Chapter 12

8 0 0
                                    

Nang humakbang na ako ay may biglang humawak sa aking kamay. At hindi lingid sa isip ko na si Jake yun. Hindi man lang ako tumingin. But then bigla na lang nya akong niyakap. Damang-dama ko ang malalapad nyang dibdib sa likuran ko at ang kanyang makikisig na braso na nakayakap sakin. Gusto ko sanang kumawala pero ayaw gumalaw nang katawan ko. Tuluyan na itong sumuko para kay Jake.

"Huwag ka na sanang lumayo Alliah. Hindi ko kaya." Pagtatapat ni Jake. Isinubsob niya ang mukha saking buhok. Damang-dama ko ang pagsinghap niya.

"Hindi ka man lang ba galit sakin Jake. Pinaasa lang kita sa wala. Tapos... tapos hi-hi-hinalikan pa kita kahit nagdurusa ako dahil kay Johnny at... pinahiya ka. At ngayun hinabol mo ako, andito ka't nakikiusap kang huwag kitang iwan. Ano... manhid ka ba ha? Dapat kamuhian mo ako Jake! Dapat iniwan mo na ako. Wala akong kuwenta!" Sigaw na sabi ko sa kanya. Humarap ako sa kanya. Itinuturo-turo ko pa ang sarili ko. Walang pakundangang umaagos na rin ang mga luha ko.

"Hindi Alliah. You're wrong. Hindi mo ako pinaasa. Instead you gave me a chance and i was thankful for it. Naging malapit ka sa akin at hindi ko kailanman na-feel na pinaglalaruan mo ako or anything. Sa mga araw na magkasama tayo, i felt very glad because you made me your friend and you were mine. Alam kong minsan naiilang ka sakin but you never outcasted me. You were an open ear, mind and heart. Which was enough for me." Hinawakan nya ng kamay ko at ngumiti lang sya. Naguguluhan na ako kay Jake. Hindi man lang ba sya nasaktan sa ginawa ko?

"Oo nasaktan ako sa ginawa mo but i understand you. At hindi ko rin magawang magalit sayo. I just can't because i love you so much." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakaka-flatter yung mga sinabi nya pero mas nangingibabaw yung guilt ko. Ba't hindi na lang kay Jake ako nagkagusto?

"But Jake, bakit ako? Kahit alam mong may iba akong gusto at na pagkakaibigan lang ang mai-o-offer ko sayo. Andaming babae jan na nagkakagusto sayo. Bakit Jake?" Pagsusumamo ko sa kanya.

"Because they're not you Alliah." Naguluha pa rin ako sa kanya. Ano ba ng nakita nya sakin? Hindi naman ako kagandahan at hindi naman ako nagsta-stand out. Pinukol ko sya ng nagtatanong na tingin. "Alam mo bang na-love at first sight ako sayo nung nakita kita sa music room? Hindi ka na mawala sa isip ko. Sinasabi ko nga sa sarili ko na 'Damn man, first year pa yan, ang bata pa nyan.' But you were never so young to me, nung palagi kang ikinukuwento ni Johnny, namangha ako sayo. At nung nakasama kita mas lalo akong nagkagusto sayo. And it turned out i was in love with you."

"You are so honest, sweet and caring. Hindi mo maitago ang tunay mong nararamdaman kahit nga nasa isip mo na yun ang ginagawa mo. Palagi mong sinisiguro na special ang lahat ng tao sayo lalo na ang mga kaibigan mo kahit sino man sila. You know how to value your life and others as well." Hindi ko lubos maisip na ganun na nya ako kakilala. Ni ako nga hindi ko alam na yun pala ang ginagawa ko.

"At tsaka, kasi marunong kang tumawa sa jokes ko. Kaya lalo siguro akong nainlove sayo." Napatawa sya nang matipid. Napakamot din sya sa kanyang ulo sa kahiyaan.

Hindi ko din napigilang mapangiti. Kakaiba talaga ang karisma ni Jake. Kahit anung kalungkutan, kasakitan at anu pa ang nararamdaman kong di maganda ay napapagaan niya ang loob ko.

"Kung sana sayo na lang ako nainlove, napakaswerte ko siguro." Pagtatapat ko sa kanya. Ngumiti lang sya. "Napaka-mature mo, sensitive at charming. Napapagaan mo ang loob ko. Sa hindi malamang pangyayari napapasunod mo ako sa gusto mo. It seemed like i'm spellbound when i am with you. Kinulam mo ata ako eh." Narinig ko syang tumawa. Ewan ko ba, parang wala lang nangyari samin.

"Hindi ah... oo, may lahi kami ng mga corning gwapo pero never ng mga mangkukulam." Hindi ko na mapigilang tumawa ng malakas. Masarap na ganito kami palagi. Parang walang pinagdaraanan. Tinampal ko sya sa balikat.

"Ewan ko sayo Jake. Corning gwapo... but nice one." Sabi ko sa kanya. "Tingnan mo ngayon ang lakas ng mga tawa natin para lang walang nangyaring kadramahan kanina."

"Alam mo ba minsan nga naiisip kong baka guardian angel kita? Kasi you are always there when i'm down and needed some help. Baka nga siguro angel ka at binigyan ka ni God ng secret mission. Sabihin mo lang sakin ang totoo, promise hindi ko sasabihin sa iba." Pagbibiro ko sa kanya. Tumawa lang kami ulit. Para tuloy kaming mga baliw.

"Well it would be an honor kung sana guardian angel mo nga ako. Gusto kong palaging nakabantay sayo at pasiyahin ka."

Protektahan at pasiyahin. Just like what a guardian angel does. Lord, ba't mo ba ako,pinahihirapan?

"Pero kahit naman hindi Alliah, i promise to protect you and make you happy. We are still friends naman right?" He was smiling.

"Of course, best of friends til the end. Promise mo yan ha kahit na may makita kang ibang mamahalin na babae."

"Yes. Kahit mamatay pa ako, promise ko yan. And yung ibang babae, i'll try to keep that in mind. So ngayon mag-enjoy kang ikaw ang ang pagtutuunan ko nang pansin." Tumawa sya at nagshake hands kami. I've not only earned a lover and a friend but also a guardian angel.

"Cornix. Halika na nga. Kain tayo. Gutom na ako. Ay! Oo nga pala nasan si Shane. Kanina ko pa hindi nakita yung lukarets na yun ah." Sambit ko. Nag-aalala na din ko sa bff ko. Baka kasi sa kung saang lugar sa mundo na yun napadpad. Bago pa makasagot si Jake, tinawagan ko na si bff.

"Hello Shane? San ka na? Andito ka pa ba sa Enchanted Kingdom?"

"B...f...f?" Sabi ni Shane.

"Gutom na ako bff." Tanging tugon ko sa kanya. Para akong batang paslit kung magsalita. "Puntahan mo kami sa cafeteria. Kain tayo ulit."

Narinig ko syang bumuntong-hininga. "Okay. Intayin nyo ako. Wag nyo kong ubusan." Bilin niya. Napangiti nalang ako. Inoff ko na ang phone. Tiningnan ko si Jake.

"Halika na Jake." Sabi ko sa kasama ko na nakangiti. Tapos sabay na kaming naglakad.

A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon