Dedicated to ImJanny
Chapter Forty One:
Finally Awake"Hey, panget kong kapatid, gising na. We're home!," nagising naman ako nang marinig ko ang boses ng aking napaka-thoughtful kong kuya at sabay buga pa ng kanyang hininga sa aking tenga.
Abnoy talaga ng lalaking 'to. Alam ba niyang nakakaliti 'yong ginawa niya? Nakakainis. Panira ng beauty rest ko. 'Di ko namalayang nakatulog pala ako sa buong biyahe. Mga thirty minutes din yun siguro mula sa school hanggang dito.
Lumabas na ako sa sasakyan at sumunod kay kuya na pumasok sa bahay. Teka sa'n niya kinuha 'yong hawak niyang basket ng prutas? Galing ba yun sa kotse? Para naman kanino?
"Kuya, sa'n galing 'yang hawak mo? Pahingi naman nung apple," takang tanong sabay lahad ng kamay ko bilang sign ng paghingi nung apple dun sa hawak niyang basket. Umasim naman ang mukha niya at umiling iling pa sa akin.
"Ay damot. Lamunin mo lahat ng 'yan. Mabulunan ka sana," tudyo ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi umakyat nalang patungo sa kwarto ko. I feel like I am exhausted. Parang naubos lahat ng gana ko ngayong araw. Ewan ko kung bakit. Itulog ko nalang 'to. Nakasalubong ko naman si mama pababa ng hagdan na nakabihis. Nakapusod ang kanyang buhok nang maayos. Tila ba may pupuntahan siya ngayon.
"Ma sa'n po punta nio?," I asked in curiosity.
"Anak magbihis ka. May pupuntahan tayo." Imbes na sagutin niya yung tanong ko ay inutusan niya akong magbihis. Para saan?
"Sige na. Hintayin ka namin sa baba," dagdag pa niya. Kahit naguguluhan ay tumango na lamang ako at tumalima.
Pumasok ako sa kwarto ko saka ibinaba ang aking bag sa aking kama. Siguro mamaya nalang ako maligo. Mukhang nagmamadali si mama. Nagpalit ako ng jeans at tsaka nagsuot ng plain v-neck black t-shirt. Pinalitan ko rin yong flat shoes ko ng sneakers. Pagkatapos kong magpalit ay nagmadali akong bumaba na ng hagdan. Nakita ko sa sala sina mama, papa at kuya na naghihintay sa akin. Tumayo sila at ngumiti sa akin. Anong meron? Lumapit ako sa kanila para alamin kung anong nangyayari.
Pero bago pa man ako magsalita, inunahan na ako ni papa.
"We're going to the hospital," bungad niya sa akin.
Literal na napaawang ang aking bibig. Bakit? Anong nangyari?
"Para saan po? May masakit po ba sa inyo? Saan banda? Ma, Pa, sabihin niyo, kailangan po ba ng check-up ng abnoy na budoy kong kapatid?" pag-alalang tanong ko na may bahid nang pang-aasar kay kuya. Inirapan niya naman ako at binigyan ng nakakatakot na tinging nagsasabing 'Lagot ka sa akin mamaya.'Natawa naman si mama sa aking tinuran. "Ano ka ba anak? Walang may sakit sa amin at lalong hindi kailangan ng kuya mo ng check-up kasi sadyang abnoy lang talaga yan kaya intindihin mo nalang." Hahaha, napansin din pala ni mama na may tiwang sa isip tong anak niyang lalaki.
"Ma naman eh," inis na saad ni kuya sabay pout pa. Haha, di niya bagay."Anak napagdesisyonan lang naman namin na bisitahin natin ang magiting na lalaking nagligtas sa aming pinakamamahal na prinsesa. It's rude if we didn't pay him a visit, right? He saved you and we wanna thank him for his bravery and heroic deed towards you ." he said then smiled to me sweetly. And this time my jaw dropped. I didn't expect it from dad.
Because of inevitable happiness, I hug my dad. Mukhang hindi kona kailangang ipaalam pa sa kanila dahil sila mismo ay gustong bisitahin si Rave.
"Thank you dad, mom." Niyakap din ako ni mama.
BINABASA MO ANG
My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)
Teen FictionLove is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened. It only takes a snap of fingers or blink of an eye to fall in love with someone. It do not require too much time to like a person. Two peopl...