BINILISAN KO ang pasusuklay at pagtatali ng aking buhok habang nakaharap sa malaking salamin na nasa taas ng lababo. Samantalang si Lucy naman ay abala sa pagre-retouch.
"Na-stress tuloy ang beauty ko. Next time talaga na mang-aaway pa 'yong pugitang 'yon, hindi na ako magpipigil pa na kalbuhin 'yon," dada ni Lucy habang naglalagay ng pulbo sa kaniyang mukha. Napabuntonghininga na lamang ako.
"Sorry, Beshie. Alam ko namang hindi ko na dapat siya pinatulan kanina pero nakaiinis kasi. Salamat din pala sa pagsalo mo ng sampal no'ng babaeng 'yon na tatama sana sa beautiful face ko. Na-touch din ang aking puso sa sinabi mo. Ang suwerte ko talaga sa iyo," pagpapatuloy niya. Tumingin ako sa kaniya.
"What are friends for? Siyempre, kahit mukha kang bruha, hindi ko pa rin maaatim na saktan nila ang pinakamamahal kong kaibigan," saad ko sa kaniya ngunit imbes na magdiwang sa tuwa, ngumuso siya sa akin.
"Bruha talaga, Beshie? Sa ganda kong ito?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Napatawa naman ako. Matapos naming mag-ayos sa loob ng comfort room, pumasok na kami sa aming silid-aralan. Hindi pa naman nagsimula ang klase. Good thing, maaga kaming pumasok ng paaralan.
Maayos at tahimik ang classroom na nadatnan namin. Marahil ay dahil kay Rave na nakaupo na ngayon sa kaniyang puwesto sa likuran. Napatingin lamang ang iba sa amin habang naglalakad patungo sa aming upuan ni Lucy pero saglit lang at bumabalik din sila sa dati nilang ginagawa. Mukhang abala ang karamihan sa pagsagot ng aming takdang-aralin sa Math-the art of rushing. Ilang minuto na lamang, magsisimula na ang klase sa namin sa first period.
Tumunog na ang buzzer at kasunod nito ay ang pagpasok ni Miss Jamaica sa loob ng room. Nagulat naman ako at nanibago nang ang lahat ng aming mga kaklase ay halos kasabayan lang namin ni Lucy sa pagtayo para batiin si Mrs. Alvarez ng magandang umaga.
"Good morning, Ma'am!"
"Good morning, Grade 12 Lavenders. Have your seat," she greeted back with enthusiasm in her sweet voice. Mukhang wala naman yata siyang dalaw ngayong araw. Ang genuine kasi ng smile ni Ma'am.
"Okay, class, before we are going to start the discussion, let's have an activity first. How many are you again here?" usal ni Mrs. Alvarez. Sumagot naman si Rave sa kaniyang katanungan.
"We are all 31 here, Ma'am," buong galang na pagtugon ni Rave. Napalingon kaming lahat sa kaniya. May sumapi bang anghel sa lalaking 'to?
"May pasobrang isa dahil special kayo. Sige, divide the class into five. Four groups with six members and one group with seven members. Go on, count off from one to five until the last person at the back," wika ni Ma'am Jamaica sa amin.
Nagsimula namang magbilang ang mga kaklase namin sa harapan.
"Four!" sambit ni Lucy sa aking tabi. That only means na ako na ang susunod.
"Five!" hayag ko naman. Napatingin naman sa akin ang aking mga kaklase na may kapareho kong numero. Ngumiti ang ilan sa akin habang ang iba naman ay parang wala lang. Mukha namang mababait sila. Nagitla ako at napaiktad sa pag-iisip nang marinig ang sinabing numero ni Rave.
"Five!" Ngumiti siyang muli sa akin at kinindatan ako paglingon ko sa kaniya.
Teka, lumipat siya ng upuan at nakipagpalit sa katabi niya para maging group five din siya. That's unfair. Gustuhin ko mang sabihin kay Ma'am Jamaica ngunit hinayaan ko na lamang. Mukhang ang saya-saya ng mga kagrupo ko dahil nakasali siya sa amin.
Natapos na ang pagbibilang at sinabihan na kami ni Ma'am na pumunta sa aming mga grupo.
"Okay, go to your groups and form a circle. Group one here in front, group two will be at the back of group one, group three will be here followed by group four and group five will be at the back," Ma'am instructed while moving her hand to point where we are going to stay with our group.
BINABASA MO ANG
My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)
Teen FictionLove is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened. It only takes a snap of fingers or blink of an eye to fall in love with someone. It do not require too much time to like a person. Two peopl...