Chapter Twenty Nine: An-an and Bunny
Yumi
Humigop lang ako ng pineapple juice na inihanda ni mama habang pinanonood ang Gandarrapiddo: The Revengers Squad sa Cinemo. Kahit medyo fan ako ni Vice, hindi ko magawang mag-pokus at matawa sa aking pinapanood dahil patuloy parin akong binabagabag ng mga nangyari kahapon. Aissst.. Bakit ko ba iniisip yun? Nga pala, kami raw ang first runner up sa duet kahapon balita sakin ni Lucy. Oks lang sa akin kahit di kami nanalo at nagchampion. Malay ko ba sa singing contest chena chena na yun. Lalo na yung..arggghhhh...kainis,ba't ba kasi bigla bigla nalang sumasagi sa aking isipan ang bagay na yun? Di tuloy ako makapagconcentrate sa pinapanood ko.
"Huy, ayos ka lang?" gulat sa akin ng aking balasubas na kuya. "Anak ng sinampalukang tinapa naman oh. Ba't ka ba nanggugulat?", singhal ko sa kanya.
" Hehe..namiss ko lang yung itsura ng pangit mong mukha pag nagugulat. Sayang dapat pala hindi ko iniwan yung phone ko sa kwarto for documentation. Your face seems so priceless when pissed off," pamemeste niya sa akin. Inismiran ko lang siya at saka humigop nalang ako sa aking juice. Umalis naman siya at nagpunta sa may banyo para maligo. Buti nga, ang bantot na niya kasi..haha.. Sakto namang dumating si beshie at kinuha ang remote para patayin ang telebisyon.
"Ba't mo pinatay?", inis kong sambit sa kanya. "Ano ka ba beshie, pati ba naman yung cast of characters sa pinapanood mo aabangan mo rin? Magtatapos na nga yung panood pero halata namang wala kang naintindihan. Aminin mo, iniisip mo si Rave noh? Ayieehhh..kinikilig siya oh, namumula yung pisngi," panunukso niya. Umupo siya sa sofa saka kumuha ng kinakain kong chips. Isa pa tong peste sa buhay ko. Magsama sila ni kuya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi naman siya natinag, bagkus, ay natuwa pa.
"Ba't di mo na kasi aminin na gusto mo rin siya? Ano ba beshie, deny pa more pa ba ang drama natin?", pang-iintriga niya sa'kin.
" Ewan ko beshie pero takot na akong magmahal muli. Wala na nga sa siguro sa bokabularyo ko ang salitang pag-ibig," bitter kong saad.
"And the Bitter Princess strikes back. Ang sabihin mo takot kang masaktan. Hindi ka natatakot sa pagmamahal. Ang ikinakatakot mo ay baka masaktan ka lang 'pag ipinagkatiwala mong muli ang puso mo..."
"Ano ba beshie, tama na nga yang pagdradrama mo. Hindi mo man aminin, alam kong may gusto ka rin kay Rave. Ang kaso takot ka lang na aminin ito sa sarili mo," pagpapatuloy niya. Natahimik na lang ako dahil natatamaan ako sa kanyang mga pinagsasabi. Ewan ko pero nasasaktan ako. Parang biglang ang bigat bigat ng aking pakiramdam. Handa na nga ba ako? Handa nga ba akong magtiwalang muli? Bumuntong hininga nalang ako at napaisip. Maging ako ay hindi ko alam ang mga kasagutan sa aking mga tanong.
"Sige beshie, maliligo lang muna ako," pagpapaalam ko sa kanya.
"Okay basta pag-isipan mo yung mga sinabi ko at kapag natukoy mo na talaga kung ano ang tunay mong nararamdaman para sa kanya, balitaan mo agad ako, ha?", hirit niya habang papaakyat ako sa aking kwarto.
***
Pagkatapos kong maghugas ng katawan, humarap ako sa salamin para suklayin ang aking buhok. Napatigil nalang ako nang makita ko ang isang stuff toy na bugs bunny sa gilid ng aking mesa. Pare-pareho lang naman ang mga lalaki, pare-parehong mang-iiwan.
*Flashback...
" Uy An-an, may nahanap ka na bang easter egg?", tanong sa akin ni Bunny habang hawak hawak ang isang basket na may lamang nag-iisang easter egg. An-an ang tawag niya sa akin kasi mahilig ako sa Anime'. Minsan pa nga Detective An-an, dahil peyborit ko ang Detective Conan. Bunny naman ang tawag ko sa kanya dahil mahilig siya sa mga stuff toys na may kinalaman sa mga bunnies. Kalalaking tao mahilig sa stuff toys. Hahaha...cute naman siya.
BINABASA MO ANG
My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)
Teen FictionLove is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened. It only takes a snap of fingers or blink of an eye to fall in love with someone. It do not require too much time to like a person. Two peopl...