DIRETSO LANG ang lakad niya at hindi tumitingin sa ibang direksiyon. Bakas rin ang pagkagulat sa mukha ni Lucy. What a coincidence?!?
“Beshie, tadhana na talaga ang naglalapit sa inyong dalawa. Maybe, he’s the king charming of your life who will break the curse,” pabulong na tudyo sa akin ng aking kaibigan.
King charming? Is there such a term like that? Ang sagwang pakinggan. At anong curse na pinagsasabi niya? Masasapak ko talaga ang babaeng ito kapag nagkataon.
“Puwede ba, Beshie, ni hindi nga tayo napansin dito! Bagay na pabor sa akin. Don’t mind him. He’s nothing but a stranger to me,” naiinis na wika ko pero pabulong lamang para hindi kami makaakit ng atensyon.
Ilang sandali lamang, isang babae naman ang pumasok sa loob ng room. May suot siyang reading eyeglasses, lila ang kulay ng kaniyang uniporme, katamtaman lamang ang kaniyang pangangatawan, hindi gaanong matangkad at nasa edad 30-40 taong gulang kung pagbabasehan ang kaniyang pisikal na hitsura.
I bet she’s our adviser. No one stands up to greet her. What’s up with these students? They greeted that Campus King of them a while back with matching bowing of heads, but, they didn’t seem to care doing it to the person in front. Insolents!
“Good morning, ma’am!” I uttered with courage and modesty I have within me. She smiled and bowed lightly to me.
“Good morning, everyone!” she happily exclaimed, showing her sweet smile plastered on her face. Wala man lang tumugon sa kaniya.
“I said, good morning everyone!” halit sa lalamunang sigaw ng aming guro. Napaawang ang aking bibig dahil sa mabilis na pagbabago ng kaniyang ugali. Ang malaanghel niyang itsura ay bigla na lamang naging isang nakakikilabot na halimaw. Biglang bumigat ang hangin sa loob ng silid at makikita ang labis na takot sa mukha ng aking ibang mga kaklase.
“G-good morning, Mrs. Alvarez,” sabay-sabay nilang hayag at halata ang kaba sa kanilang mga boses. Napangisi ako. May kasabihan nga na kapag hindi mo kayang daanin sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan.
Nag-roll call muna ng pangalan si ma’am at matapos no’n ay nagpakilala siya sa aming hindi pa nakakikilala sa kaniya.
“Good morning again, my HUMMS-12 Lavenders.” Muling bumalik ang pagiging malambing ng kaniyang tinig. This teacher is one of a kind.
“For the sake of those who haven’t know me yet, I am Mrs. Jamaica Alvarez. I’m sorry for entering late in our first meeting. By the way, I am your class adviser for this academic year. I do hope that you will participate in any classroom activities. Are we all clear?” nakangiting sambit ni Ma’am Alvarez. Wala ni isang tumugon na naman sa kaniya kaya bigla na namang umusok ang kaniyang ilong sa inis.
“Ang sabi ko, whether you like it or you like it, makikipag-participate kayo sa lahat ng activities na ipapagawa ko. Nagkakaintindihan ba tayo?!?” hayag niya na may diin sa bawat salitang binibitawan niya.
“Yes, Ma’am!” mabilis pa sa alas-kuwatrong sagot naming lahat at ang ilan ay nahuhuli ko pang napapalunok ng kanilang sariling laway.
Ramdam ko na sila ngayon kung bakit takot na takot ang kanilang ekspresiyon sa mukha. Our teacher is really one of a kind. She is half human and half monster.
“Good!” magiliw niyang saad at saka ngumiti sa amin.
Kinalabit ako ni Lucy. Mukhang may ichichika na naman sa akin ang bruhang ’to. Pinandilatan ko lamang siya ng mata dahil baka mapansin kami ni Mrs. Alvarez. Mahirap ng masigawan ng parang naglilihing dinosaur.
Ikinabit ni Ma’am ang kaniyang laptop gamit ang HDMI sa malaking telebisyon na nakadikit sa gawing itaas ng whiteboard sa harapan. Iba na talaga ang mundo sa panahon ngayon. Masiyado nang moderno at makabago. Nakatutok lang ang atensiyon ko sa pisara nang mapansin ko sa aking peripheral view na parang may kung sinong nakatingin sa aking gawi.
BINABASA MO ANG
My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)
Teen FictionLove is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened. It only takes a snap of fingers or blink of an eye to fall in love with someone. It do not require too much time to like a person. Two peopl...