MSITCK #TWENTY SIX: Perfect Jealousy

1.4K 45 3
                                    

Dedicated to @SowJinJelly

Chapter Twenty Six: Perfect Jealousy

Yumi

Lumipas pa ang ilang araw, pasahan na ng aming literature review sa RWS. Buti nalang at kahit papaano ay nagkasundo kami ng aking mga kagrupo sa paggawa nito, malamang kasali na dun si Rave. Naipasa naman namin ito sa tamang oras. Maging sila beshie rin, kahit alam ko namang konti lang ang naitulong niya sa paggawa. Buti nalang at naisipan niyang siya na ang magpaprint kundi malamang tanggal siya sa grupo.

Naghihintay nalang kami ngayon nang guro namin, pero mukha atang abala silang lahat ngayon dahil sa paghahanda ng nalalapit na foundation day namin. Next week na daw yun at sakto namang nataong sa araw na din yun magaganap ang singing contest na sinalihan nina Jasmin, Cassandra at Rave kaya malamang puspusan ngayon sa pag-eensayo yung tatlo. Wala sila dito sa classroom. Magtre-trenta minutos na wala pa si Ms. Corsino. Kaya eto pinili nalang ng iba naming mga kaklase na manood ng love story sa telebisyong nakasabit sa taas ng blackboard habang nakasaksak yung isa sa mga laptop nila sa HDMI na nagkokonekta sa TV at laptop.

Well, it's not my thing. Hindi ako mahilig manood ng mga ganyan. I do love watching mystery movies than love story movies. Si beshie ang mahilig sa ganyan.

"Beshie, punta lang ako sa cafeteria. Bibili lang ako ng tubig," pagpapaalam ko sa kanya. Tango lang naman siya ng tango dahil tutok na tutok siya sa kanyang pinapanood habang kinikilig na parang timang.

Maging ang mga boys namin, napapahiyaw din sila kapag may mga kissing scenes. Kaya naaalibadbaran ako, mas mabuti  sigurong pumunta muna ako sa cafeteria para magpalamig.

Sa aking paglalakad, nakarinig naman ako ng mga boses na kumakanta galing sa music hall. Mga nag-eensayo atang mga estudyante para sa singing contest next week. Lumapit naman ako sa pinto at isinandal ang aking tenga dito para mas lalo kong marinig. Ang sarap sa tenga lalo na kapag may mga part na kumukulot yung boses nung babae. Yes, it's a girl's voice. It was angelic at para bang hinehele ka sa duyan sa lamig at lambing ng boses. Hindi ako familliar sa kinakanta niya pero nadadala ako sa ganda ng kanyang boses. Mas lalo ko pang diniinan ang aking ulo sa pinto pero nagulat nalang ako nang biglang bumukas ito at napasandal ako sa dibdib ng kung sino. Matigas ito at amoy na amoy ang kanyang pabango. Ang sarap amuyin, yung tipong pati pawis niya pwede mong ilagay sa bote dahil sa bango. Pero teka, sino ba to?

Napatingala naman ako at halos hindi ako makagalaw sa mukhang bumulaga sa akin. Shockks, lupa kainin mo na ako. Now na! It was him at sobrang nakakahiya.

Hindi ko magawang ihakbang ang aking paa o di kaya ibuka ang aking bibig. Tila ba nashutdown ang aking sistema at habang tumatagal, parang bumabagal ang takbo ng mundo. Kumakabog rin ang aking dibdib dahil sa kaba.

Narinig ko naman ang kanyang pag-iling at nang tumingala na ako sa kanya ay kumurba sa kanyang labi ang mapanukso niyang ngiti. Goshh, nakakakita naman ako ng mga fireworks. Fireworks attack!

"Ah, eh..." pagkamot ko sa aking pisngi bilang tanda na nahihiya.

"I'm ...so-sorry for that. I ...gotta go," nai-stammer pa na sabi ko. Dahan dahan akong tumalikod at umalis palayo sa kanya. Ganyan lang Yumi, dahan dahan lang sabi nga sa kanta ni Maja. Naglakad lang ako nang hindi lumilingon sa kanya. Tatakbo na sana ako pero bigla niya akong tinawag sa aking pangalan.

"Yumi! ," sigaw niya sa akin. It was soothing in my ears hearing him calling me on my name. Ano bang pinagsasabi ko? Don't tell me nagugustuhan mo na siya? No way, no freaking way. Hindi pwede, hindi maaari! Para hindi naman ako mapaghalataang nahihiya ako sa kanya at baka isipin niya pang snobber ako, lumingon ako at humarap sa kanya.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon