A/N:
Sobra kong namiss ang kwentong ito at mahigit tatlong buwan na rin mula nung huli kong binisita ang aking mga kwento dito sa watty sa maraming kadahilanan. At dahil miss kong mag-update, heto ang special na chapter para sa inyo. Thank you. Hope you like it, my dear Royalties!Dedicated to ysaoberes
~*~
Special Chapter- Part IMarahan akong humigop ng kape sa tasa habang pinagmamasdan ang paunti-unting pagbagsak ng maliliit na butil ng ulan.
Kaaga-aga pero malungkot ang kalangitan. Katulad lang din ng nararamdaman ko ngayon. Hayss... Napabuntong hininga na lamang ako.
The morning breeze gently slap my face as I open my room's window. Dumungaw ako sa may gate ng aming bahay at sa labas ay may isang lalaki ang nakatayo doon, basang-basa dulot ng ulan at nakatungo ang ulo nito sa kanyang mga paa habang may nakasabit sa kanyang leeg na placard at may nakasulat na "I'm sorry my mii :(".
I was in awe at halos mabitawan ko ang hawak kong tasa ng kape. Anong ginagawa niya dito? Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya, tumingala siya sa akin at nginitian. Baliw na talaga siya. Rave naman eh. Nagmadali akong kumuha ng tuwalya at payong saka binilisan ang pagbaba ng aking kuwarto at paglabas ng bahay para makita ang kalagayan niya.
" Baliw kaba..."
"Oo, baliw na baliw sayo."
Seriously? Nagawa pa niyang bumanat sa ganyang kalagayan. Lumapit ako sa kanya at ibinalot sa kanya ang towel na hawak hawak ko habang nakapayong. Pansin ko ang pangangatog ng kanyang tuhod kaya minadali kong dalhin na siya sa loob. Isasantabi ko muna ang sama ng loob ko sa kanya. Kung hindi ko lang mahal tong ungas na 'to, hindi ko talaga siya tutulungan.
Hindi pa man kami nakapasok sa loob ng bahay ay pinigilan niya ako at hinawakan niya ang aking braso gamit ang nanginginig niyang kamay saka ako iniharap sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mapupungay na mata at tila ba nagmamakaawa ang mga ito. Napaiwas ako ng tingin at nakaramdam ng guilt.
"Please mii, listen to me. I'm sorry. Please forgive me. I...," inilagay ko ang aking hintuturo sa kanyang bibig at pinatigil siya sa pagsasalita. Namamaos na rin kasi ang boses niya malamang dahil sa pagkababad sa ulan. Nakokonsensya ako. Kung nakinig muna ako sa kanya bago nagreact, hindi sana mangyayari ito. Kung sana hindi ko pinairal ang pride ko, hindi sana mangyayari 'to.
"It's best kung papasok muna tayo nang makapagpalit ka at saka tayo mag-usap," nakokonsensya at puno ng pag-alalang saad ko sa kanya.
Tumango naman siya at sabay kaming pumasok. Pati ako ay basa na rin pero walang wala to sa basang naranasan niya. Iniwan ko siya sa sala at tumungo ako sa kuwarto ni kuya para kumuha ng mga damit niya na ipapahiram ko kay Rave. Magkasing-size lang naman siguro sila ng katawan. Buti nalang wala sila at ako lang ang natira dito sa bahay. Pati sila manang at yung driver namin ay wala rin. In short kami lang dalawa ngayon ang nandito.
Pagkakuha ko ng damit, bumaba ako agad para ibigay ang mga ito sa kanya. Pagkabigay ko, nagpaalam muna ako na magpapalit lang din ng damit saglit sa aking kwarto.
Ilang minuto lang na pagpapalit ng damit at tsaka na ako bumalik sa may sala. Nandun siya at pansin ko parin ang kanyang panginginig.
BINABASA MO ANG
My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)
Teen FictionLove is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened. It only takes a snap of fingers or blink of an eye to fall in love with someone. It do not require too much time to like a person. Two peopl...