Author's Note:
Sesegway muna ako..hahaha...Hello there! Ilang days rin akong hindi nag-update or should I say one month na kasi last update was September 1 pa. Nevermind, by the way, namiss ko 'to. Guys, suggestion lungs, comment naman kayo nang sa ganoon ay makilala ko naman kayo. Mabait naman si author at hindi nangangagat, pwera nalang pag gutom. Hehe, jowks lungs... I am not forcing you to do it as long as you support and like my stories, eh masaya na ako dun. Happy 400 reads pala sa kwentong 'to. Sana dumami pa ang readers..hehehe.
I'm sorry pala sa matagal na update dahil sobrang busy po si author sa mga school works. Intindihin niyo na po ako, kakatapos lang po kasi ng SFOT namin. Sorry for typos and mispelled words. Tamad po ako mag-edit.
Oh siya sige , eexit na ako dahil masyado nang marami akong nasabi. Lovelots to you my dear readers.
PS: You can check my other story entitled "Magicston Academy: The Phoenix Princess" kung hindi kayo busy. It's available in my profile
@Phantom_Knight09
Chapter Thirty Four: Deceived
"Miss Perez, well wala namang gaanong injuries ang natamo niyo at light lang po ang sugat niyo sa ulo. Maya maya lang, pwede na kayong madischarge. Kukunin ko lang yung pipirmahan niyong document nang sa ganoon ay makauwi na kayo," litana ng sumuring doktor sa akin. Tumango tango na lamang ako habang siya'y nagsasalita dahil tama naman ang kanyang sinabi. Kung tutuusin nga, kaunting galos lang sa braso at mababaw na sugat lamang sa ulo ang natamo ko. Nag-inarte lang talaga ako noon.
"What about the expenses?," pigil sa kanya ni Lucy bago lumabas ng pintuan. Muling humarap siya sa amin at saka sinabing, "Don't worry about it. Mr. Castillo already handled that matter." Ngumiti muna siya sa amin bago tuluyang umalis.
Speaking of Rave, bakit kaya di pa siya bumabalik? Sinabi niya kasing babalik siya pero naghintay kami at hindi na siya nakabalik pa. Tumawag kasi ang dad niya kagabi, pinapauwi raw siya. Siyempre sino naman ako para pigilan siya diba na umalis. Pamilya niya kaya yun.
Pero bago siya umalis, sinabi niyang babalik din siya agad pag natapos ang usapan nila ng kanyang dad. We waited so long until we fell asleep. Akala ko nga, paggising ko kanina, siya yung nasa tabi ko. Guni-guni ko lang pala. Hayss, ganito ba ang epekto sa akin ng lalaking yun? Did I really fell in love with him?
Ilang minuto lang din ay nakabalik si Dr. Lazaro. Si beshie na ang pumirma since wala ang aking mga magulang. Alam ni beshie na ayaw ko silang nag-aalala kaya marahil hindi na niya pinaabot pa sa kanila ang nangyari though may karapatan silang malaman ang nangyayari sa akin. I heaved a sigh. Makakalabas na rin ako dito, sa mga pinakaayaw kong lugar, isa na dun ang hospital. I hate staying in place like this. Feeling ko kasi ang hina hina ko na walang kakayahang indahin ang mga sakit. Haha, charr lang...
~~~
Nakarating kami sa dorm bandang alas nuwebe ng umaga. Tutal super late, minabuti na naming huwag pumasok. Mamayang hapon na lang. Tumunog naman ang aking cellphone na ipinatong ko kanina sa aking study table. One message received, mula kanino? Walang pangalan eh.
From 0965*******:
Kamusta na ang pakiramdam mo? Nakuwi ka na ba?
BINABASA MO ANG
My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)
Teen FictionLove is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened. It only takes a snap of fingers or blink of an eye to fall in love with someone. It do not require too much time to like a person. Two peopl...