MSITCK #FORTY TWO: Unexpected

1.5K 46 6
                                    

Dedicated to silent_spade

A/N:

Hahahaha, sinabi ko sa previous chapter na yun na ang final chapter pero mukhang hindi pa ata. Sinipag si author magsulat. Dear readers, para sa inyo 'to. Hope you like it. Enjoy. Lovelots❤

@Phantom_Knight09

Nga pala, I already have fb account. Add me and I'll confirm you. Tom Knight Wp- that's my account though dummy account lang siya. Thank you!

Chapter Forty Two: Unexpected

Ilang araw na rin ang nakalipas nang makalabas si Rave sa hospital at ngayon ang araw ng pagbabalik niya sa Kingston bilang Prime Master namin.

May nakita akong mga banner kanina na inihahanda ng mga estudyante lalo na ang mga Seniors. Umaga palang nasa gate na sila para abangan si Rave. Huwag lang nilang lalandiin ang aking King kundi makakakita sila ng demonyong anghel pag nagkataon. Hahaha... Eh bakit ba!

Wala nga kaming label pero kailangan pa bang bigyan ng label ang isang relasyon para masabi mong nagmamahalan kayo?

Binuksan ko naman ang aking bag at tiningnan muli ang ginawa kong sandwich para sa kanya. Excited na akong ibigay 'to sa kanya. Sana magustuhan niya. Naiimagine tuloy 'yong mukha niya 'pag ibinigay ko na 'to sa kanya.

Nakarinig naman akong ng isang malakas na hiyawan sa ibaba kaya dumungaw ako mula sa bintana kung ano ang nangyayari. Nasa pangalawang palapag kasi ako ngayon, sa may library ng HUMSS department. Nandito na kaya siya? Nakumpirma ko naman at nasagot ang tanong ko nang bigla nagsihawian ang mga estudyante at sa gitna nila ay may isang lalaking naglalakad ng napakapresko habang ngiting ngiti pa. Mayabang nga siya at presko pero wala akong magawa dahil sa kanya na ngayon tumitibok ang puso ko.

Nagmadali kong kinuha ang aking mga gamit at tsaka labas ng library. Bumaba ako sa may hagdan pero sa kamalas-malasan nga namang pagkakataon, nasa pinakahuling hakbang na ako ng hagdanan nang matapilok ako sa suot kong takong. Oo nakatakong ako ngayon. And take note, bago ko ituloy, babagsak na pala ako. OMG Yumi, ba't ba ang tanga tanga mo? Sita ko sa sarili ko pero huli na ang lahat dahil babagsak na talaga ako.

"Aaaaaaaaaaaaahhh," malakas at mahabang tili ko na I'm sure ay nakaagaw na ngayon ng atensiyon ng mga estudyanteng dumaraan.  Ay ang OA ko naman kasi. Nagmukha na ngang Tanga, ipinangalandakan pa.

"Alam mo my queen, maganda ka pero tanga at lampa ka lang minsan." Sa boses na yun ay bumalik ang aking huwisyo. Queen??? Rave??? Awtomatikong napamulat ang aking mga mata at bumungad ang super close na mukha ni Rave sa akin. Napakafresh niyang tingnan sa kanyang school uniform. Naaamoy ko rin ang kanyang pabango. Kumuha nalang kaya ako ng walang lamang bote ng pabango at ilalagay ko dun ang pawis niya. Nang mapagtanto kong ilang minuto na kami sa ganung posisyon, ako na ang unang umayos sa aming dalawa.

"Ah salamat. Buti nalang nasalo mo ako," pagpapabebe ko. Hahaha lumelevel up na talaga ang kalandian ko. Sapukin niyo nga ako sa ulo nang matauhan.

"Buti nalang walang ibang nakasalo sa'yo kundi makakapatay ako ng tao." Ewan ko kung maiinis ako sa sinabi niya o kikiligin kasi feeling ko kinikilig talaga ako ngayon. Ang gulo ko.

"Salamat ulit."

"Ano ka ba my queen, tungkulin ng hari na iligtas ang kanyang reyna at protektahan siya palagi."

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon