Chapter 01

6.8K 151 53
                                    

DIRETSO LANG ang aking tingin habang naglalakad. Ang dami kasing tao. Mahirap na't baka mamaya ay may mabunggo pa ako. Nasa mall ako ngayon kasama ang aking kaibigan. Katatapos lang naming kumain sa isang fast food stall. Abala ako sa pag-ubos ng aking coned ice cream habang hawak-hawak naman ng aking isang kamay ang mga pinamili kong gamit para sa school.

“Uy Beshie, tara do’n. Marami akong nakitang mga magagandang heels at sandals sa shop na iyon,” ani ng balahura kong kaibigan at bago pa man ako makapagsalita ay nahigit na niya ang aking kamay papunta sa sinasabi niyang  isang shoe shop. Wala akong nagawa kundi magpatianod sa kanya. Muntik pang matapon ang kinakain kong ice cream sa aking blouse.

Ano ba ’yan! Kung hindi ko lang best friend ang bruhang ’to, masasabunutan ko talaga siya. Hinayaan ko na lamang siya at sumunod sa kaniyang yapak papasok ng shoe shop at tuluyan nang inubos ang aking pagkain.

My friend is too obsessed of collecting sandals with killer heels. Well, as long as she’s happy, I’m going to support her. Naging impulsive buyers na tuloy kami pero ayos lang.

Wala naman kasi sa budget namin ang bumili ng kung anu-anong abubot sa katawan. Ang sadya lang naman namin dito sa mall ay bumili ng mga school supplies na gagamitin namin bukas. First day of school kaya heto, nagpapakaestudyante na naman kami.

Ang kaso dakilang shoppaholic itong kasama kong bruha. Hinayaan ko lang siya na pumili ng mga gusto niya. Wala naman akong alam pagdating sa mga sandal at sapatos kaya pumirmi na lang ako sa isang tabi. I am contented with my flat shoes. And besides, I don’t care about fashion. I am okay with simple plain t-shirt, jeans and sneakers.

By the way, I am...

“Yumi Illona Perez, nakikinig ka ba sa akin? Kanina pa kita kinakausap! Saan dito ang mas maganda? The brown one or the red one?” reklamo sa akin ni Lucy at saka nagtanong kung anong heels ang nababagay sa kaniya.

Kailangan talagang full name ko ang bigkasin niya? Well, yes. That’s my beautiful name.

“Yumi Illona Perez, 18, Philippines! I am asking you which of the two is better,” pangungulit sa akin ng aking kaibigan.

Napaikot na lamang ako ng mata sa kaniya at sinagot ang kaniyang katanungan. Alam niya namang wala akong hilig sa mga ganiyan kaya bakit sa akin pa siya nagtanong?

“The red one,” I answered her out of boredom.

“Okay, I’ll go with the brown one. Miss, I’ll buy it,” she uttered.

“Nagtanong ka pa. Hindi mo rin naman pala iko-consider ’yong choice ko,” litaniya ko sa kaniya saka muling pinaikot ang aking mga mata.

“Sorry na po. Alam ko kasing hindi ka marunong pumili kaya taliwas sa pinili mo ang kinuha ko,” she explained then giggled. Whatever!

My best friend branded me as ‘the bitter princess’. It’s not that I don’t believe in love, destiny and the likes. It’s just that I am taking precautionary measures to avoid pain and heartbreaks. Sometimes, we broke because we loved. Wait, why I am explaining things like these? Whatever! More than that, I have nothing to say about myself.

“Hey, are you okay? May bumabagabag ba sa’yo, beshie?”

I looked at her with my usual blank expression. Well, she's my best friend, after all. She knows me well. She knows when I am lonely or happy.

Mabunganga siya at parang nanay kung tumalak. Pero mahal na mahal ko ’yan kahit minsan or madalas ay naiingayan na ako sa kanya. Minsan nga naisipan kong pasakan siya ng tissue sa bibig para tumigil sa katatalak sa akin. Pero siyempre di ko 'yon ginawa. And oh! Before I forgot, she is Lucy Madrigal.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon