Chapter 06

2.9K 94 25
                                    

ONE YEAR and three months have been passed by. But, the scar in my heart is still fresh. I thought moving on was easy. I thought I can easily forget about him. But, I was wrong.

I’ve waited for him that day. But he didn’t come. It was our first year anniversary and I was very happy that time. He told me to wait for him in our favorite place. I came on the meeting spot earlier than the time he told me.

Ilang oras akong naghintay sa kaniya. Lumipas ang limang oras na paghihintay at malapit nang gumabi ngunit ni anino niya ay hindi ko nakitang sumipot sa tagpuan namin noong araw na iyon. Wala rin akong natanggap na kahit anumang text o tawag mula sa kaniya.

Pinuntahan ko siya sa tinitirhan niyang apartment ngunit wala akong nadatnang Dwaine doon. Isang sulat ang natagpuan kong nakapatong sa study table sa kaniyang kwarto na nagsasabing kalimutan ko na raw siya. I was in a complete surprise while reading his letter.

Sinabi pa niya sa sulat na hindi niya ako mahal o minahal kahit kailan at ginamit lang niya ako para makalimutan ang ex-girlfriend niya. Besides, may mahal daw siyang iba pero hindi niya sinabi kung sino. Umalis siya at sumama sa kaniyang tiyahin patungo sa Singapore para doon na raw siya magpatuloy ng pag-aaral.

I know the letter wasn’t fake. I knew well Dwaine’s handwriting and I’m sure that he was the one who wrote it. Pero bakit naman parang biglaan lahat?

Ang sakit lang. Bakit sa mismong anniversary pa namin ginawa niya ang bagay na iyon sa akin? Bakit kung kailan mahal na mahal ko na siya, saka lang niya sinabi ang mga bagay na iyon? Mas madali pa sanang kalimutan siya kapag nagsabi siya agad sa akin at hindi na niya pinaabot pa sa puntong hulog na hulog na ako sa kaniya.

Maiintindihan ko naman kung may mahal na siyang iba. Palalayain ko naman siya kung hindi na siya sa akin masaya. Kahit pinagmukha niya akong tanga at kahit masakit, gagawin ko kasi ganoon ko siya kamahal.

Umiyak ako nang umiyak noong araw na iyon at ilang linggo din akong hindi makausap ng aking pamilya. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Si Dwaine ang unang lalaking minahal ko. At siya rin ang lalaking pinapangarap ko hindi dahil may hitsura siya, kundi dahil maaruga siya, maalalahanin, at kayang hawakan ang pabago-bago kong mood. Siya lang ang lalaking pinagkatiwalaan ko nang lubos.

Dahil sa ginawa sa akin ni Dwaine, mas lalo lang nadagdagan ang galit ko sa mga kalalakihan. Lumaki akong nakikita ang mga kawalanghiyaang ginagawa ng aking ama. Halos gabi-gabi siyang nag-uuwi ng kaniyang babae sa bahay namin. Ilang beses na rin siyang nahuli ni mama na nambababae pero nagpapatay malisya lang ang aming ina. Nawalan na rin siya ng pakialam dahil sa paulit-ulit na pananakit sa kaniya ni papa. 

Si Kuya Ezekiel naman, laging nakikipag-away sa girlfriend niya. Parang ilaw na patay sindi nga ang relasyon nilang dalawa dahil itong si Kuya, mag-aayang makipag-break sa dyowa niya para makipag-date sa iba. Pero kapag nagsawa na siya sa babae niya, makikipagbalikan ulit siya sa ex-girlfriend niya. Gano’n parati ang nangyayari sa kanila.

Akala ko no’ng una, naiiba si Dwaine sa ibang mga lalaking kilala ko. Akala ko aalagaan niya ako at hindi magagawang saktan, pero maling-mali talaga ako sa mga akala kong ’yon. Pare-pareho lang silang mga lalaki. Lahat sila puro mapanakit.

Sinubukan kong tanggapin ang mga nangyari. Naging maayos naman ako pero saglit lang. May malalaman pa pala akong mas lalong ikawawasak ko.

One day, isinama ako ni Lucy sa mall para mag-aliw at makalimot sa mga problema. Isang babae sa shop kung saan kami bumibili ng mga damit ang narinig kong nakikipag-usap sa isang lalaki sa kaniyang cellphone. At narinig kong nabanggit niya ang pangalang ‘Dwaine’ sa kalagitnaan ng phone call.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon