Ding... Dong...
"Alliah! Andito na si Jake. Dalian mo nang bata ka." Sigaw na tawag ng mama ko.
"Opo ma. Andyan na po!" Sagot ko naman.
Tiningnan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin. Perfect! Tanging naisip ko. Sinigurado ko talagang maganda ako para sa dinner. Ayaw ko namang may masabi sakin ang mga magulang ni Jake. Though hindi ko lang talaga alam kung bakit sobrang sabik akong ma.impress sila.
"Basta! Kaya mo yan Alliah." Ngumiti ako sa sarili.
Madali akong lumabas sa kuwarto, kulang na lang lumipad ako sa excitement. Nang linakbay ko ang hagdan namin, muntik na akong matisod buti nalang mahigpit akong nakahawak sa railings.
"Oh! Ingat ka namang bata ka." Pag-aalalang sambit nang papa ko. Kitang-kita ko sa mukha nya ang pamumutla.
"Sori po pa." Sabi ko sa kanya tapos ngiti.
"Ang ganda mo anak. Sweetheart, tingnan mo ang dalaga natin." Inakbayan ako ni Papa. Damang-dama ko ang pagmamalaki niya. Klarong-klaro din to sa malaking ngiting nakaguhit sa mukha niya.
"Oo nga, sweetheart. 3 taon na lang dise-otso na yan. Siguradong dudumugin na yan ng manliligaw." Tukso nang mama ko. Hindi ko maitago ang pamumula nang mga pisngi ko.
"Eh hindi pa nga dise-otso, dinudumug na." Panunukso ng papa ko at ininguso ang pigura ng lalaking nasa salas namin na nakatayo. Hindi din nito naitago ang pagkailang na nararamdaman. Tumawa nang sabay ang mga magulang ko. Nakakahiya na talaga.
"Oh sya, sya... Umalis na kayo baka kung ano pa ang isipin nitong mga magulang ni Jake." Biglang pagtataboy ni papa sa amin. "Oh. Jake, ingatan mo yang dalaga ko kundi..."
"Pa naman..." Pagsusuway ko sa kanya. Bigla lang naman tumawa ang huli. Napailing na lang ako sabay ngiti.
Habang nasa daan, tahimik lang kaming dalawa. Nakakabingi na nga eh. Lumingon ako sa dako niya at sa hindi malamang pangyayari nagtagpo ang aming mga mata. Biglang kumabog ang dibdib ko. Nag-iwas ako nang tingin.
"Ah... Alliah?" Basag niya sa katahimikan.
Tiningnan ko siya. Nakatuon ang atensyon nya sa pagmamaneho. Hindi ako kumibo pero batid kong alam niyang naghihintay lang ako sasabihin niya. Ilang segundo ang lumipas at lumingon sya sakin. Ngumiti siya at tumambad sakin ang inosente nyang mukha. Muntik na akong himatayin. My God!
"You look pretty tonight." Papuri niya. Kinilig naman ako. Hindi ko napigilang hawakan ang pisngi ko. Damang-dama ko ang init nito kaya hindi ko na kailangan tumingin sa salamin para alamin kung gano na ako kapula.
"Salamat. You don't look bad yourself." Nahihiyang tugon ko sa kanya. Narinig ko syang humagikhik. In fact, it was an understatement. Ang gwapo niya kasi sa suot niya. Naka-tux siya na silver at undershirt na pink. Na-a-accentuate yung pagiging tsinitong puti niya. Hindi ko ba nasabi na kamukha niya si Song Jung Ki nang Innocent Man?
Lumipas ang kalahating oras at narating na namin ang bahay nina Jake. Una syang lumabas at sumunod ako. Inalalayan niya ako kaya hindi maiwasang magkahawak ang mga kamay namin.
"Ang lamig ng mga kamay mo Alliah." Hinimas-himas niya ito para mawala ang lamig, nailang ako.
Agad ko itong binawi. Batid kong nagulat siya. "Ah. Eh...Kinakabahan talaga ako." Rason ko na totoo naman. Sino ba naman ang hindi kakabahan kapag inimbitahan ka sa bahay ng isang tao at makikilala mo ang parents nila?
"Asus. Chill lang. Hindi naman sila nangangagat." Sabi niya sa kin na tinawanan ko na lang din. Binuksan ni Jake ang pinto at lalong kumabog ang dibdib ko. Huminga ako nang napakalalim. Humagikhik na naman si Jake at umiling.
Lumakad kami patungo sa isang malaking silid. Dinig ko ang tawanan at hiyawan ng grupo ng mga tao. Para na akong nabingi sa lakas ng kabog ng puso ko. Bigla akong napakapit sa polo ni Jake. Napatigil siya. Lumingon sya sakin. Binigyan nya ako ng tingin na tila nagsasabing, 'okay lang.' Nang bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinawakan ito. At yun, magkahawak kamay kaming pumasok sa silid.
Dun ko lang nalaman na hindi lang pala ako ang bisita. Huminga ako nang maluwag.
"Sabi ko sayo chill lang di ba?" Sabi ni Jake. Tila may panunukso na nakatingin ang lalaking ito sa akin.
"So alam mo na marami palang bisita. Ba't di ka nagsabi? Ikaw talaga." Hinampas ko ang balikat niya at kinurot ang kanang bisig niya. Napaungol siya sa kirot.
"Di ka naman mabiro. Surprise lang naman. Pero ang cute mo talaga pag kinakabahan ka." Panunukso na naman niya. Hinampas ko sya ng hinampas sa balikat. Sobra naman syang natutuwa kaya mas lalo kong ginanahang hampasin sya.
"Oh tama na. Masakit na." Pagmamakaawa niya pero hindi pa rin niya maitago ang tuwang nararamdaman niya. Sadista talaga. Kaso hindi naman ako nainis, tumawa na lang din ako.
"Yun oh! Mas lalo ka na tuloy'ng gumanda. Ganyan lang dapat. Smile." Dagdag niya.
"Oh! Corny mo." Sabi ko sa kanya sabay pingot sa ilong niya. "Halika na nga baka kung ano pa ang sabihin ng mga parents mo."
"Ay! Oo nga pala. Hehe." Hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sakin sa grupo ng mga bisita. Hindi naman ganun kadami ang bisita pero nahirapan pa rin kaming makadaan.
"Ganito ba talaga ka-engrande magselebrate nang anniversary yung parents mo?" Pagtatanong ko kay Jake. Hindi naman sa nag-e-eksahirada ako pero naiilang talaga akong makihalubilo sa mga taong di ko kilala.
"Ahm. Kinda. Pero mas malaki lang ngayun kasi 25th anniversary nila bilang couple. And if you say couple, ayon sa dad ko, yung araw na nalaman nyung nakita nyo na ang isa't isa bilang... alam mo na... "the one"." Sabi niya sabay sign ng qoutation marks sa ere.
"Ahhh... so may pinagmanahan ka pala sa ka-cornyhan." Panunukso ko sa kanya. Humagikhik lang naman ang loko na parang proud na proud sa ka-cornyhan niya. Napailing na lang ako.
Tiningnan kong muli si Jake. Hindi pa rin mapawi ang ngiti sa labi niya kahit hindi siya nakatingin sakin. Tiningnan ko ang magkahawak naming mga kamay. Mahigpit ang kapit niya. Hindi ko naman ikinasama. Instead, i was really happy that i met and knew him. To know a true friend and a person who love me. Pero nalulungkot din ako sa katotohanang iba ang minamahal ko at di itong natatanging tao na nagpapakita sakin ng hindi mabayarang pagmamahal. Hindi bilang isang kaibigan lamang.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Teen FictionThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...