kanya. I was trying to tell myself na lilipas din ito pero i failed. It got more and more intense to the extent na gusto kong ang buong atensyon nya ay akin lang. In fact, pag nakikita kong nagkakainteres sya sa mga classmates namin o kahit sinumang girls dyan, naghahanap ako nang way na madisappoint sya. Ain't i a b*t#h? A desperate one." Hindi ko na mapigilang humagulhol. Naramdaman ko na lang na tumabi sya sakin at niyakap ako. Niyakap ko na rin sya.
"It really hurts thinking that maaaring hindi kami pareho nang nararamdaman. I can handle any problems in the world. Anything but a rejection by him.Kaya i supressed my feelings,tinago ko yun hanggang sa makakaya ko. Pero ngayon... ngayon na ... na.... na nalaman kong may minamahal syang iba at na nobya na niya ito, i thought the world fell on me. It feels like my heart is being squeezed, torn into pieces and thrown in a blackhole to be forever forgotten. Ganito ba talaga ang masaktan dahil sa love? Now i understand why some people whose heart were broken because of love got insane. They must've felt worse. I hate it. I hate love "
"No. H'wag mong sabihin yan Alliah. Without love, humans wouldn't have existed. I would've never met you too. And i was lucky that didn't happen." Ramdam ko ang paghigpit nang yakap nya. Imbes na kumawala ako ay hinigpitan ko din ang hawak ko sa kanya. Gumaan ng gumaan ang pakiramdam ko. Oh! My guardian angel.
Inangat ko ang mukha ko. Tiningnan ko si Jake. Hindi man lang ako kumurap kahit na masakit at malabo na ang mata ko sa kaiiyak. He was just smiling. I felt a bit of chilly sensation. Kinagat ko ang ilalim na labi ko. Tapos hindi ko na napigilan ang sarili. Unti-unting lumapit ang mukha ko sa kanya. Then our lips finally met. I kissed him. Halatang nabigla sya pero tumugon sya sa halik ko.
Naramdaman ko ang biglang paghawak nang kamay niya sa pisngi ko at ang isa sa likod ng baywang ko. Mas lalong lumalim ang halik niya. Puno ng passion at pag-aangkin. I was totally engrossed. I've never felt like it before. Parang bigla na lang akong naging babae, espesyal na babae.
"Oh. I love you, Johnny." Bigla kong nasabi. Napatigil si Jake at natigagal. Para akong tinapunan ng tubig na may yelo. Nakita ko si Jake na napako sa kanyang kinauupuan at bakas ang pagkadismaya sa mukha nya. At timing naman na huminto na ang Ferris Wheel. Nang binuksan ng operator ang pinto, agad-agad akong tumakbo. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga talaga.
Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa marating ko ang isang sulok ng lugar na walang katao-tao. Lumapit ako sa isang bench at umupo. Humihingal pa ako dahil sa layo ng tinakbo ko. Napayuko ako at napailing. Nang nag-angat ako ng mukha, nakita ko si Jake na humihingal din. Sinundan pala nya ako?
Hindi ko malaman kung ano ang gagawin. I was really ashamed of myself. Sinaktan ko ang isang taong nagmamahal sakin. Sinaktan ko ang isang matalik na kaibigan na nagpapahalaga sakin. Wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Tumayo ako at tumalikod. Kailangan kong makalayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Teen FictionThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...