"Hoy bata." Naalala kong tawag sakin nang batang lalaki na nakahiga sa kama. Ang tamlay-tamlay niya at ang payat-payat. Tila wala na siyang dugong natira sa katawan niya dahil sa sobrang putla niya.
"Hindi hoy bata ang pangalan ko!" Nakataas ang kilay ko at nakapamewang. Narinig kong tumawa ang dalawang lalaki sa likod ko at ang babaeng nasa tabi nung batang lalaki.
"Eh. Ano ba ang pangalan mo?" Tanong niya sakin.
"Tawagin mo akong Liyang." Lumapit ako sa kanya. Kasingtangkad ko ang kama kaya kailangan ko pang sumampa sa gilid nito. Kahit alam kong mahirap eh kinaya ko nang hindi nanghihingi ng tulong kahit kanino.
"Naku naman tong batang to." Dinig kong sabi ni tatay at namalayan ko nalang na parang lumulutang na ako. Ayun pala ay binuhat niya ako at pinatong sa bakanteng parte ng kama.
"Sus, tay! Kaya ko naman po." Inungusan ko siya. Aba't napahiya din ako dun noh.
"Whooo. Kaya daw. Kung di ka pa tinulungan ni Tito eh nakalabas na ako ng ospital di ka pa rin nakaakyat sa kama ko." Panunukso nung batang lalaki. Binelatan ko na lang sya. Mas lalo pa akong sumimangot kasi tumawa silang lahat pwera ako. "Oi! Wag kang sumimangot mas lalo kang papangit niyan." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na lang ako.
"Oh. Umiiyak na siya. Ano ka ba naman! Ang iyakin mo." Patuloy na panunukso nung bata. At sa hindi malamang dahilan ay kinagat ko ang isa sa mga paa niya. Humiyaw siya nang malakas dahil sa sakit. Gigil na gigil na talaga ako kaya hindi niyo ako mabi-blame.
After that incident ay hindi na ako ulit dinala ni tatay sa ospital pero nangulit pa din ako. Hindi naman ako natiis ni tatay.
"Alliah, pag inulit mo pa yun ay hindi na talaga kita dadalhin dito, okay?" Warning ni tatay sakin. Tumango-tango lang ako kasi guilty din naman ako. Pikon lang kasi siguro. "Dapat mag-sorry ka sa kanya ha. At kina Tito at tita mo."
"Opo tay."
Binuksan na niya ang pinto. Ewan ko ba pero gusto ko talagang bumalik sa ospital kahit na alam kong nahiya na ako sa inasta ko. Nakita ko sina Tito at Tita na agad na napalingon samin.
"Alliah! Buti naman dinala mo na siya kumpadre. Halika dito hija. Na-miss kita ha." Bati ni Tita. Bigla naman akong natuwa. Akala ko tuluyan na silang nagalit sakin dahil a nangyari. Napangiti ako.
"Eh hindi na ako tinigilan sa panunuyo para lang makasama siya dito. Kaya ito sinama ko na lang din." Sagot nang tatay. Natawa na lang silang tatlo ulit.
"Buti na lang din kumpadre para may kalaro itong boy sakitin ko." Pagbibiro ni Mr.Panda. Napangiti ako sa sabi niya.
"Oh sya nga pala. Kumusta na tong pasyente natin. Anong sabi ng doktor?" Dinig kong sabi ni tatay. Napatingin naman ako sa batang nakahiga sa kama. Mahimbing itong natutulog. Nakadama ako nang awa kasi ang payat kasi niya tapos matamlay pa. Ano kaya ang naging sakit niya? Sabi ni tatay halos isang buwan na daw siya sa ospital. Mas lalo akong naawa. Alam ko kaya yung feeling nang nasa ospital ka lang. Nakakatopak na nga yung isang buong araw lang yung buong buwan pa kaya.
"Sa wakas kumpadre, mabuti-buti na rin daw. Pero kailangan pa niyang mag-stay nang isang buwan dito para siguradong wala nang komplikasyon. Hindi ko talaga alam kung pa'no kita mababayaran kumpadre. Sa lahat ng tulong mo." Hindi ko man maintindihan kung paano natulungan ni tatay sina Mr. Panda noon ay alam kong ikinagalak ito nang huli.
"Asus, Kumpadre! Ano ka ba naman! Napag-usapan na natin yan. Tsaka sino pa ba ang magtutulungan kundi ang magkaibigan diba?" Kalmadong sabi ni tatay. Dun ko masasabing proud ako sa kanya. Hindi ko man masyadong alam ang tulong na binigay nya noon kina Tito ay marami pa syang good deeds na nakita ko habang lumalaki ako. Masasabing isa ngang good samaritan si tatay. Kung kaya niyang magbigay nang tulong eh ibibigay talaga niya.
Namalayan ko na lang na ipinatong ako ni Tita sa kama. At tapos lumapit siya sa dalawang lalaki.
"Hulog ka talaga nang langit kumpadre. Kahit bago lang tayo nagkakilala eh malaki na ang tiwala mo sa amin." Sabad ni Tita sa usapan. Dahil nga sa musmus pa lang ako nun ay hindi ako masyadong makasabay sa usapan nila. Pero nauunawaan kong malaking kasiyahan ang naging epekto nang pangyayaring yun sa mga buhay nila.
"Hay naku! Kayo talaga." Napailing na sabi ni tatay. Humble lang talaga si tatay. "Kumain muna tayo kumpadre, kumare. Andito naman si Alliah eh. Kahit saglit lang." Presenta ni tatay.
Tumingin silang tatlo sa akin. "Opo tay. Ako na lang muna ang magbabantay kay boy sakitin. Kumain na po kayo Tito, Tita." Maangas na sabi ko sa kanila.Biglang humagakhak ang dalawa.
"Oh sige hija. Anong gusto mong ipabili? Gusto mo ba nang ice cream? Anong flavor? Vanilla or chocolate?" Pahabol ni Tita. Hindi ko mapigilan ang ma-excite.
"Vanilla na lang po!"
Tumawa ulit silang tatlo na umalis. Nang naisara na nila ng pinto ay itinuon ko ang atensyon ko sa batang lalaki na katabi ko sa kama.
"Ang putla-putla mo naman. Hmmm. Palagi ka na lang bang matutulog?" Pabulong na sabi ko sa sarili. Nakadapa ako sa harap nang bata at mataman siyang tinitingnan. Pinipisil-pisil ko pa nang hintuturo ko ang mga pisngi niya. Kahit na tila buto't balat na lang siya ay ang lambot lambot pa rin ng mga ito. Naaliw din naman ko. Nang biglang bumukas yung mga mata niya at nagulat ako. Nakatingin lang siya sa kin at walang sinasabi. Wala din akong imik. Grabe ang epekto nang mga tingin niya sa akin.
"Ang cute mo Alliah." Hindi ko ma-di-deny na kahit 5 yrs old palang ako nun ay nagblush ako sa sinabi niya. Para bang bigla ko na lang nafeel na para akong lumilipad dahil sa saya. "Ako nga pala si Jake, boy sakitin."
At dun nagsimula ang pagiging close namin ni Jake. Halos araw-araw hanggang sa lumabas siya sa ospital ay naglalaro at nagtutuksuhan kami. Ibang-iba talaga ang feeling ko kung siya yung kasama ko. Hindi mapawi ang saya hanggang sa makauwi ako sa bahay. Remember ko pa nga na may ginuguhit akong pictures at nagsusulat ako ng get well letters para sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
Teen FictionThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...