Gusto kong matawa na hindi sa sinabi niya. Tinamaan ako. Til death do you part. Ang lakas talaga ng positive charms nitong guardian angel ko. "Okay. Di ko tatanggihan yang offer mo. Walang bawian ha. Makikipagbati na ako kay Johnny ngayong birthday niya. So text nalang kita kung anong oras mo ako pwedeng sunduin this Saturday, okay?" Sabi ko sa kanya.
"Okay. No problem. By the way, before i forget, pwede ba kitang imbitahan this Friday sa house namin? May family dinner kami kasi anniversary ng Mommy at Daddy ko. Okay lang din kung hindi ka available."
Biglaan man para sa akin, hindi ako nagkaproblemang tanggapin. Kahit sa ganung mga paraan ay mabayaran ko ang utang na loob ko sa kanya. At friends naman kami, walang masama dun. Kadalasan tuwing bago ako matulog, naiisip ko sya. Meron ba kayang chance na mahulog ako sa kanya? Eh ang alam ko lang ay inlove ako sa bespren ko.
"Yes. Pupunta ako. What time naman yung dinner? Hindi ba naman nakakahiya sa parents mo na nag-imbita ka ng total stranger sa anniversary dinner nila?" Pag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Nope. Your not a stranger at all. Their dying to meet you na nga eh. I've been talking about you to them. Pati na nga yung panliligaw ko, alam din nila. And i think they like you." Bigla na lang syang nagblush at nag-iwas ng tingin. Ang cute nyang tingnan. Ganun ba nya ako kagusto na naikuwento nya ako sa parents nya? How fascinating.
"Ga-ganun ba? Mas lalo ata akong kinabahan ha. Baka mahulog na ang puso ko sa sobrang kaba pagpunta ko dun." Nagsasabi ako ng totoo. Lalo na its my first time. Ibang-iba sakin ang ganitong sitwasyon. Ang may manliligaw, nakikipagdate at i-meet ang parents niya. Everything's new to me.
"Don't worry. Andito naman ako eh. Pag nahulog yang puso mo, promise sasaluhin ko." Lub-a-dub-dub. Tibok ng puso ko. Parang sasabog na yung puso ko sa sinabi niya.
"Hoo. Tigilan mo na nga ang pagkain ng mais. Ang corny, corny, corny, corny muna kasi." Pinisil ko ang pisngi nya. Halatang nasaktan sya pero tumawa lang naman sya. Humagikhik kaming dalawa.
"Sige na. Uwi ka na. Text-text na lang. Okay?" Sabi ko sabay paalam. Hindi mawala sa amin ang mapangiti ng malaki. Hindi pa ko pumasok sa loob ng bahay namin, hinintay ko munang makasakay sya ng taxi. Kumaway sya sakin bago pumaloob sa taxi.
Siya ang laman ng isip ko nung gabing yun. Hindi ko lubos akalain na may magmamahal nang ganito sakin. Na papahalagahan ako na higit pa bilang isang kaibigan kundi bilang isang babae. Matututuhan ko kayang mahalin si Jake? Sabi nila ganun daw ang love. It can be learned and developed. Sana nga. At dun di ko na napigilan ang ipikit ang aking mga mata sa antok.
Sa kinaumagahan, nang pumasok na ako sa school, hindi ko maiwasang mailang kasi halos pinagtitinginan na ako ng mga tao sa skul. Binilisan ko nalang ang paglakad para makarating na ako sa klasrum kaagad. Nakahinga na ako ng maluwag ng makita ko ang bff ko. At least may kasama na ako.
"Bff. Ang weird ng mga tao. Ba't nila ako pinagtitinginan? May nagawa ba akong kasalanan? May alam ka ba na hindi ko alam?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi ko maiwasan ang mag-panic.
Hindi siya sumagot agad. Nakatingin lang sya sa akin at walang imik. Mas lalo na akong nabahala. Nakakunot ang noo nya.
"Bff? Ano? May nangyari ba na hindi ko alam?" Pamimilit ko sa kanya. Nadinig ko nalang syang bumuntong-hininga.
"Wala ka ba talagang alam? O ayaw mo lang talagang sabihin." Tampong sabi niya. Nakapamewang siya na parang nanay. Nagulat ako sa inaasta niya. Hindi ko rin ma-gets kung ano ang ibig niyang sabihin.
"What!? Anong ayaw kong sabihin? Kailan ba ako nagtago ng sekreto sayo ha? Di ba promise natin sa isa't isa na di tayo maglilihiman?"
"That's the point nga Alliah. Nagpromise tayo na walang lihim na itatago sa isa't isa. So bakit di mo ako sinabihan ng tungkol sa inyu ni Jake?" Bulyaw nya.
"Anong tungkol samin ni Jake? Hindi talaga kita maintindihan bff." Nabigla man ako sa nasabi niya pero di ko pinahalata. Sasabihin ko naman talaga sa kanya ang tungkol sa panliligaw ni Jake pero parang may nakauna yata sakin at parang di ako sigurado kung anong klaseng chismis ang kumalat.
"Hindi mo maintindihan? Eh ano tong picture na to sa IG? Kayong dalawa to diba? Ano ang hindi mo naiintindihan dito?" Galit na ipinakita niya ang picture sa phone nya. Bigla akong napanganga. Kami nga ni Jake ang andun. Kuha namin yung dalawa sa park. "Bakit Alliah? Akala ko bff tayo, ba't ka naglihim sakin." Halos mangiyak-ngiyak ang bff ko.
"Oh my God. Let me explain, okay!" Huminga ako ng malalim. "Alam mo bff, sasabihan sana kita about sa kanya kahapon, however, naging pre-occupied ako ng nangyari samin kay Johnny. I totally forgot about him. Please maniwala ka sakin, bff. Kilala mo naman ako diba? Never. As in never kitang dinis-appoint. If ever siguro ngayon lang." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Ginawa ko ang lahat para maniwala sya.
Napaisip ang bff ko. Alam kong maniniwala sya sakin. Hindi kami magiging bff kung hindi namin nauunawaan ang isa't isa. Napaka-unreasonable naman nya kung di nya pakikinggan ang paliwanag ko. Pero i'm still worried, of course. Baka kasi maulit na naman yung nangyari sa amin ni Johnny. I don't know what i will do if ever magkalayuan din kami nang loob nitong bff ko.
"Sige. Palalampasin ko muna to. Baka malate tayo sa klase. Halika na." Sabi nya sabay hila sakin. Buti nalang hindi pa dumating ang adviser namin. Yun pala free time namin ang buong umaga kasi may meeting ang mga teachers. Pagkakataon na yun na ipagpatuloy ko ang pagpapaliwanag kay bff ko. Batid kong hindi pa rin sya kumu-cool down.
"Bff. Sorry na talaga. Please forgive me." Pagsusumamo ko sa kanya. Ipinakita ko na sincere talaga ako. Kulang na nga lang na lumuhod ako sa harap nya.
"Okay. Okay. Pero dapat ikuwento mo ang lahat sa akin. Ang lahat ng katotohanan." Natuwa ako. Hindi naman ako nahirapang magsalita. Pinagkakatiwalaan ko naman sya.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart: My bestfriend and My Guardian Angel
JugendliteraturThere are always stories about best friends falling in love... Pa'no kung ang third party ... eh ay Guardian Angel mo? Will there be a change of heart? Sino ba ang pipiliin ni Alliah? SI best friend na pinakamamahal niya pero hindi naman nito alam...