FIVE MINUTES left before dismissal. Our teacher is still discussing without bothering herself to ask what time it is. Some are yawning already— sign of boredom. It’s clearly etched on their faces that they badly want to go home.
“Ma’am, isang minuto na lang. Pauwiin mo na po kami,” one of my classmates snorted. Then, the room became noisy and was filled with rants. I can’t manage not to frown. This section is really full of spoiled brats.
“Let’s just wait for the bell to ring,” our teacher in DIASS subject uttered calmly. She has a sweet voice. Halata sa aming guro na mapagpasensiya siya at hindi madaling magalit. Ilang segundo lang, tumunog na nga ang buzzer at dumating na ang pinakahihintay ng aking mga kaklase. Napapangiwi na lamang ako dahil sa kanilang inaasta.
Hindi pa man nakaaalis ang aming guro sa aming room ay nag-unahan nang lumabas ang ilan lalong-lalo na ang mga kalalakihan. Napabuga na lamang ako ng hangin sa aking bibig nang hindi ko namamalayan.
Inayos namin saglit ni Lucy ang aming mga gamit bago lumabas ng classroom.
“Ihahatid ko na kayo. Just tell me your address.” Nagitla ako sa pagsasara ng aking bag nang biglang magsalita si Rave sa aking likuran. Napalingon ako sa kaniya. Nasa kabilang pangkat siya ng mga upuan at hinati ng center aisle ang pagitan namin. Now, he’s keeping my three-meter rule in his mind. Pero kung titingnan, wala pa sa tatlong metro ang layo namin sa isa’t-isa.
Call me ‘overacting’ but I don’t care. A rule is rule.
“No, it’s okay. Malapit lang naman dito ang boarding house namin ni Lucy. We can walk,” pagtanggi ko sa kaniyang alok.
“Okay lang, Rave. Kaya naman ng powers namin na maglakad. Next time na lang. Thank you sa offer,” magiliw namang hayag ni Lucy.
“Okay. Bye then, for now. Bye master. I’m off now,” kalmadong wika niya at nagpaalam saka bahagyang yumuko sa akin. Nauna na siyang lumabas ng silid. Mukhang may pupuntahan yata.
Is it just me or there’s really something off about him today? Hindi ko lang alam kung ano pero tila malungkot ang tono ng kaniyang boses.
“Anong nangyari do’n, Beshie? Mukhang malungkot yata ngayon ang Papa Rave mo,” sambit ni Lucy sa akin na may halong pambubuyo. Inirapan ko siya na naging dahilan para humagikhik ang bruha sa akin. Nagsisimula na naman siyang mang-asar.
“Malay ko ba kung anong nangyari do’n. Mukha ba akong manghuhula?” mapang-uyam kong tugon sa kaniya.
“Baka kasi may misunderstanding or lover’s quarrel kayo kaya malungkot siya ngayon,” pilyo niyang sambit sa akin. Pinagsasabi ng babaeng ’to. Hindi man lang siya kinikilabutan sa mga sinasabi niya.
“Isa na lang talaga, Lucy, mababatukan na kita,” pagbabanta ko sa kaniya na may kasamang matatalim na titig. Nag-peace sign naman siya sa akin saka tumawa lamang.
“Ito namang best friend ko, hindi lang mabiro. Umuwi na nga lang tayo,” pag-iiba niya ng usapan saka kinuha ang aking kamay at iginaya palabas ng silid.
Mangilan-ngilan na lamang ang mga kapwa naming estudyante na naiwan sa loob ng eskuwelahan. Nang makarating kami sa gate, nagpaalam naman si Lucy sa guard na nakatambay sa guardhouse. Hindi naman sa papansin siya. Sadyang palakaibigan lang talaga siya sa kahit sinuman.
Nasa kanto na kami at liliko na sana sa pasilyo patungo sa aming boarding house nang biglang may mga tambay na lalaki ang sumipol sa aming dalawa ni Lucy. Nakuha nila ang atensiyon namin kaya napalingon kaming dalawa ng aking kaibigan sa kanilang direksiyon.
Muntik na akong masuka sa kanilang mga pagmumukha. Mukha silang mga adik na nakahithit ng basang medyas.
“Hello, Miss Beautiful Ladies. Puwede bang hingiin ang mga contact number niyo. Makikipagkaibigan lang sana,” mapaglarong wika ng isa sa kanila. Dalawa lamang sila at mukhang nasa lagpas bente na ang kanilang mga edad. Inirapan ko sila ngunit malakas na tawa lang ang kanilang iginanti sa akin.
BINABASA MO ANG
My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)
Teen FictionLove is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened. It only takes a snap of fingers or blink of an eye to fall in love with someone. It do not require too much time to like a person. Two peopl...