I WOKE up early to prepare our breakfast. Good thing, I can manage my time. I'm through dressing up myself with my new set of uniforms, unlike Lucy who is still in her bed, drooling and fantasizing. I knocked her room's door three times.
“Lucy, wake up. I bet you don’t want to get us late on the first day of classes!" I exclaimed. Mukhang hindi pa yata naalimpungatan ang babae. Unang araw pa man din ngayon ng pasukan, plus the fact that it's our first day in our new school.
I don’t know what’s gotten into my dad’s head why he decided to transfer us into a new school. Sa amin pala nakatira si Lucy. Nasa ibang bansa ang kaniyang mga magulang kaya ibinilin nila siya sa amin. Lucy’s mom and my mom are best friends ever since they were in gradeschool.
Kaya ang ending, heto, kami ang nagpapatuloy sa mga nasimulan ng aming mga magulang.She's not only my best friend, she is also my sister kaya kapag inaaway ako ni kuya, may kakampi akong reresbak sa kaniya. By the way, nakatira kami ngayon sa isang dorm na may magkahiwalay na kwarto. Malapit lang kasi ito sa bagong school na nilipatan namin.
Ilang sandali pa, lumabas na rin sa wakas mula sa kaniyang lungga ang kaibigan kong gorilla. Lagi na lang, tuwing first day of school, ganiyan na lang palagi ang eksena ng babaeng ito. Pumasok na siya sa loob ng banyo habang naghahanda ako ng almusal namin.
Ilang minuto lang, muli kong tinungo ang kwarto ni Lucy para silipin kung nakabihis na ba siya ng kaniyang school uniform. Naabutan ko siyang naglalagay ng kolorete sa kaniyang mukha. Napaikot na lamang ako ng aking mga mata dahil sa kaartehan ng babaeng 'to.
"Parang hindi ko feel ang pumasok ngayon," pag-iinarte niya saka ngumuso pa sa akin. I rolled my eyes and let out a sigh senselessly.
Mababatukan ko na talaga siya. Pigilan niyo ako. Hindi niya feel pumasok pero todong pagpapakikay ang ginawa niya sa kaniyang sarili. Nagawa pa nga niyang magtali ng buhok at i-braid ang ilang mga hibla nito tapos sasabihin niya sa aking hindi niya feel ang pumasok ngayon?
"Whatever! Come on, let's eat," I sneered, rolling my eyes to her for the nth time.
Nasanay na ako sa kaartehan ng bruhang ito kaya wala na itong epekto sakin.
"Hmmm... Beshie, tungkol nga pala dun sa proposal at deal sa iyo ni Mr. Mysterious Poging Cute Stranger na iyon," Lucy interrupted, reminding me about that jerk. Is it necessary to include 'pogi' and 'cute' in her description? I looked at her with boredom in my eyes while slowly chewing my food.
"Paano kapag nagkita nga kayo ulit? Seryoso? Magpapaalipin nga ba talaga siya sa'yo?" tanong niya na hindi ko naman alam ang kasagutan.
Ngumuya lang ako at di ko siya sinagot. Tumingin lang ako sa kaniya nang may blangkong ekspresyon. She just rolled her eyes to me. Alam niya sigurong wala siyang mahihitang sagot sa akin. Malay ko bang pinagloloko lang kami ng kupal na 'yon. The hell I care. I don't need alipin, alalay or whatsoever.
Nakikinig lang ako habang nagdada-daldal itong kasama ko. Ako 'yong tipo ng tao na hindi gaanong nagsasalita kapag kumakain. Bahala siyang masamid diyan. Nang matapos na kaming kumain at mag-ayos ng sarili, inihanda na namin ang aming sarili para pumasok.
"Lucy, let's go!" pagtawag ko sa kaniya. Nagreretouch pa yata ang bruha.
"Sorry! I'm ready na," she said out of excitement with excitement glittering in her eyes.
Ang bilis namang magbago ang ihip ng hangin. Kanina lang ay parang tamad na tamad siyang pumasok pero ngayon parang inasinang bulate sa excitement. Nauna pa siyang maglakad sa akin at napapakanta pa ng paborito niyang background music sa TikTok.
BINABASA MO ANG
My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)
Novela JuvenilLove is more than just an emotion. You can feel it but you can't explain what truly it is. It just happened. It only takes a snap of fingers or blink of an eye to fall in love with someone. It do not require too much time to like a person. Two peopl...