"I almost thought there Alliah that ... that..." Panlulumong sabi niya. Alam ko kung ano ang ibig sabihin niya pero hinintay kong tapusin niya iyon. "Well. We can just pretend that, that did not happen. Excuse me Alliah. Need to go to the washroom." Kahit pilit man niyang itago, alam kong nasaktan siya sa ginawa kong iyon. I was so selfish. Bakit ko ba ginawa iyon? The more na ayaw ko siyang masaktan, the more that i hurt him. Gusto ko sana siyang pigilan pero nakalabas na pala siya sa silid.
I don't want to see him hurt. Galit ako sa sarili ko. I knew i love his kisses and sweetness but what would that make me? A selfish, desperate b*tch. May mahal akong iba pero nagte-take advantage ako sa ibang taong mahal ako. Tumulo ang luha ko. Nang biglang bumukas ang pintuan. Napatayo ako.
"J-jake. I'm..." Paglingon ko ay bigla kong nasapo ang dibdib ko. Hindi pala si Jake ang nandun. Kundi si Tito. Tumalikod ako nang mabilis at pinahid ang luha ko.
"Alliah? Anong nangyari? Hija?" Pagtatanong niya. Hindi ako humarap sa kanya subalit ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. "Hija? May nangyari ba? Nasan si Jake? Ba't mag-isa ka lang dito. Lagot sakin yung batang yun. Ano bang pumasok sa isip niya't iniwan ka niya dito?" Iritang sabi ni Tito. Papalabas na sana siya nang pinigilan ko siya.
"Ah Tito. Nasa washroom po siya. Pabalik na po siguro yun ngayon." Kinalma ko ang sarili. Hindi ko man pinahalata na may nangyari ngang nakakalungkot ay batid kong hindi tanga ang papa ni Jake na hindi maghinala.
Matamang nakatingin lang siya sa akin. Nailang na tuloy ulit ako. Alam kong may gusto siyang sabihin pero parang hindi niya magawa. "Alliah?" Basag niya sa katahimikan. Titingin na hindi ang tanging nagawa ko. May kakaiba akong hinala sa kung ano ang sasabihin ni Tito at hindi ko alam kung ano ang gagawin. I don't want to mess up again. Pinatatag ko ang aking kalooban at tinignan ko siya.
"Do you love my son?"
Bigla akong napanganga. Hindi ko maiwasang magulat sa katanungan niyang iyon. It was so sudden. Akala ko makakaya kong harapin ito. Pero ngayon tila bato akong na-frozen. Ilang segundo na ang lumipas at naging minuto ito. Hanggang sa sumuko na lang ako. Laglag ang aking mga balikat at napayuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Naglalaro sa isipan ko ang tanong na yon. Hindi ko malaman kung ano ang isasagot. Gusto ko sanang sabihin na 'Oo' pero ayaw kong magsinungaling. It would be unfair for Jake, for me and for Johnny.
Narinig ko ang buntong-hininga ni Tito. "It's okay Alliah, hija. You don't need to answer that. I'm sorry kung bigla-bigla na lang kitang tinatanong nang kung anu-ano. How silly of me." Humagikhik nang pilit at kaunti si Tito. Nag-smile din ako na obviously naiilang na din.
"Please promise me one thing hija, take good care of him. I know you might not love him like he does to you but please be his bestfriend." Patuloy niya. Alam pala nilang mahal ako ni Jake? Halata na nagulat ako dun.
"Yes. Alam naming mahal ka nang anak namin. In fact, he started loving you when he was seven and until now he never stopped loving you. At first we thought child's play or merely infatuation lang yung sa kanya kasi nga you were both still young. Akala nga namin totoo yung paniniwala namin kasi nga just recently he was already talking about someone who we thought was a new girl pero yun pala along the way nang pagkukwento niya tungkol sayo ay it was the same girl. We almost believed in miracles when he told us about you. Just thinking that you were apart for what? 10 years or so? Pero ito, nagkita na naman kayo. We have never seen him this happy in his entire life."
Para tuloy akong nahilo sa sinabi niya. Ang lahat nang iyon ay mahirap i-process sa state of mind ko ngayun. 10 years? Seven? New girl? Happy? "Tito, hindi ko po kayo maintindihan. Ano yung sinasabi nyung he has been loving me for a long time? "
"Well. Hija. It started when you two met in the hospital. Do you remember that time when you first called me Mr. Panda?" Sagot niya. Naalala ko ang panahon na iyon. Though i was only five, i can still remember a fragment of those memories. And then i found myself remembering that time when Jake and I first got close.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Teen FictionThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...